Habang naglalaro sa kakaibang dimensyon si Kai at Takao, ang kanilang mga beyblade ay patuloy na umiikot, nagsasalpakan, sumasaway… sumasayaw patungo sa napakalawak at napakagandang kalawakan.

Nakita ni Takao ang kakaibang ikinikilos ni Kai, hindi siya nakatutok sa laban kung di ay nakatitig lang ito sa kanya. Ang kanyang mata na nag-aalab ng damdamin. Hindi nya maintindihan si Kai at bigla niyang naramadaman…ang kanyang pulso ay tumataas, pinagpapawisan na siya sa buong katawan, at ang kanyang morenong mukha ay ngayon'ng medyo namumula. Ano ba itong nararamdaman ko? Takot?! Pero hindi, napakasaya naman nang pakiramdam ko…ano ba ito!!!

Unti-unting lumutang papalapit si Kai kay Takao, ang kanyang dating matalas na mga mata ay naging napakaamo, parang matutunay ako sa ganda ng kanyang mga mata. Hinawakan niya ng kanyang malaking kamay ang malambot na pisngi ni Takao. Si Takao ay halos mapaiyak sa halo-halong emosyong nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Unti-unti pang inilapit ni Kai ang kanyang mukha, inilapat kay Takao…isang halik sa labi…yun ang binigay niya sa kanyang iniirog na si Takao. Pagkatapos ay ngumiti pa siya, ang kanyang mga mata mas lalong gumaganda…"Mahal Kita"…mga binitiw na salita para kay Takao na tila napakatamis…Yakap…ipinalupot niya ng kanyang mga maskuladong braso ang katawan ni Takao, naramdam ni Takao ang napakakisig na katawan ni Kai, kay init ng kanyang katawan. Unti-unting yumakap din si Takao kay Kai, at nagpalitan ng mga halikan, habang lumulatang sila sa kalawakan…

Huminto si Kai, at mahinang umawit ng isang kanta na naglalaman ng kanya nag-aalab na damdamin, para kay Takao…

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag, ang pusong ito
Mawala ka, sa 'king piling
Mahal ko, iyong dinggin

At wala ng iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig
Nating dal'wa…
Sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihin
Minamahal kita

'Di man kagandahan ang boses ni Kai ay nadama parin ang kanyang gusto ipahiwatig kay Takao…ang kanyang pagmamahal…

Napaiyak si Takao sa kanyang awit at…dahil sa alam niyang lahat ng ito ay hindi totoo… ito lamang ay isang ilusyon, at pagkatapos nila makaalis sa napakagandang imahinasyong ito ay sila ay magiging katulad ng dati…magkaaway…

Pinunas niya ang kanyang mga luha, at biglang hinalikan muli sa Kai, at patuloy silang naghalikan…ang kanilang mga katawan na magkayakap ay lumulutang kasama ang mga tala…habang ang kanilang mga beyblade ay sumasayaw sa kalawakan…