PAALALA

DI KO PAGAARI ANG MGA SUMUSUNOD

NARUTO

ANG KANTANG PAGLISAN NG COLOR IT RED


MGA TANDA:

"Sinsabi"

'iniisip'

Kanta

Alaala


SA AKING KAMATAYAN

Panimula

At Pumatak Ang Yebe


Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti

"Pag nakakita ka ng taong tatanggap sa iyo ng walang pagaalinlangan siya na ang pinakamahalagang tao sa buhay mo."

At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin

Sa kabila ng pagpatak ng yebe ng araw na iyonng desisyon ang mga miyembro ng ikapitong lupon ng bayan ng Konoha na ilibing ang dalawang labi sa may tulay.

Di mo man silip ang langit

"Noong araw din yung naramdaman ko ang pinakamasakit na bagay ng mangyayari sa isang tao."

Di mo man silip ito'y nandirito pa rin

Sa bukana ng kagubatan may isang talampas. Ito ay nakadungaw sa bayan nina Hikari.

Kung ang lahat ay may katapusan

"Ang nagiisa."

Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan

Sinimula nina Naruto ang paghuhukay.

At sa yong paglisan

"At ngayong wala na akong silbi sa kanya wala na rin akong dahilan para mabuhay."

Ang tanging pabaon ko

Unti-unti napuno ng mga luha ang mata ng pinkamaingay na ninja ng Konoha.

Ay pag-ibig

"Di ba Naruto, gagawin mo ang lahat para sa mga taong mahahalaga sa 'yo."

Sa pagbuhos ng ulan

"Naruto ayos ka lang ba?" ang tanong ni Sakura.

Sa haplos ng hangin

"Patawad Zabuza, di na kita matutulungan."

Alaala mo ay nakaukit

"Ako, AYOS LANG AKO," masayang isinigaw ni Naruto.

Sa pisngi ng langit

"Haku, ikaw ang magiging pinakamalakas kong sandata. Kaya mo bang gawin iyon para sa akin?"

Di man umihip ang hangin

"Wag ka ngang maingay. Wala ka talagang paggalang."

Di man umihip ika'y nandirito pa rin

"Opo, Ginoong Zabuza handa akong gawin ang lahat."

Kung ang lahat ay may katapusan

"TUMAHIMIK KA NGA DIYAN, SASUKENG MAYABANG."

Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan

"Di mo naiintindihan, si Haku ay maraming tinanggap na pasakit para sa ating lahat."

At sa yong paglisan

Tumigil sa pagbabasa ng libro ang jounin ng ikapitong lupon.

Ang tanging pabaon ko

"Kakashi, may hihilingin sana ako sa iyo."

Ay pag-ibig

"Muhkang matatagalan pa kayo. Tutulungan ko na kayo." Tumayo si Kakashi at kumuha ng isang pala.

Ay pag-ibig

"Umiiyak ka ba, Haku?"

Ay pag-ibig

IPAGPAPATULOY


At habang umalis ang apat na tao mula sa dalawang puntod. Lingid sa kanilang kaalaman may pares ng pulang mata ang naghihintay sa kanilang pagalis.


awriterwannabee: AHHHHHHHHHH Ito ang unang pagkakataong kung magsulat ng isang likhang sining sa sarili kong lingwahe. Ito rin ang unang kuwento ko nilikha na binase ko sa Naruto. Sana po ay inyong maibigan ang aking, munting kuwento.
Naruto: Kailangan bang malalim?

awriterwannabee: Tumahimik ka dyan.

Naruto: Tsaka bakit ang iksi.

awriterwannabee: Sinabing isarado ang iyong bibig.

Naruto: Siguradong walang magbabasa nito.

awriterwannabee: P!#$ I$#. SINABING WAG KA NG MAGSALITA.

Naruto: Tulad ng iba mo pang kuwento.

awriterwannabee!

(Ang mga sumusunod po na pangayari ay tinanggal po ng inyong linkod dahil sa pagkakroon nito ng "EXPLICIT VIOLENCE" na di po angkop sa rating ng kuwento)

Naturo: I…..tai………….(means ouch, tama ba?)

awriterwannabee: Oo nga pla balak kong magtayo ng community ng puro Filipino fan fiction. Meron ba kayong gustong issuggest haaaaa. Iwan nyo na lang sa review. ;)