A/N: Eto ang kauna-unahang kong fanfiction na nasa Filipino. Sana ay suportahan niyo. Ito lamang ay isang oneshot, kaya titignan ko muna kung maayos ba ang lagay nito. Pagpasyensyahan niyo na kung merong mga typographical errors, natural lamang iyon sa mga tao.
Musika
Mysterious Cherry Blossom07
Sa mataas na paaralan ng mga ninja, merong isang lalaking na nasa 16 na ang edad ay nakaupo at tahimik sa kanyang silid-aralan. Ang pangalan niya ay si Uchiha Sasuke. Laging maaga dumating itong si Sasuke at sa tuwing darating siya, wala pa ang "nakakainis" niyang mga kaklase. Pero nung umagang iyon, meron siyang nararamdaman na nakakaiba. Parang meron siyang naririnig na musika sa kaniyang tenga. Kaya tumayo agad siya sa kaniyang upuan, at dali-daling umalis sa kanilang silid-aralan. Dahil sa pagkaka-alam niya siya pa lamang ang tao sa kaniyang paaralan.
' Parang meron akong naririnig na tunog ng violin sa kuwarto ng musika. ' isip ni Sasuke habang naglalakad papunta sa music room. ' Maganda ang tunog ng violin ' sabi ni Sasuke sa sarili niya, ' sino kaya yung natugtog ng ga'nong kagandang musika? Wala pa kong naririnig na kasing ganda nitong naririnig ko ngayon. ' At binuksan na ni Sasuke ang doorknob at pumasok. Habang naglalakad siya sa loob ng kuwarto, napatigil siyang bigala nung napatigil ang tunog ng violin. Merong kumalabit sa kaniyang kaliwang balikat, paglingon ni Sasuke sa direksyon kung saan nanggaling ang kalbit napalaki at kaniyang mga mata sa nakita niya.
"Sakura, ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Sasuke sa dalaga. Sumagot si Sakura, "Wala naman. E ikaw, bakit ka naandito?" Umiling si Sasuke sa kaniyang simpleng tanong at nagsisimulang mamula ang kaniyang mga pisngi, "Ano… kasi… meron kasi akong naririnig na tunog ng isang violin dito sa music room, kaya pinuntahan ko para malaman ko kung sino yung tumutugtog noon." Sagot ni Sasuke habang nakatungo at nakatingin sa kaniyang mga paa. Napangiti na lang si Sakura dahil sa mga pinaggagawa niya sa harapan niya at umalis agad sa kaniyang harapan na hindi nagpapaalam kay Sasuke. Nung tumingin na si Sasuke na kung saan doon pa din niya matatagouan ang dalaga, laking gulat niya at nawala ang kaniyang kausap. Habang nilalakad ni Sasuke ang buong kuwarto, meron siyang narinig na tunog, ang pagtunog muli ng violin.
' Dapat malaman ko na kung sino ang tumutugtog nitong vilon na ito. ' sabi ni Sasuke sa sarili niya. At nung nahanap na niya yung taong tumutugtuog nito, laking gulat niya na ang tumutugtog ng napakagandang musika sa kaniyang tenga ay ang dalagang kausap niya kanina, si Haruno Sakura. Nandoon si Sasuke, pinagmamasdan si Sakura sa distansya habang nagtugtog ng kaniyang violin. Inamin ni Sasuke na kasingganda ng tinutugtog niyang musika ang tumutugtog ng violin. Agad niya itong nilapitan ng hinawakan ang kaliwang balikat ni Sakura. Tumigil si Sakura sa pagtugtog at tumayo, tumingin sa direksyon na kung saan siya'y kinalbit. Laking gulat niya na bigla siyang hinalikan ni Sasuke. Matagal na merong paghanga si Sakura para kay Sasuke at sa pagkakataon na iyon at naipahayag na ni Sakura ang kaniyang nararamdaman sa binata. Ganon din siya sa dalaga. At naging sila, dahil sa simple ngunit napakagandang musika.
+ Wakas +
A/N: Ano, nagustuhan niyo ba? Mag-send na lang kayo ng reviews ditto sa fanfiction na ito. Wag kayong mag-alaala, gagawin kong itong koleksyon ng mga oneshot fanfictions para lamang sa Naruto characters. Kaya kayo ang magbibigay ng pairings para gawan ko ng oneshot. Sige, hanggang dito na lang.
