Saiyuki Big Brother este Sister!

By: TheDayYouSaidGoodnight

I hope na magugustuhan ng mga Pinoy ang work ko! May konting mura kaya hindi ito advised na basahin ng mga batang ages 9 and below.

DISCLAIMER: Hindi ko pag-aari ang Big Brother at ang Saiyuki! Ok na ba toh!

Chapter 1:

Meet da Housemates

Day 1:

Sa isang napaka-normal na pagdrive ni Hakkai...

"Sanzo! Gutom na ako!" "Walang dulo yata tiyan mo, unggoy!" "Bastos na halimaw ng tubig!" WHAPACK! Biglang dumampi ang papel na pamaypay sa mga ulo nila.

"ARAY! Lokoloko ka talaga!" huni ng sakit ni Gojyo at siya'y tumahimik. Bigla sa isang poste nilang nakita ang poster na may nakasulat na:

"MAGING BIDA SA LOOB NG 100 DAYS. MAG-APPLY SA ADDRESS NA ITO."

"Sumali kaya tayo, hmmm?" sabi ni Hakkai, "O sige, wala rin naman akong magawa."

Sa Houtou Castle...

"Sir Kougaiji! May sulat po! Tingnan mo nakasulat!" masayang tumakbo si Dokugakuji at nadapa at nakuha ni Kougaiji ang sulat.

"Hmm...'MAGING BIDA SA LOOB NG 100 DAYS. MAG-APPLY SA ADDRESS NA ITO.' Sige. Doku, pakitawag naman sina Yaone at Lirin." Biglang dumating ang dalawa at sinabi ni Kougaiji ang mensahe.

"Sasali tayo dito." sabi ni Kougaiji, "Pero bawal magdala ng mga bagay na ehem...alam niyo na."

"YEHEY!" huni ni Lirin, "O sige, sali tayo Kuya Kougaiji!" "O sige!" pumayag si Yaone.

Sa langit...

"Mahal na diyosa, may sulat po tayooooooooooooooooooooooo!" sinigaw ni Jiroushin at sumalpok ang mukha niya sa trono ni Kanzeon Bosatsu.

"Hoy, Jiroushin, o sige, nakita ko na ang sulat. Tawagin mo si Nataku at Homura."

Dumating mamaya-maya ang dalawang "fighting god".

"Nataku, Homura, Jiroushin, ako ay walag magawa kaya sasali tayo sa gameshow na ito na 100 araw tayo sa bahay na sinasabi dito."

"Ano! Bwisit!" sigaw ni Homura habang nanginig ang mga kadena ng paa niya. Tumawa si Nataku at nahulog sa sahig sa kakatawa.

Sa susunod na araw...

Kasama ng Sanzo-ikkou...

"Mag-impake na tayo, pupunta na tayo sa bahay na sinsabi. Nakasali na daw tayo." maligayang ngiti ni Hakkai habang sila ay nag-impake.

Kasama ng Kougaiji-tachi...

"Halika na! 9:00 a.m. Dapat nandoon na daw tayo!" atat na atat na sinigaw ni Yaone habang nasisira na ang sahig sa kakaikot niya ng maleta niya.

Kasama ng mga diyos/a sa langit...

"Mahal na Kanzeon, dali po!" sigaw ni Jiroushin.

Mamaya, sa bahay ng Big Brother/Sister/whatever!...

Dumating nang sabay-sabay ang tatlong grupo...

"Ikaw! Housemate namin!" nabigla si Kougaiji, "Oo, bakit, anong problema mo?" tinaas ni Sanzo ang kanyang kilay.

"Konzen! Housemates tayo, puwedeng may aunt-nephew bonding ah." malokong tumawa si Kanzeon Bosatsu.

"Oi, matandang babae hindi ako makikipagbonding sa iyo!" sigaw sa taas ng boses ng mongheng kurakot.

Pumasok ang 12 housemates sa bahay at nasa living room, biglang may narining silang boses sa microphone.

