Comfort Room Escapades

ni crystallinemaia

Korning kwento para sa mga korning tao kumakain ng popkorn at mais con yelo.

Harry Potter © J. K. Rowling

.

Nagkaklase si Propesor Slughorn. Sa kasalukuyan, nagpapaliwanag siya tungkol sa Likido ng Buhay na Patay (Draught of Living Death).

"At ito ay blah blah blah," sabi ni Propesor Slughorn.

Pero hindi ito ang kanyang mga sinasabi, sa isip lang ito ng isang partikular na taong nagngangalang . . .

jadadadan...

MALUBHA AHAS (Severus Snape)

Nangingining na si Malubha, pero hindi yun alam ng mga kaklase niya. Habang sa kabilang dulo naman ng silid-aralan, secretong tumatawa sina Seryoso Itim (Sirius Black) at James Mangpapalayok (James Potter).

"Ser," sabi ni Malubha, at napatingin kaagad si Propesor Slughorn sa kanya.

"Ano 'yon, Ginoong Ahas?" tanong ni Propesor Slughorn.

"Ser, magbabawas lang po ako ng sama ng loob . . ."

"Hah, ah bakit? Nagalit ba sa 'yo si Binibining Evans?"

"Hindi ho, ser. Paumanhin na ho," sabi ni Malubha at lumabos na siya ng silid-aralan. Hindi ata niya naintindahan . . . mamatay ka Mangpapalayok . . .

korning wakas