Elow! Ryne here! Etong Fan fic kong ito ay base sa OVA ng Fairy Tail... This take place after magtransfer nina Juvia at Gajeel sa Fairy Academy. Gagawin ko itong tagalong na series kasi konti lang ang mga tagalog na gawa sa FF pero alam ko madaming Pinoy dito. Hehe. Welcome ang reviews at mga suggestion wag lang violent reactions ha? Hehe Salamat!
Disclaimer: I do not own Fairy Tail. Especially it's OVA. Everything belongs to Hiro Mashima.
Lucy P.O.V.
Hi! Ako ulit 'to si Lucy! Marami nang buwan ang lumipas since nagtransfer sina Juvia at Gajeel sa Fairy Academy and simula noon ang dami ng nanyari! Tulad nang makipag sanib kami sa iba't-ibang school para lang matalo ang anim na istodyante ng Oracion Academy. Nakita muli ni Gray ang long lost brother/rival niya since childhood na si Lyon Bastia, sa Lamia Academy ito nag-aaral at ang mga kasama pa naming ay ang Blue Pegasus Academy, na mga malalanding lalaki na yata sa lahat ng nakilala ko... At sa huli naman ay natalo namin ang Oracion Academy. May bonus pa kasama namin si Keroberos AKA Kinana na ginawang errand girl ng mga ito. Pero sa tingin ko may gusto si Cobra dito. Yun nga lang boyish itong si Kinana minsan, kaya mahihid sa damdamin ni Cobra.
At ngayon nga ay springtime na. Nagkalat ang Sakura petals sa daan. Para sa akin kay gandang pagmasdan ang mga ito. Hindi ko kasi mapigilang maimagin ang sarili ko na parang naglalakad sa simbahan habang nilalaglagan ng petals. Haaay tapos ay ang groom ko naghihintay sa unahan ng simbahan.
"Luce" tawag niya sa pangalan ko. Teka? Bakit kaboses ni Natsu ang groom ko?
GEN. POV.
"Luce" Tawag ni Natsu kay Lucy. He was wearing his uniform and his scarf kahit naman Spring na...
"Anong problema mo't nakapikit ka lumakad ha? May pangiti-ngiti ka pa at saka slow motion? Wirdo ka talaga" Tanong nito kay Lucy.
"Hindi ako Wirdo!" sabi ni Lucy.
"Oi ang-aga naman ninyo maglambingang dalawa" sabi ng bagong dating na si Gray.
"Hindi kami naglalambingan!" tanggi ni Lucy. Then she felt the heated stare of none other than Juvia Loxer. Sina Natsu at Gray naman ay nagsimula na ang away sa background.
"Love Rival" sabi ni Juvia sa kanya.
"Juvia hindi nga" sabi ni Lucy*sweat dropped*
"Ohayo minna" biglang bati ni Erza sa kanila.
"Erza-san ohayo!"(magandang umaga) bati ni Lucy dito. Ngumiti si Erza sa kanya at pumaling kina Natsu at Gray.
"Nag-aaway na naman ba kayo?" Tanong nito.
"Hindi ah, diba Natsu?" sabi ni Gray
"Aye" sagot naman ni Natsu as Happy #2!
"Mabuti, hali na tayo sa loob" mapag utos na sabi ni Erza.
"Hai" sabay sabay nilang sagot.
Kasalukuyang nag bababa si Lucy ng gamit sa locker niya ng may tumawag sa kanya.
"Lu-chan! Ohayo!" sabi ni Levy. Weird parang may kulang dito? ahh sina Jet at Droy pala wala.
"Levy-chan! Solo ka yata ngayon?" puna ni Lucy.
"May sakit sina Jet at Droy, pinag swimming lesson kasi sila ni Aquarius-sensei noong winter eh..." sabi ni Levy.
Malupit talaga si Aquarius-sensei.(hehe)
Nang dumating si Cana. Parang may off dito.
"Ohayo Cana-chan" bati ni Lucy.
"O? Lucy ikaw pala, ohayo" matabang na sabi nito. Nanatili na rin itong tahimik hanggang sa nagdatingan ang iba nilang kaklase.
