A/N: mukhang lagot ako sa mga tao tao...enjoy nalang kayo, xD

Lagot Tayo kay Bryan

Ang Tatay

"PUTANG INAaAaAaAaA!"

Ang buntis: si Rei

Ang nakabuntis at rightful tatay: Bryan

Ang (mga) nagtutulak: Bryan, Tala at Kai

Ang (mga) sumusunod: ang buong tropa aka Blitzkrieg, PPB, BBA, Majestics at White Tigers na tumatakbo

"BILISAN NINYO!" sigaw ni Rei "LALABAS NA SIYA!"

Mabilis na iniliko nina Kai ang stretcher, umiiwas sa mga nars, doktor at pasyente...o parang sila ang umiiwas sa kanila.

Umungol ang buntis. "SHIYETE! DI KO NA 'TO KAYA!"

Kinabahan si Bryan. "ALIS! MAGSIALISAN KAYO!" isinigaw niya sa mga taong nakatunganga at nakaabala sa dinadaanan.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

"Aba sandali..." Hingal na hingal na sinabi ni Gao. "Bakit di nalang tayo gumamit ng elevator? Mukha tuloy tayong tonge..."

"Pabayaan mo sila..." hinihiningalong sagot ni Kevin. "Gusto nila ng exciting..."

Makaraan ng ilang sandali...

"Uy...ano ba kayo...asan ba yung emergency room? Ba't yata ang tagal niyo 'kong itakbo doon?" tanong ni Rei.

"Ahm..." napatingin si Tala sa mga kasama. "Eh...kasi hinahanap pa namin."

"MGA ULOL!" tawag ni Oliver. Lahat sila'y napatingin sa kanya. Kitang kita na ang batang chef ay pagod na pagod, hawak hawak ang tuhod na parang tungkod. "Nilampasan niyo na o..." sabi niya.

Natigilan silang lahat.

"Ah...o sige...mag-U-turn tayo. U-TURN! TABI! TABI!" sabi ni Kai habang iniikot ang stretcher.

"TULAaAaAaAK!"

At napahiyaw si Rei.

Ang anak: kambal, parehong lalaki

Pangalan: Davinsky at Wa Lang Ya

Nakatitig si Tala sa mga bagong sanggol na waring nag-iisip. Ngeh...parehong kamukha ni Bryan...paano kung kamukha ko sila?

TBC