A/N: Okey… first time ko gumawa ng fic sa tagalog, anyways absent kasi ako! Ang storya ay tungkol kina Cloud at Tifa na pagtritripan ni Yuffie dahil wala syang magawa nang bumisita sya bigla. Wag nyo po ko sana I-flame… first time ko pa lang to na gumawa ng ff7 fic at nasa tagalog pa! (Naks!) Maaaring di mag tugma ang kanilang personalidad ayon sa game at movie, ngunit… sinadya ko ito dahil la nga me magawa.
Disklamador (Is there such a word?): Di ko pag aari ang ff7 at ang the others
Chapter uno: Ang the others… (Movie ni Bong Navarro at Toni Gonzaga? Di naman… title lang kinuha ko)
Tahimik ang paligid, walang giyera, walang gulo, kaya't ito'y magandang araw para kay Yuffie na mag-lakwatsa muna kahit saan. Ngunit sa masamang palad, walang siyang mahanap ng lugar na may "excitement"
"Naku naman! Nakakabagot mag-isa talaga!" ang sigaw ni Yuffie habang naglalakad papunta sa Midgard. "Buti na lang at nakaisip ako ng paraan para mawala ang pagka-boredom ko!"
Siya ay may balak na sumulpot sa seventh heaven upang makibalita at makidaldal pansamantala kay Tifa at Cloud. "Naku! Siguro magugulat ang mga yon pagnakita nila ako!" halaghak ni Yuffie
Meanwhile sa seventh heaven…"Cloud, masaya ako dahil may oras ka na para kina Denzel at Marlene." Mahinang bulong ni Tifa sa likod ng kanyang "boyfriend kuno" (A/N: Trip ko lang malagay ng kuno sa salita, pero sa totoo lang sa storya ko sila nang dalawa, wak nyo ko flame dahil dito.)
Mahigit 2 buwan na nang magtapat si Cloud kay Tifa ng kanyang pagmamahal ngunit ito'y isinekreto nila sa kanilang mga kaibigan, pati na rin sa dalawang bata.
Ang isinagot na lamang ni Cloud ay isang ngiti kay Tifa. Sa wakas… nailabas na nya ang nararamdaman nya sa kanyang minamahal.
Tumingin sya sa paligid at nang masuyid na nya na walang tao sa paligid, nilapit nya unti-unti ang kanyang labi kay Tifa.
Okey na sana ang timpla, pero out of nowhere biglang tinadyakan ni ninja Yuffie ang pinto habang sumisigaw ng "HIIYAAH!"
"Cloud! Musta na kayo ni… mahabaging Bahamut!" ang sabi ni Yuffie ng bigla nya napansin na halos maghalikan ang dalawa na nasa harap nya.
"Y-yuffie?" tanong ni Tifa habang tinulak nya papalayo si Cloud
"AAY! Sorry! Di ko sinasadya!" sabay takip ng mata ni Yuffie.
"Ano nangyayari dito?" tanong ni Denzel na halatang kakagising lang sa tulog nya. Si Marlene din nagising sa sigaw ni Yuffie.
"Uy! Si ate Yuffie! Ano ginagawa mo dito?" masayang nagtanong si Marlene sa ninjang tulala
"Wala! Wala! Dali maligo muna kayo bago kumain!" Ang sagot agad ni Tifa sabay kaladkad kay Yuffie sa kusina. Sumunod kaagad si Cloud sa kanila upang makaiwas sa mga tanong ng bata.
"Ano kaya problema nila?" tanong ng innosenteng si Marlene
"Siguro… nalipasan lang ng gutom si ate Yuffie"
Sa kusina…"Kayo ha… ano balak nyong gawin?" usisa ni Yuffie
"Wala ka na doon… singit ka lang kasi…" bulong ni Cloud sa sarili nya
"Ha? Ano sabi mo Cloud?"
"La…"
"Yuffie pwede humingi ng pabor?" ang sabi ni Tifa
"Ano?"
At ayun na nga… kinuwento na ni Tifa na may relasyon sila ni Cloud. Humingi sya ng pabor na isikreto pansamantala ito sa lahat. Agad naman pumayag si Yuffie sa isang condition…
"Dito muna ako sa inyo!" abot langit ang ngiti ni Yuffie sa kanilang dalawa
Wala nang nagawa ang dalawa kundi pumayag sila dahil wala pa silang balak isiwalat ang kanilang sikreto. Iniwan muna ni Tifa si Yuffie at Cloud sa kusina upang tawagin sina Denzel at Marlene.
"Ano na Cloud? Okay ba kayo?" tanong ni Yuffie sabay ngatngat sa tinapay na nakuha nya sa ref.
"Maayos naman ang buhay namin"
"Ah… okey! Teka may tula ako sa inyo!" Sa itsa ng tinapay sa labas
Hindi na lamang pinansin ni Cloud and pagtapon ni Yuffie sa tinapay, malamang naiisip nya na HIGH ngayon si Yuffie. "Sige parinig nga ng tula mo!" hamon ni Cloud
"Ahem! Ang mata nyo'y sing ningning ng langit! O, maawaing puso sana'y hindi kayo mag-alit. Puso't isipan ay iisa…" nagsimulang tumula si Yuffie upang aliwin ang sarili.
Naisip ni Cloud na nakakatuwa at hindi naman sila inaasar ng kaibigan nilang ninja. Ngunit nagkamali sya…
"Kung kaya't… always kama ang punta!"
"ANO?" Sigaw ni Cloud sabay halakhak ni Yuffie na nadinig nina Tifa, Marlene at Denzel na nasa second floor ng bar. (A/N:Sorry di ko maalala tagalog ng 2nd floor)
A/N: Wowee random… (insert kalokohan here). Siguro lang bka mag update ako… kung may ideas pa ako at may time kung wala… e di oneshot lang to!(Bwisit kasi school! Sana tuloy tuloy ang bagyo!). Paki basa at paki review din po! No flames please! Thank you!
