Txtm8

Disclaimer: Hindi akin ang Gakuen Alice at lahat ng characters na related, ang mga cellphones at mga kanta na dinadamay ko dito.

Chapter 1: Doon Nagsimula


"word"- place and time

"word"- sigaw, text message or ringtone/ringback

"word"- thoughts, secrets..


Somewhere sa Alice Academy… May secret meeting ang mga guro…

"Nawawala na ang tiwala ng mga estudyante sa atin."

"Kailangan gumawa tayo ng paraan. Baka mamaya, kasapi na sila sa Anti-Academy organization.

"Un, kaya tayo andito, para gumawa ng paraan para hindi mangyari iyon. Anybody got ideas?"

"May naisip na ako! Sa pagkaka-alam ko, ang mga kabataan ngayon, gustong gumawa nga hip and youthful activities. Ya know, to ride the currents? Dumamay sa new wave?"

"Uh, can you reapeat that gamit ang kahit anong language na ginagamit ng academy?"

"What I'm saying isa that, kailangan din nilang maranasan ang ibang bagay na nararanasan ng mga kabataan sa labas. Kaya I propose na bigyan ng ma cellphones ang mga students sa elementary pataas. At bawat star class, may iba't ibang klase ng cell phone. Kaya para makakuha ng pinaka usong cell, gagalingan nga mga students sa studies nila. Tapos, makakagawa pa tayo ng bridge sa mga students at ang students sa kapwa students! Ayos ba?"

"Nahihibang ka na ba?"

"Sige, payag ako, pero kapag hindi gumana iyan sa loob ng isang buwan, ikaw maglilinis ng lahat ng basurahan sa campus, Mr. Narumi."

"Deal!"

Pagkatapos nun, nagpamigay na ng mga cellphones sa mga students sa elementary pataas.


-A few days later (dinnertime)-

Maingay ang mga estudyante dahil sa bagong trend sa campus.

"Siguro mga mind controlling devices to!"

"Anong number mo?"

"Yung akin hanggang 75 ang inbox"

Hay naku… parang ngayon lang sila nakakita ng mga telepono. Anyway, sundan muna natin ang magkaibigang Ruka at Natsume. Habang naglalakad sila papunta sa mga kwarto nila, bigla nalang nag-tit ang cell ni Ruka.

"Natsume, pwede pahiram ng cell, na-low batt kasi ako," lakas-loob na tinanong ni Ruka sa kaibigan niya. Agad naman inabot sa kanya ang Bokia 6600 with video cam! Sosyal! Dit-dit-dit, enjoy na enjoy sa kaka-text si Ruka. Sino kaya ang ka-text mate niya? After 2 hours of texting, napagod narin siya at isinoli ang cell sa may-ari. "Salamat, Natsume."

"Ano nanaman bang gimmick ng mga teachers? Para saan naman tong mga gamit na ito? Tsch." Inisip ni Natsume bago ipinasok ang cell niya sa bulsa ng jogging pants niya. Naglakad siya papunta sa kwarto niya. Pagkasara niya ng pinto, biglang tumunog ang cell niya..

At kung kailangan mo akoo….

"I swear, papatayin ko yung naglagay nito bilang ring tone ko," inisip ni Natsume. Agad niya dinukot sa bulsa ang cell niya at nakasult sa screen:

1
Message
Received

Binuksan niya ang Inbox…

START
The DAY
WiTH A
SMiLe…
,
A . . A
( c , )
'''LJlllLJ-''

SoBRA YAN! SABI
KO FOR THE DAY
LANG, HNDI FOR THE
WEEK: )

Sender: 09195455655

Nag-reply si Natsume:

Hu u? n hw did u now my #?

After, two minutes, nag-reply si 09195455655.

Well, d ko din alam pangalan mo, kya fair lang na di ko syo sbhin pangalan ko. Binigay ng isang kaibigan ko yung # mo sa akin, pero kapag sinabi ko sa kanya kung sino siya, papatayin niya ako : ) Kamusta?

"What the?" Tapos, agad siyang nag-reply.