"Housemates, ito ay ang Big Brother. Ako si Big Brother ese Sister, dahil babae ako. Kaya ako ang Big Sister. Basahin ninyo ang rulebook at ang mga lalaki ay pumunta sa boys' bedroom, ang girls sa girls' bedroom. Ilabas ninyo ang mga gamit niyo at kakausapin ko kayo isa-isa sa Confession Room."

"Teka, alam ko yung pambabaeng boses na iyon. Aha! TheDayYouSaidGoodnight! Ikaw lang iyan." tawa ni Homura nang malakas,

"Ako nga siya. Basahin mo ang rule book, Homura, intindihin mo iyan."

Pagkatapos ng konting bonding at pagbabasa ng rulebook...

"Kakainis ng rules, putik!" galit si Goku at sumimangot. "Sha Gojyo, pumasok ka sa Confession Room kasama ng mga gamit mo. Titignan ko lang ang mga bawal.

Pumasok si Gojyo sa Confession Room at binuksan ang mga gamit niya.

"Gojyo, tanggalin mo ang mga item na ito sa bag mo. Ang iyong gameboy, ang bala mo ng X box. Pag-nailabas mo na ang mga ito, bumalik ka kasama ng mga housemates. Tawagin mo si Goku."

Lumabas si Gojyo at tinawag si Goku...

Si Goku ay pumasok sa confession room at:

"Goku, alisin mo ang PS2 mo sa iyong gamit, ang iyong hawla ng unggoy at ang boxers na nakikita ko na kulay itim at may mga smiley. Hindi yata iyan iyo. Ibigay mo sa may-ari, ngayon din at tawagin mo si Hakkai."

Umalis si Goku, "Oi, Hakkai! Ikaw na! Dalhin mo gamit mo!" "Kanino itong black na boxers na may smiley?" nagin pulang-pula ang mukha ni Kougaiji at sinuntok si Goku sa mukha at kinuha yung boxers.

Si Hakkai ay tumawa at pumasok sa Confession Room...

"Hakkai, puwede si Hakuryuu sa bahay. Hindi mo nga lang siyang gawing jeep, tanggalin mo ang cellphone mo, ang Lacoste na perfume ni Yaone at ibigay mo iyon sa kanya, alisin mo ang newspaper dyan. Tawagin mo si Sanzo at umalis ka na. Okey na gamit mo."

Umalis si Hakkai, "Sanzo! Ikaw naman!" kinuha ng monghe ang messenger bag niya at backpack at pumasok sa Confession Room.

"Astig ng bag ng pamangkin mo, matandang babae, ha." "Malapit na birthday niya eh, kaya ko siya bibigyan ng bag, Doku."

Sa Confession Room...

"Sanzo, alam mo na bawal ang baril dito." "Oy, babae! Pano kung may diablong sumalakay sa bahay na ito?" "Hindi ko naisip iyan pero sige, huwag mo na tanggalin ang baril. Ang sutra mo ay puwede, ang papel na pamaypay ay pasado rin. Sige, umalis ka na at tawagin nmo ang mga natitira."

Sa mga natitira ay may mga gamit na tinanggal at nagtapos ang araw nang masaya. Hapunan na noon at nagluto na ng hapunan sina Hakkai at Kanzeon Bosatsu.

Gabi na pero hindi pa rin makatulog ang mga housemates puwera na lang sina Goku at Lirin na humihilik sa isang tabi. Nag-sisigawan sina Sanzo at Homura, parehong galit pero dahil antok na ang lahat, sila ay binigyan ng pampagising ni Big Brother este Sister.

Biglang sumara ang ilaw at natakot ang lahat, nagising sina Goku at Lirin. Nahanap nila ang mga kasama nila at biglang may narining silang mabilis na lakad ng paa.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" ang sigaw ng lahat maliban kay Sanzo.

Binuksan ni Sanzo ang ilaw at may itinurong ipis. "Ito ang multo." sinabi niya. Lahat ay nagbuntong-hininga at natulog.

Day 2:

"GISING NA!" sigaw ng mga housemates noong 6:00 am na. "Hindi rumesponde si Goku. Pinalo ni Sanzo ang pamaypay at nagising si Goku at silang lahat ay dumeretso sa garden para sa next instructions ni Big Sister.

