"Ay...Ikaw pala Alfred. Mukhang maaga yata ang pagdating mo ngayon." sabi ni Arthur sa kanya habang sumusulat sa pisara.
"Ahaha, dapag laging (/italicized/) /on time / ang /Hero/. Ano pala ang dinodrowing mo diyan?" tanong in Alfred.
"Ah, ito. Ginuguhit ko lang ang plano natin laban sa mga Allies" tinuro ni Arthur ang mga ginuhit niya.
Nakita ni Alfred si Ivan, si Yao, siya at si Arthur.
/Si Arthur pala ang nagdrodrowing sa mga iyan pag umaga/ inisip niya.
"Hindi ako magpapatalo!" binulong/mahinang sinabi ni Alfred.
"Huh? Ano ang sinabi mo?" tanong in Arthur.
"Ah, wala 'yun. Sige, alis muna' ko" sabi ni Alfred paalis sa /conference room/
Tumingin si England ng saglit sa pinto bago niya pinatuloy ang pagguhit niya. "Si Alfred talaga...napakaliksi".
Hindi niya napansin ang isa pang tao nakamasid sa kanya.
"Sino kaya ang nakalimutan kong iguhit?" tanong ni Arthur sa sarili niya.
"Paano...kaya ako..." sabi ng isang mahinang boses. Hindi narinig ni Arthur. "Nakalimutan ko pala ang"
"Pagkatapos...ako naman...hindi ba?" sabi ng boses na mahina.
"Eh, sino ka ba?"(sabi) ng isang maliit na puting oso kinakarga niya.
"Ako si Matthew." sinagot niya ng mahina.
Sa susunod na /meeting/
"Hoy! Ano 'to? Bakit pangit pangit mga drowing na 'to?"
sigaw ng isang Intsik, na si Yao.
"Oo nga, parang isang bata na hindi marunong magsulat ang nagguhit nito. Hindi nakakatuwa." sabi ng maarteng si Francis.
"Pwede ko bang sirain ang pader. Napakapangit kasi" sabi ng maamong boses ni Ivan, ngunit may hawak na /pickaxe/.
Napatigil sila ng sandali bagong mag-react kay Ivan.
"Hoy, hindi pwede yan" sigaw ni Yao "Huwag, Ivan!" sigaw ni Francis.
Tumingin si Arthur sa pisara, ang mga nakaguhit ay mga mukhang nakaguhit tila isang bata ginawa. Puro tuldok ang mata, laki ng mga ulo, kung hindi mo alam na may /allies meeting/ hindi mo alam kung sinu-sino ang mga iyon.
"Eh, hindi ba Okey naman ang mga drowing ito" sabi si Alfred, sumesenyas at magulo. "Okey naman, yung klase na drowing na ito di ba? Ang tao na gumawa nito ay nagtiyaga dito para lang makapagdrowing tayo para sa meeting. Nice naman di ba...etc"
Pinatong ni Arthur ang kanyang kamay sa balikat ni Alfred.
"Ikaw...ang nagguhit ng mga ito, hindi ba?" sabi niya kay Alfred.
*Tahimik*
HETALIA!
