WARNING: This fic is made just for fun! Please do not take this fic seriously. THANK YOU!

Ang fic na ito ay nakadedika sa mga manunulat ng Fanfare ng Ragnaboards. www.ragnaboards.level-up-games.com

Nakaupo sina Warse(priest) at Akira(assassin) sa isang bangko sa Prontera.

'Magkano na naipon mo ngayon?' tanong ni Warse

'100,000 zeny lang, may malaki kasi akong nabingwit sa Steal.'

'Nakaw mo yan lahat? Bigay mo na lang sa simbahan, kasi malaking kasalanan yan. Hati na lang tayo sa 30,000 zeny ko mula sa pagpaWarp.'

'Ayaw ko nga! Pinaghirapan ko nga to! Kung magbibigay ako, kalahati lang!'

'Alam mo, kung gawin mo yan, mapupunta kang Niflheim pag namatay ka!'

'At sinong pupuntang Niflheim?' tanong ng isang boses sa likod nila,

Si Deathscythe lang pala iyon, nakasuot ng gusgusing damit ng Knight.

'Wala! At ikaw, anong ginagawa mong may hawak na Alcohol?' tanong ni Akira

'Maglalasing ka na naman?'

'Hindi, kay Altair ko ibibigay to. Panggawa ng espada. Ano ba pinaguusapan nyo dyan?'

Sagot si Warse: 'Paano namin gagastahin ang perang naipon namin ngayon?'

'Aha!' sagot ni Deathscythe, 'Alam ko kung saan magandang gastahin yan! Nakikita mo yung Kafra na nakadamit Priestess?'

Tumingin sila sa malayo kung saan may Kafra na dinudumog.

'Si Tomoe iyon di ba? Ang ganda ganda nya!' sabi ni Akira

'Tama! May pusta ako sa inyo. Kung sino makakapagpasagot kay Tomoe ng OO, bibigyan ko ng 250000zeny. Kung may kasamang halik, 100000zeny dadagdag ko! Kung di nyo kaya, tig 50000zeny babayad nyo sa akin!'

Napasubo sina Akira at Warse. 'Laban!'

May biglang dumating na Wizard:

'Nerva! Ano ginagawa mo dito???' tanong ni Deathscythe.

'Wag na kayong umasang magugustuhan kayo ni Tomoe... Type nyan, ung mahilig manghalik na nababalot ng tsokolate yung bibig at dila, tapos type pa nyan, Black Roses'. sabi ni Nerva

'Paano ngayon didiskarte yang dalawang kasama natin? Sinira mo naman style ng dalawang ito e!'

'Paano mo nalaman lahat ng iyan kay Tomoe? Di mo naman siya naging ex di ba? Si Haja lang tangi mong GF dati, tapos ano itong naririnig ko?' sabi ng isang babaeng assassin.

'Rian Alemannia... please wag kang makikinig sa kalokohan niyang si Deathscythe, isa siyang sinungaling!'

'Maniniwala ka ba kay Nerva al'Thor? Isang Wizard yan, at kaya tayong paikutan ang utak niya. Kung gusto mo magtanong, lumapit ka kay Tomoe, at sasabihin niyang nanligaw din yang si Nerva sa kanya.'

'At nagsalita ang sinungaling! Ikaw nga unang dumiskarte kay Tomoe, at sinabi mo pa ano ang gusto nyang tambayan! Ikaw ang unang nagmahal kay Tomoe!'

'At sino itong Tomoe na umaagaw sa minamahal kong Estel? Isa siyang walang class na babae!'

(sino tong uupak kay Estel/Deathscythe, may mangyayari pa ba sa Tomoe na pinaguusapan nila? Abangan...)