Luk, di tayo nagkakilala kaya stop txting me k? nagsasayang ka lang nga load. Alam mo ba na 1rt.10 txt messages only?

Send. Reply.

May kaklase ako, parang ganyan din, hindi masyado nakikpagkaibigan, malay ko ba kung bakit… BTW, Nasa elementary ako n gurl, ikaw? Gurl K rin b? High school k nb?

Nagalit si Natsume sa comment, kaya within 3 seconds naka send siya ng reply.

Kapal mo! Lalaking lalake ako! n nasa elementary ako!

"Balak yatang ubusin ng taong ito ang pera ko bago ako iwanan." Inisip ni Natsume.

Ah, kala ko gurl ka ksi yung ring back mo.

Biglang naalala ni Natsume na parehas ang ringback at ang ring tone niya. Agad nag-text.

Dalawang oras sila nag-ganito…

Cge, 11 na nga gabi, night, sana magkita tayo bukas…

Ang huling message ni 09195455655. Tapos natulog na rin si Natsume.


-kinabukasan-

Mahahalata sa mga mukha ng mga estudyante kung sino yung mga inabot ng alas diyes sa pag-text. Namumutla tapos ang laki ng mga eyebags. Buti nalang, lingo ngayon. Isa na dun si Mikan. Halos hindi maayos ang pagkakatali ng buhok niya dahil sa sobrang antok. Pero kinaya pa rin niyang ilabas ang cell niya at mag-text.

I made a cup (Of
Milk ))
Specially ((
For u d ldl
There's no sugar,
But don't worry,
The sender is
Sweet. GOOD
MORNING!

Send. Tapos nag-collapse siya sa kama. Nagising uli siya ng makatanggap ng reply:

Ano bang kailangan mo? Kagabi pinaabot mo pa ako ng 11, tapos ngayon, gigisingin mo ako ng maaga. Ano bang gusto mong mangyari?

Sender: 09175617838

Dahan-dahang binasa ni Mikan ang message. Inabot siya ng fifteen minutes bago maka-sulat at maka-send ng reply.

Nangangamusta lang… sensya na kung l8t ka nakatulog dahil sa kin.

Tapos, biglang tumunog ang cell ni Mikan.

I need you like water
Like breath, like rain...

At binuksan niya ang Inbox niya.

Sorry na. K lang, pasaway, ka tlaga no?

Dahil sa sobrang antok, bigla nangnakatulog si Mikan. At doon nagsimula angpagubos ng allowance at pagkakaibigannina Mikan at Natsume sa pamamagitan ng text messaging.


-Sa parke-

"Aba! Wala yatang masyadong lumabas ngayon! Siguro andun pa sila sa mga kwarto nila at nag-aaral para mapa-upgrade ang mg cell nila! Ang talino ko talaga! Hehe.." Sabi ni Mr. Narumi sa sarili niya.


a/n: So yun na po yung first chapter ng"Txtm8t" or yung tinatawag ko na: "The fic that was supposed to be a song fic" Please Review. Criticisms, flamers, even one-worded rebiews are welcome. At salamat pos a pagtyaga ninyong pagbasa sa fic na ito. Salamat…

Fudge: Bakit kaya nung iniisip ko ito, nalunod ako sa tawa pero nung sinusulat ko na parang nawalan na ng powers? O di kaya naloloka na ako?

Natsume: Naloloka ka na, stupid.

Fudge: Takes one to know one, dolt.

Natsume: Anong sabi mo? (binalutan ng itim sa aura)

Fudge: (naging chibi tapos tumakbo papunta kay Mikan and shamelessly hugs her leg) WAAAH! Inaaway ako nung nakakatakot ng manong!

Mikan: Tahan na…(inakap si chibi Fudge; Natsume twitches)

Fudge: Heehee, wazza matter, bub? Nag-je-jelling ka ba?

Natsume: Hindi! Nakaka-disturb lang na isipin ang isang thirtenn-year old na akap ng isang ten year old of the same gender.

Fudge: Denial…