Ang isang linggo ay kinabibilangan ng pitong araw na kung saan nauuna ang Sunday (Linggo) at nagtatapos ng Saturday (Sabado). Karaniwan sa isang paaralang pang elementarya o highschool, ang pasok ay nagsisimula ng Monday at nagtatapos ng Friday. Tulad din sa Japan, ganito din ang araw ng kanilang pasok.
Sa Class 3-D, bihira… or wala na talagang gana mag-aral ang estudyante ni Yankumi. Pero dahil na rin sa suggestion ng kanyang estudyante, naisipan niyang gawan ng paraan.
Mahihirapan nga lang siyang bayaran ang mga ito :)
Chapter One- Fourteen
MONDAY
"Ganito na ba talaga ngayon kahirap ang addition na kahit third year students hindi kayang sagutin?" sabi ni Yankumi habang naghihimutok sa kanyang klase.
"Hay Yankumi, nagsasayang ka lang ng panahon. Ang hirap hirap niyan, tapos pinapasagot mo pa sa amin!" sabi ni Minami.
"Oo, tama!" sigaw ng buong 3-D.
"Tsaka kita mong busy kami eh. " Sabat ni Uchi.
Pagpasok pa lang ni Kumiko Yamaguchi sa kanyang advisory class, alam na niya agad ang mararating ng Math class nila. Aminado naman siyang mababait na bata ang mga estudayante niya, yun nga lang tamad magparticipate sa class recitation.
"Alam niyo, kahit isang hamak na elementary student, kayang kaya i-solve ang ganitong klaseng math equation."
"Eh sa mahirap eh." Sabi ni Noda.
"Tsaka busy nga kami di ba?" sabat ni Kuma.
"Hay, mga bata kayong talaga oo! Sige ganito, pwede bang manahimik muna kayo sandali?"
Wala pa rin. Tuloy pa rin sa pagdadaldalan ang buong 3-D.
"Isa…"
Wala pa rin.
"Dalawa"
Lalong wala pa rin.
"TATLO!" dito na niya nasigaw ang lahat, ala "Yakuza style".
Napatingin ang buong klase sa kanilang teacher.
"Kahit tatlong minuto, ay hindi, kahit isang minuto, pwede niyo ba akong pakinggan?" pakiusap ni Yankumi.
"O sige, isang minuto, oorasan ka namin ah." Sabi ni Minami na nasundan pa ng ilang segundong pagtatawanan.
"Napaka-pilosopo mo talaga Minami. Pero sandali… meron akong isa-suggest."
"Hay, wala nanamang kwenta yan."
"Anong sabi mo?"
"Ganito na lang kasi. Bakit hindi mo subukang mag-iba ng teaching style? Gumawa ka ng gimik. Bulok na kasi ang sa iyo eh." Sabi ni Noda.
"Teka nga lang, ako ang ang teacher dito ah, hindi ako estudyante. Pero sige, ano ba kasi ang gusto niyong mangyari sa buhay niyo ha? Araw araw na lang kayong ganyan. Tapos ang isang simpleng math problem, di niyo pa carry sagutin?"
"Eh kasi… boring." Sabi ni Uchi.
"Boring?" nagtatakang tanong ni Yankumi na parang gulat na gulat na boring pala ang Math.
"Gawin mo kasing interesting ang pag-aaral. Tignan mo si Ms. Fujiyama, napaka-galing magturo. Alam mo kung bakit? Dahil ginagamit niya ang ganda niya, kaya di na niya kailangang gumawa ng kung anumang gimik." Sabi uli ni Noda.
"Kaya nga Yankumi. Eh buti sana kung maganda ka, eh hindi naman. So kailangan doble kayod ka sa pagtuturo." Sabi ni Minami.
Aba?! Tama ba naman ihalintulad ako kay Ms. Fujiyama? Ugali nitong mga bata na ito, malilintikan to sa akin!!
"Tama ba naming ikumpara ako kay Shizuka?" sabi ni Yankumi.
"Hindi naman sa ganun, pero, kailangan mo talagang harapin ang katotohanan."
"Tama!" sigaw ng 3-D.
"O, tapos?"
"Eh kung bigyan mo kami ng… kapalit?" sinaggest ni Kuma.
"Kapalit? Wait, wala akong pera!" sabi ni Yankumi na parang nanakawan ng kuna ano.
"Pera? Hindi pera! Ano ba naman?! Alam naman naming na wala kang pera eh, at tsaka hindi yun yung point namin."
"Eh ano?" tanong ni Yankumi.
"Basta kapalit. Kada tamang sagot, may kapalit. Tapos kami na bahala kung ano." Paliwanag ni Minami.
"Baka naman hindi ko kayang ifulfill yan."
"Sus, sinong niloko mo?" pagtataka ni Noda na naiiritang ewan.
"Ha?"
"Di ba nga sabi naming mahirap yang pinagtatatanung mo? O, eh pano naming masasagot yan at magkakaroon ng reward kung hindi naming aaralin di ba?"
"Ibig sabihin, hangga't hindi kami dumadaan sa prosesong tinatawag ng karamihan na "pag-aaral", wala kaming makukuhang reward."
"Tsaka mahihirapan din kami."
"Hindi na ba sapat ang mataas na grades?"
"Ang grades ay may malaking kaibahan sa "materyal" na kapalit." Unti-unting paliwanag ni Minami.
Naging isang masinsinang usapan ang nangyari. Pero pagkatapos nun, balik "normal" nanaman ang estudyante ni Miss Yamaguchi.
"O, ngayon, ano na ang sagot?"
Biglang nag-ring ang bell. Pero…
"14." Biglang sabi ni Shin sa likuran.
Hindi na narinig ng klase ang sagot ni Shin dahil na rin sa excited sila sa paglabas ng classroom. At kung oo man, ano naman pake nila?
"Aba Sawada, buhay ka papala." Smile ni Yankumi na parang pang-inis na natutuwa na rin dahil may nag-participate na rin sa klase niya after 1 hour.
"Sinagot ka na nga, mang-bibwisit ka pa." sabi ni Shin habang palakad na papuntang harapan, dala-dala ang kanyang bag na naka-sampay sa kanyang balikat.
"Uy, hindi ka ba sasama sa mga kaibigan mo? Iniwan ka na nila o." paliwanag ni Yankumi habang nagbubura ng blackboard.
"O ano sa iyo?" tumigil si Shin sa harapan ni Yankumi.
"Oi Sawada."
"One point." Sabi ni Shin ng mahinahon kay Yankumi.
"Ha?"
"Tandaan mo." Sabi ni Shin.
"One point?" tanong ni Yankumi na parang may amnesia at ganun na lang kabilis makalimot.
End of Chapter One.
