Disclaimer: The characters and song included in this story are owned by their respective owners, therefore disclaimers became really redundant that it becomes annoying even to think of it, so… there (kulit nyo rin no?)

Chapter 1

Kailangan ba talaga ito?

Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag

Ang paghingi ng tawad ay dapat gawin

Kung ika'y nagkasala

Kahit ang kapalit nito ay kahihiyan mo

At lalo na kung public apology ang hinihingi sayo

In style


10:30 pm

Vongola mansion

"Kailangan ba talaga nating gawin to, Kuya Tsuna?" reklamo ng inaantok na si Lambo.

"Oo, kailangan eh kung hindi…" ngumiting pilit si Tsuna sabay turo sa CCTV camerang nakatutok sa kanila matapos ayusin ang necktie ng pinakabatang guardian.

Ang hindi nila alam ang nasabing camera ay naka-hook sa lahat ng computer sa buong Vongola base pati na rin sa Cavallone, Shimon at Giglionero network kaya kita ng lahat.

"Haha… mukhang masaya to." Sabat ng masayahing rain guardian, pero deep inside hindi ito mapakali at inabala na lang ang sarili sa pagtatanggal ng mga lukot sa suot na suit.

"Grr… manahimik ka nga dyan at nagugulo ang concentration ni boss" inis na sigaw ng iritableng storm guardian aakma na sanang magsisindi ng sigarilyo ngunit bigla itong naputol dahil sa kadena na nakakabit sa tonfa ni Hibari. "Bawal yan herbivore"

At ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Well, first thing you had to know is that una wala syang choice, ikalawa blackmail at pangatlo takot sa isang taong mas carnivore pa kaysa sa kanya na kung hindi nya gawin ito ay baka hindi na sya makapasok sa bahay nila.

"TAPUSIN NA NATIN ITO TO THE EXTREME" nagtakip ng tenga ang lahat dahil sa lakas ng boses ng sun guardian na si Ryohei.

"Kufufu… para kayong mga bata"

"Guys, tama na ok? Umpisahan na natin ng matapos na, ready na?" tumungo ang lahat at pumunta sa pwesto at nagsimula ang tugtog.

Nasaan kamo sila? Nakatayo sila labas sa tapat ng balkunahe.

Anong gagawin nila? Manghaharana

Para kanino? Sa mga asawa nila

Bakit nga ba nagkakaganito sila? Well, nagsimula iyan sa… isang pangyayari na minsan nangyayari sa buhay may asawa, lalo na kung ang asawa mo ay gwapo, mayaman, makapangyarihan, subsob sa trabaho (ahem paperwork), busy-busihan at bihira umuwi o magpahinga.