"Gumawa kayo ng morning exercise. Araw-araw niyo ito gagawin habang kinakanta ang kantang "Bahay Kubo". Ang mag-lelead ngayon ay si Kanzeon."

Gumawa ng boring na exercise si Kanzeon at tinulak siya sa swimming pool ni Homura.

"Nice one Homura!" nag-hi five sina Kougaiji, Sanzo at Homura habang dumudura ng tubig si Kanzeon, nonetheless, ginawa rin ang morning exercise at nag-almusal.

Sa almusal...

"Oyy! AKIN NA ANG PAGKAIN, UNGGOY!" sigaw ni Gojyo, "Akin ito, bastos na halimaw ng tubig!"

"Tumahimik kayo!" WA-PHACK! "Aray, Sanzo!" nasaktan ang dalawa.

Pagkatapos ng almusal at pagligo...

Hindi suot ni Gojyo ang kanyang laging sinusuot, ang suot niya ay gray na Lee na T-shirt at itim na maong, ang sapatos ay tsinelas.

Si Goku ay nakaputi na may "Boracay" sa gitna at naka shorts na kayumanggi at naka beach sandals.

Si Hakkai ay naka berdeng sweatshirt at green na cargo pants at naka-medyas lamang.

Si Sanzo ang pinakaiba sa kanila. Siya ay nakasuot ng itim T-shirt na nakasulat ang mga salitang: "Huwag kang magsalita." tapos sa loob ay isang puti at asul na dress shirt na may maikling sleeves at naka faded na blue jeans, ang suot niyang sapin sa paa ay ang kanyang sandalyas na pang-monghe pero tinatanggal ant nagsusuot ng itim na medyas.

Si Kougaiji ay naka orange na shirt na may kanji symbols ng name niya sa gitna, siya ay naka green na cargo shorts at rainbow socks sa kaliwang paa at tsinelas sa kabila.

Si Yaone ay naka blue na t-shirt na may white na T-back na sando sa taas at naka maong na blue at naka tsinelas lamang.

Si Lirin ay naka-cap na baliktad at puti na sleeveless na t-shirt na may nakasulat na 100 pasaway.

Si Dokugakuji ay parang si Kougaiji kaso nga lang ay grey ang shirt niya, brown ang shorts at naka rubber shoes.

Sina Homura at Jiroushin ay nagkapareho ng damit. Ang pang-itaas nila ay aquamarine na t-shirt na may purple design na Hawaiian. Ang shorts nila ay gawa sa maong na kulay bughaw at ang sapatos nila ay aquamarine na water shoes.

Si Kanzeon Bosatsu naman ay may pinakabastos na suot. Naka putting halter siya at nakatali nang buo ang buhok niya. Naka paldang maong na hanggang tuhod siya at naka step-in na may disenyong may totoong diamante. Mababa ang cut ng halter niya kaya medyo na green-minded itong si kakosang Gojyo.

"Housemates! May challenge ako sa inyo. Gagawa kayo ng 100 na itlog na maalat." sabi ng Big Sister na si TheDayYouSaidGoodnight

"ANO!" "Alam ko iyan." walang pakialam na sinabi ni Sanzo, "O sige gawin niyo na." sabi ni Big Sister.

Paggawa ng itlog na maalat...

Kumuha silang lahat ng itlog. "Kailangan natin ng asin at putik." Kumuha sila ng asin sa kitchen at putik sa garden.

Ibinabad nila ang itlog sa putik na hinaluan ng asin. Hinitay nila matapos ito at naging mamula-mula ang itlog at nag taste test sila. Masarap ito ang gumawa pa sila at nakatapos ng sumobra sa 100 na itlog: 112 itlog.

"Very good, housemates, lalo ni si Sanzo. Ang 12 na itlog ay puwede niyong almusal bukas." sinabi ni Big Sister. 7:30 na ng gabi iyon at sila ay kumain, naligo at natulog. Sa wakas!