Disclaimer: Una po sa lahat, ang istoryang 3 Lil' Pigs ay hindi ko pag aari at amin lamang pong hinihiram. Lahat ng nangyayare sa nasabing istorya ay hindi makatotohonan at purong imahinasyon lamang. Naway maibigan ninyo ang aming istorya (D)
Prologue:
Isang napaka gandang umaga noong Martes ng Hapon, dakong alauna ng hapon sa klase ng s21. Isa nanamang paghahanda ang kailangang gawin sa nalalapit na Huling markahan kaya naman inumpisahan na ng butihing propesor mula sa asignaturang FILDLAR ang talakyain kung ano ang dapat na gawin sa nasabing Proyekto ng bawat grupo…
Ngunit sinong mag aakala na mula sa ang simpleng proyekto mag uugat ang isang kagimbal-gimbal at nakababaliw na ideya ng isang estudyante? (ahem…).
Lalaking naka salamin: BAKIT AKO?!?
Lalaking may ipod: BAKIT KAME?!
Grimchaos: At bakit hinde? Napag usapan na natin na bunutan ang magsasabe kung
sino ang mga gaganap sa palabas. Malas nyo nga lang at kayo ang unang
napili.
Lalaking may ipod: Ayoko! Palitan mo na lang ako. Ayoko maging isang… basta ayoko!
Lalaking naka salamin: Ayoko din! Ni minsan hindi ko pinangarap maging isang… at
lalong hindi ako magsusuot ng… Basta ayoko!! Palitan mo ko
kung hinde… idedemanda kita!
Grimchaos: Pake ko. Wala ka ng magagawa Lester at JB, Ako ang sumusulat dito
kayo ako ang magpapasya sa lahat ng gagawin nyo. Muahahaha… (sabay tawa ng malakas) Hmph.. buti pa sila Janet at Pedron walang reklamo.
Janet: (Hindi na lang ako kikibo wala naman akong laban. Huhuhu…)
Pedron: ….. okay…
Lester & JB: HIIIINNNDEEEEEE…..
Grimchaos: Gwahahahahaa….
S21: ………
Ang 3 Munting Baboy:
Nag uumapaw na bulungan at tsismisan ang maririnig sa teatro ng La Salle, marahil ang iba ay hindi na makapag hintay sa pagtatanghal na magaganap. Ang iba naman ay nagtataka kung bakit sa dinami dami ng pwedeng ipalabas ay ang pagsasadula pa ng Tagalog version ng "3 Little Pigs" ang naisipang gawin.
Mula sa mga estudyanteng manonood, 1 klase mula sa iba't ibang kolehiyo ang darating para magbigay ng komento sa naturang palabas. Ilan din sa mga guro ang pumunta upang Makita kung anung klaseng pagtatanghal ang ipapakita ng naturang S21.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumugsak sa teatro ng mag umpisa nang bumukas ang ilaw at unti unti nang hilahin ang kurtina sa entablado para masilayan ang tatlong tao… hinde, tatlong baboy… o mas maganda kung sasabihin nating, tatlong taong nakasuot na pang baboy na kostyum ang nakatayo ngayon sa harap ng entablado. Mababakas mo sa kanilang mga mukha ang pagka dismaya sa kamalasan at kahihiyan na nadarama.
Lumakad ang isang babaeng may katabaan sa dakong kaliwa ng entablado. May hawak siyang kapirasong papel at nahihintay ng hudyat sa pag uumpisa ng kanyang talata.
"Noong unang panahon merong tatlong maliliit at kyut na mga baboy…"
"Hoy! Hindi kami kyut! Gwapo kame! Baguhin mo yung skrip!" atungal ni Lester na tumingin ng masama, mababasa sa kanyang mata ang, Baguhin mo ang skrip kung hinde, idedemanda kita.
"At naghiwahiwalay ang tatlong kyut at pink na pink na baboy para gumwa ng sarili sarili nilang bahay." Patuloy ni Mac na parang walang narinig.
Mula sa awdyens, ilang mga katanungan ang naglalaro sa isipan dahil na rin umano sa nasabing palabas.
"Bakit 3 Munting Baboy?", Tanong ng isang babaeng nakasalamin, sa kanyang katabeng babae habang kumakain ng berdeng mangga na may bagoong, kyamoy, at may nakahanda pang KFC sa kanyang tabe.
"3 Munting Baboy kasi nga Tagalog version ng 3 little pigs... At diba bawal kumain sa loob ng teatro?" Sagot ng babaeng katabe.
"OO nga noh… Hindi ko naisip yun ah…" bigkas niya habang kinakain ang kanyang KFC.
Samantala bumalik na tayo sa ating mga actor….
"Hay nako kahiya hiya… Nanonood pa man din ako ni Dior. Mas mabuti pang tapusin na natin to…. Kapatid na baboy, ako'y mauuna na at gagawa na akong ng aking bahay na yari sa dayami." Bigkas ni JB kay Lester at Pedron.
"Hahaha… ako naman ay gagawa ng isang bahay na yari sa kahoy. Matibay yun at hindi matutumba. Poor ka kasi kaya hanggang dayami ka lang. Hahaha…" basa ni Lester mula sa skrip, habang naglalakad at kinakaway ang kanyang dalawang kamay sa hangin.
"…. Okey….Ako naman ay magtatayo din ng bahay ko. Sige alis na ko." Sabay alis ni Pedron sa entablado kasama si Lester.
Bumalik sa enablado si Mac at ipinagpatuloy ang istorya.
