Pamilya

Si Yamamoto Takeshi ay kilala bilang pinakamagaling na manlalaro ng baseball sa buong kasaysayan ng Gitnang Paaralan ng Namimori*. Ngunit mayroon pa rin siyang damdam na tila hindi pa rin siya kuntento sa kanyang ginagawa. Sinasabi niya sa marami na ang kanyang layunin ay ang maging isang propesyonal na manlalaro ng baseball. Hindi niya inakalang mag-iiba pala ang kanyang pangarap.

Nagsimula ito nang kanyang mapansin ang kanyang kaklaseng kinakantyawan ng marami. Walang kwenta raw kasi ang batang iyon. Ngunit isang araw, nakita ni Yamamoto ang lakas ng kanyang kaklase. Nakita niya ang determinasyon ni Sawada Tsunayoshi.

Nagkaroon din ng pagkakataong tinangka niyang bawiin ang kanyang buhay, dahil siya'y nasugatan dahil sa sobrang pag-praktis. At dahil sa kanyang kapansanan hindi niya makakayang maglaro sa kompetisyon na magaganap ilang araw na susunod. **

Ang taong nagpamulat sa kanya ay walang iba kundi si Tsuna, o mas kilala sa lahat bilang "Walang Kwentang Tsuna". Dahil dito naging parte siya ng pamilya ni Tsuna. Ngunit inakala niya na ito'y isang laro lamang; isang larong mayroong makatotohanang laruang baril at granada.

Tumawang mapanlait ang lalaking makikilalang Yamamoto Takeshi, ngunit siya'y tumanda ng sampung taon. Kanyang natandaan ang mga masasayang nangyari noong siya'y inosente. Noong siya'y baguhan pa lamang sa mundong tinatawag na mafia.

Tumingin siya sa maitim na kabaong sa harap niya. Mayroong kapansin-pansin na letrang 'X' sa gitna ng kabaong, at mayroon ding malaking simbolo ng Vongola malapit sa markang 'X'. Dito nakalibing ang kanyang matalik na kaibigan. Dito nakalibing ang kanyang pinuno. Dito nakalibing ang Vongola Decimo. Dito nakalibing si Sawada Tsunayoshi.

Inisip niyang ilang araw pa lamang ang lumipas nang huli niyang kinausap ang kanyang katoto. Tila mayroong surot sa dibdib nang kanyang inalala ang kanilang huling pag-uusap.

"Yamamoto… lahat kami… lahat kami'y nag-aalala para sa'yo" sabi ni Tsuna "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, ngunit tandaan mo hindi ka nag-iisa…"

"Hindi mo alam… kung ano ang pakiramdam ko…!" sinabi ni Yamamoto na tila'y gustong sumigaw. "Walang nakakaalam…"

Napa-buntong hininga si Tsuna, at umupo katabi ni Yamamoto, ngumiti siyang kaunti sa kanyang kaibigan. "…'wag kang mawalan ng pag-asa, Yamamoto…"

"Paano mo nagagawang ngumiti?!" napatanong ni Yamamoto. "Ang daming namamatay dahil sa giyera laban sa Millefiore at nagagawa mo pang ngumiti?" sinigaw niya. Hindi sumagot si Tsuna, at nanatiling tahimik. Nanlaki ang mata ni Yamamoto nang nalaman niyang naibuhos niya ang lahat ng galit niya sa kaibigan niya. Pinikit niya ang kanyang mga kulay tsokolateng mga mata't huminga ng malalim. "Gusto kong mapag-isa muna, Tsuna" sabi niya.

"Hindi ko naman inakalang iyon na ang huling pagkakataon, Tsuna…" binulong ni Yamamoto, bago siya umupo sa tabi ng kabaong. Hinanap niya ang isang papel mula sa kanyang bulsa at kanyang binuksan ito. Ang papel na iyon ay binigay sa kanya ni Gokudera nang nalaman niyang namatay - hindi, pinatay si Tsuna.

Ang mga salitang nakasulat dito ay:

"... Hindi ka nag-iisa, Yamamoto, palagi mong kasama ang iyong pamilya

'Wag mong kupkupin ang iyong mga nararamdaman…

Tumawa ka kung gusto mong tumawa

Umiyak ka kung gusto mong umiyak…

Isa tayong pamilya

-Tsuna"

Tumingin sa himpapawid si Yamamoto, hindi niya mabitawan ang papel na kanyang hawak. Tumulo ang kanyang mga luha, at umulan sa kanyang paligid.

***

Mensahe ng Akda:

(*) Kung ang Hayskul ay "Mataas na Paaralan" at ang elementarya ay "Mababang Paaralan" ibig sabihin ba na ang Middle School ay "Gitnang Paaralan"? =)) (lol)

(**) Hindi lumabas ang eksena sa anime kundi sa manga

REVIEW! REVIEW! REVIEW!