Pinatawag ang lahat ngayon sa Gathering hall ng school. May ipapakilala sa kanilang isang sikat na tao na nagmula daw mismo sa Academy naggraduate.
"My dear student, you are all gather here to meet the Alma matter of this school , siya lang naman ang naka kompleto ng hundred years expedition si Professor Gildarts Clive!" pakilala ni Charla-sensei.
Nagpalakpakan ang lahat. Naririnig din ni Lucy ang mga sambit ng paghanga ng istodyante para kay Prof. Gildarts.
'Wow. Ang sikat na si Prof. Gildarts ay narito sa Fairy Academy! Teka a hundred year expedition? May tao bang nabubuhay pa noon?' Sabi ni Lucy sa isip niya.
Tapos ay narinig niya ang malakas na pagbuntong hininga ni Cana. Napatingin siya rito nakatingin to kay Prof. Gildarts na may lungkot ang mga mata. Bakit kaya? Napatingin siya kay Prof. Gildarts.
"Lucy, kailangan mo pang magsikap sa pag-aaral para mahamon siya. Wag ka munang maexcite na kalabanin siya" pabulong na sabi ni Erza kay Lucy.
'Mukha ba akong nag hahamon?' Sabi ni Lucy.
"Ah ganoon ba talaga siya kasikat?" tanong ni Wendy.
"Sikat?" sabi ni Erza, " Hindi lang siya sikat, bukod kasi sa consistent achiever siya since his childhood ay top din siya sa lahat ng subject niya noong nag-aaral pa. Siya din ang president ng student council ng mga panahong iyon at nag eexel pa siya sa lahat ng salihan niyang sports, at sa batang edad ay naging Propesor siya." pagmamalaking sabi ni Erza.
"Sugoi" may pag hangang sabi ni Wendy.(ang galing)
"At dito nagtatapos ang ating meeting. Maaari na kayong bumalik sa klase ninyo" sabi ni Charla-sensei.
Nasipag balikan na ang mga istyande sa kani-kaniyang clasroom nila.
"Wow, ganoon pala siya talaga kagaling" may paghangang patuloy sabi ni Wendy
"Nako! Hindi lang iyon Wendy!" sabi ni Macarov," magaling din siya sa pakikipag sparing! Pati na sa kalokohan!"
"Ahahaha, oo naaalala ko din iyon, lalo na noong dinala niya sa isang bar ang mga istodyante at doon ipinagfieldtrip diba?" Sabi naman ni Macao.
"Oo nga noh? Napaka chick boy pa niya noon" sabi naman ni Wakaba.
Si Lucy naman natutuwa lang sa mga kwento ng matatandang ito. Pero bakit ba hanggang nagyon ay Highschool pa tong mga ito?!
Nang nasa room na sila.
"Magandang umaga mga bata, STAND, BOW, AYE SIR" sabi ni Happy-sensei.
"AYE SIR" sagot naman nila. Then pumasok si Prof. Gildarts Clive!
Wow, sugoi, at mga pag hanga ang naririnig ni Lucy mula sa mga kaklase niya. May mga hindi nga nakatiis at kinunan pa ito ng litrato.
"Class, behave" saway sa kanila ni Happy-sensei." Si Prof. Gildarts muna nga pala ang magiging adviser ninyo buong spring,ako kasi ay may expedition ding gagawin" mayababg ba sabi ni Happy-sensei.
Wow ang galing naman...
"Sensei ano pong expedition ninyo?" tanong ni Warren.
"A hundred year fishing expedition" Naka pamewang pang sabi nito.
Nge...*sweat drop*
"Sige class, STAND, BOW, AYE SIR!" sabi ni Happy-sensei
"AYE SIR". Sigaw nilang lahat.
Paglabas ni Happy-sensei ay si Prof. Gildarts naman ang tumayo sa harapan, seryoso ang mukha nito na binasa ang class monitor notebook, tapos ay naglakad ito. Nag paikot-ikot ito sa classroom silang lahat.