"Matapos magawa ni JB'ng Baboy ang kanyang bahay, pumasok siya sa loob at natulog ng walang alinlangan. Lingid sa kanyang kaalaman, isang Malaki at Mabangis na Lobo ang naghihintay sa labas ng kanyang bahay."
Mula sa Kanan,makikita ang isang tao… Babaeng naka kostyum ng pang Lobo at dali-daling lumakad papunta sa gitna ng entablado kung saan makikita ang bahay na yari sa dayami.
"Wooof…" sabe ng Lobo ng wala manlang kalatuy latoy o emosyon sa nasabing skrip, sabay tulak sa dayaming bahay na nag resulta sa pagkatumba nito.
"OH HINDEEE!! Ang bahay ko!! Kailangan kong tumakas… sa bahay ng aking Kapatid na baboy na si Lester!" iyak ng unang baboy, matapos matumba ang kanyang munting bahay.
"Hindi naman pala mahirap sirain yung bahay." Sambit ni Janet habang lumalakad papunta sa sumunod na bahay.
"Matapos mawasak ang bahay ng unang munting baboy, pinuntahan niya ang kanyang ikalawang kapatid na baboy para humingi ng tulong."
"Kapatid na Lester! Papasukin mo ako! May isang malki at mabangis na Lobo ang nasa kakahuyan, kakainin niya tayo!" sigaw ng unang baboy habang kankatok ng malakas ang bahay ng ikalawang baboy.
Nagpakita na ang malaki at mabangis na Lobo. Lumalakad in "slow motion" para bigyan pa ng pagkakataon ang unang munting baboy na makapag tago. Subalit sa gulat ng marami, biglang tumumba ang bahay na kahoy… at…
"Gunggong ka! Ba't sinira mo yung bahay! Anlakas lakas ng katok mo! Dapat si Janet ang sisira nyan hindi ikaw!" sigaw ni Lester kay JB.
"Pasensya na… nakerid away lang ako. Tumakbo na tayo sa susunod na bahay!" aniya ni JB kay Lester, sabay takbo sa sumunod na bahay.
Samantala… nakatayo pa rin sa gitna ang Lobo… naghihintay ng hudyat mula sa director ng nasabing tanghalan a kanyang susunod nsa gagawin.
"Nasan na yung sisirain ko….?" Pagtataka ni Janet habang nakatingin sa taong nakatago sa likuran ng Kurtina.
"Pabayaan mo na! Sinira ni JB ung bahay! Punta ka na lang sa susunod na bahay bilis!" sigaw ng director (ahem… ang inyong lingkod)
Ngayon makikita na sa harapan ng entablado ang isang malaking bahay na yari sa bato. Lahat ng 3 baboy ay nasa loob na at naghihintay sa pagdating ng mabangis na lobo.
"Ligtas na tayo dito. Hindi kayang tumbahin ni Janet.. este ng Lobo itong bahay ko. Wolfproof to! Wahaha…" tawa ni Lester habang naka sandal sa bintana ng bahay.
"Pansin ko lang ha.. pero tunay ba yung mga bato nito?" Tanong ng unang baboy na si JB.
"Sa pagkakaalam ko OO. Gusto kc ni Grimchaos na maging makatotohanan ung palabas kaya inutusan niya ang buong S21 na idikit dikit tong mga bato gamit yung glue stik." Pagpapaliwanag ni Pedron, ang ikatlong baboy.
"Okey… parang masama lang kasi ung pakiramdam ko dito..…"
Mula sa labas ng bahay, pinalilibutan na ito ng malaki at mabangis na lobo.Naghahanda ng itumba, kung kaya niya… ang naturang bahay.
"Ahahahaha…. Ngayon sama sama na kayong mga baboy kayo jan! Lahat kayo ay kakainin ko matapos kong itumba ang bahay niyo!" pahayag ni Janet sabay sipa sa batong bahay.
Katahimikan ang bumalot sa teatro. Walang nangyare matapos sipain ng Lobo ang bahay. Maganda dahil yun naman talaga ang dapat na mangyari. Mananlo ang mga baboy at matatalo ang Lobo… o ganun nga talaga kaya sa pagkakataong ito?
Sa gulat at sigaw ng marami, biglang bumulusok patumba ang nasabing batong bahay. Walang natirang nakatayo kahit isang bato man lang maliban sa Malaki at Mabangis na Lobo sa gitna ng entablado. Napatayo ang marami sa awdyens at nagtaka kung ano ang nangyare.
"…….. Uhm… Mac…?"imik ni Janet matapos mapanood na bumagsak ang bahay, at tumingin sa naturang Nareytor ng palabas.
"…. Dito na po nagtatapos ang istroya ng tatlong munting baboy. Sa huli ay…. Namatay sila. Wakas" sabay sarado ng Kurtina.
Ang reulta… marami sa awdyens ay nakatayo pa rin nagtataka sa biglang pagbabago mula sa orihinal na istorya ng tatlong munting baboy. Samantala…
Grimchaos: Kumusta ang tatlong baboy natin? Buhay pa ba?
Josh: Buhay pa naman. Nadala na namin sila sa Klinik kaya okey okey na.
Grimchaos: Buti naman. Ayoko mawalan ng mga artista. Mahirap na.
Josh: …… Bakit ba bumagsak ung bahay? Hindi ba naka glue stik naman yun?
Grimchaos: Hinde. Sa totoo lang wala tayong props men na nagdala ng glue gun
Kaya ipinagamit ko na lang sila ng elmer's Glue. Hindi naman kasi dapat sinipa ni Janet yun. Anyway… linisin niyo na yung stage. Ilang oras na lang magsisimula nanaman tayo. Guahahaha….(sabay tawa ng malakas)
Josh: ….. I see dead people…
END
