AN: Hiii! I decided to do a new story because I'm bored. Yup, I own this idea and the characters. Haha. Tagalog nga pala toh. =))))
Chapter 1
Gabriel's POV
Narinig ko ang aking alarm clock. Tinignan ko ang oras. 5:15 am. Haaay, kailangan ko nang kumain at maligo. School nanaman. Medyo excited naman ako pumasok dahil makikita ko ang mga crush ko. Madami akong crush sa school eh.
Nagpunta na ko sa school. Ang una kong nakita ay ang aking best friend na si Carlos. "Hello!" Binati niya ko. "Hi!" Sabi ko. "Nagawa mo assignment, bro?" Tanong niya. "Oo." Sagot ko. "Pakopya naman, sige na!" Haaay, typical Carlos. Lagi siyang tinatamad gumawa ng assignment. "Yan ka nanaman eh." Sabi ko. "Sige na! Last na talaga toh, promise!" Nagmakaawa siya. "Oo, sige. Mamaya ibibigay ko sayo yung assignment ko." Sabi ko. "Salamat ah! Tunay ka talaga na kaibigan." Nakangising sagot ni Carlos. "Sooo, pare sino nga pala yung sinasabi mong crush na crush mo sa kabilang section? Diba sabi mo sasabihin mo sakin kung sino siya?" Sabi niya ulit. "Oo.. Perooo..." Sabi ko. "Pero ano?" Tanong niya. "Baka pagtawanan mo ko eh." Sagot ko. "Hindi ah! Ano ka ba! Alam ko naman ang papanget ng mga type mo pero sige na, sabihin mo na sakin." Sabi niya. "Grabe ka naman. Panget talaga?" Sabi ko. Tumawa siya. "Biro lang! Sige na, sabihin mo na." Sabi niya. "Siii.. Si ano." Sabi ko. "Ang arte nito. Sabihin mo na kasi!" Sabi niya. "Si ano.. Yung Sam? Sam ba yun?" Sabi ko. "Ah! Si Samantha Flores! Wow pare! First time yata na gumanda type mo ah.." Sabi niya. "Wag ka nga.. Tsaka crush lang naman yun eh. Marami pa kong ibang crush." Sabi ko. "Ehem. Ang papanget po ng iba niyong crush. No offense, tol.. Sooo, si Sam... Gumawa ka na ba ng move?" Tanong niya. "Nag message ako sa kanya sa facebook." Sagot ko. "Well? Ano sinabi mo?" Tanong niya ulit. "Nagpakilala lang naman ako." Sabi ko. "Ano sagot niya?" Pangatlong tanong ni Carlos. Ang daming tanong nito! "Wala... Seen." Sagot ko. Tumawa siya ng malakas. "Talaga? Buti nga sayo!" Sabi niya. " Tinignan ko siya ng masama. "Biro lang naman.. Natatawa lang ako sa fact na seen ka lang. SEEN ZONE! Dapat kasi wag sa facebook. Sa personal dapat." Sabi niya. "Wag na, baka mabusted lang din ako tulad mo." Sabi ko. Binatukan niya ko. Sinapak ko siya sa braso. "Aray!" Sabi niya. "Ganti lang yun, tol. " Sabi ko.
Samantha's POV
Nakita ko si Gab at ang kanyang best friend nag uusap. Ang gwapo talaga ni Gab. Walang may alam na crush ko siya at talagang hindi ko papaalam.
AN: Haha! Ang short nung POV ni Sam. Sa Chapter 2 ko nalang ulit hahabaan. Hahaha! Sooo nagustohan niyo ba? :) Review po! Thank you :*