"Nyahahahahaha, Macarov,Macao,Wakaba. Long time no see! You're all still in highschool?!" sabi ni Prof. Gildarts.
"Yes! The four handsome Fairy academy club are all unites again!" sabi pa nito. At nag-apiran pa?!
Close sila?! Sabi ni Lucy.
"Gildarts!" Tawag ni Natsu dito.
"Huh?" Lumingon ito kay Natsu."Natsu? Ikaw na ba yan? Ang laki mo na ah"
"Oo naman! Labanan mo ako!" sabi ni Natsu.
At sumugod si Natsu kay Prof. Gildarts. paiwas-iwas naman si Gildarts sa mga suntok nito.
"Hindi ko alam close pala si Natsu kay Prof." Sabi ni Lucy.
"Ahra, Si Prof. Gildarts kasi ang tumayong guidance ni Natsu noong bata pa."sagot ni Mira.
"Ahh"
Nagulat na lamang ang lahat ng tumalsik si Natsu sa bintana!
"Oops napalakas yata ang haggis ko" sabi ni Prof. Gildarts.
'Diba hindi iyon ang dapat na inaalala nito?!' Sabi ni Lucy sa isip.
Kataka-taka namnang bumalik si Natsu na wala man lang pilay sa katawan pero may malaki itong bukol na umu-usok pa. nakangiyi pa ito!'Haay ang weird talaga ng mga tao sa Fairy Academy.' sabi ni Lucy.
Naging magaling na Teacher si Prof, Gildarts, ang dami nga nilang natutunan mula rito, Masaya din ito mag-kwento tungkol sa mga kalokohan ng tinaguriang FHFAC (FOUR HANSOME FAIRY ACADEMYCLUB).
At sa wakas break time na:
Magkakasama sina Lucy, Mira, Erza, Wendy, Levy , Bisca , Laki , Evergreen at ang bagong tramsfer na si Kinana.
"Wow ang saya ng kumakain ng sabay sabay 'kina" sabi ni Kinana.
"Oo, tama ka masaya ito" sabi Erza habang kumakain ng cake.
"Iyan lang pag-kain mo 'kina?" sabi ni Kinana.
"Oo, tama na sa Student council president ang ganito kasarap na cake" sabi pa ni Erza.
They all jus sweat drop.
"By the way bakit wala ang ibang girls?" tanong ni Lucy.
"Si Juvvia kasama si Gray kumakain ng franks sa canteen" sabi ni Laki.
"Eh si Cana-chan?" Tanong niya.
Nagkipit balikat ang mga ito.
Nag reretouch si Lucy noon ng mapansin niya ang mahabang palda ni Cana. Nasa isang cubicle ito na medyo bukas. Sinilip niya ito to her horror! Naka ub-ob si Cana sa bowl!
"Cana-chan!" sinaklolohan niya ito. Hindi naman ito nalunod, yon nga lang amoy alak ito.
Dinala ni Lucy si Cana sa clinic,
Nagising si Cana na pink ang buong paligid...
"Maayos nab a ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ni Lucy.
"Oo, medyo hilo lang" sagot ni Cana.
"sabi ni Aries-sensei kailangan mo nga daw ng pahinga. Oh eto inumin mo"
"Salamat"
"Bakit ka kasi nag-iinom? Kung nahuli ka ni Charla-sensei i eexpel ka noon" sabi ni Lucy.
"Mabuti pa nga iyon" bulong ni Cana. At patalikod itong humiga sa kama.
Dumating naman si Aries-sensei kaya hindi na niya pa natanong si Cana.
"Lucy-san saan ka nanggaling?" tanong ni Erza kay Lucy nang makita siya nito.
"Sa clinic, dinala ko si Cana-chan" sagot niya.
"Bakit? Napaano sya? May bumogbog ba? Gantihan natin" nag hahamong sabi ni Erza.
"hindi wala. Masama lang ang pakiramdam"*Sweat drop*'War freak lang Erza?'
"Ah ganoon ba? Maigi naman" naging mahinahong sabi ni Erza.
Chapter 1 ends.
nakita ko mga mali ko kya binura ko 'to pero I decide na ipagpatuloy to.
