Disclaimer: ano ba tagalog ng 'dishkleymer"?... anyway, hindi ko po pagmamayari ang Naruto.Dahil kung pagmamayari ko ito, baka hindi ko ma-handle ang pressure at baka mag colapse ako sa sobrang tuwa!


One day... isang araw... wan dai... eychang raw... at kung ano mang language yan..

ehem ehem.. mike check... mike check... MIKE CHECK!.. okei, ayos na...

Isang araw...Ang mga Naruto fafas, este, Naruto boys ay nandoon sa Ichiraku... bakit?... kasi gusto ko nandoon sila eh! BAKIT BA! ANO BA GUSTO MO, AWAY! anyway, ahem, tignan na 'tin kung ano ang ginagawa nila doon sa loob... oke?

Siyemperds, kumakain sila sa loob.. siyempre, may tatae ba naman sa loob ng isang restawrant? wala naman di 'ba? so nandoon nga sila sa loob at kumakain ng ano pa? e di kumakain ng pagkain!... teka, baka magalit kayo... kumakain pala ng Ramen! Ang Ramen ay noodles doon sa Japan! 'Wag nyo na ko tanungin tungkol diyan kasi hindi naman akoh Japayuki!

So yun nga, kumakain sila.

"Alam niyo mga 'tol? feeling ko may gusto sa akin yung Kankurou na yun! yung kapatid ni Gaara! Kasi ang lagkit ng tingin sa akin eh..." ang sabi ni Kiba. Nakupow! kung nandyan si Kankurou ngayon, yari ka!

"AHA! isa lang ang ibig sabhin ng sinabi mo, Kiba!..." ang sabi ni Naruto.. "A WAN! A TU! A TREE, FOR, FAYV END.."

(This guy's in love with you, pare!)

"one look and i knew iba na
malagkit dumikit ang tingin ng mata
one smile iba na ang ibig sabihin
'di na friends,ang tingin nya sa akin
everyday parating we're together
every week palaging may sleepover
ang tawag nya sa mommy ko ay tita
bakit ba di ko non nakita"

kumanta si Naruto kasamang kumakanta si Lee, Neji, Sasuke, Shikamaru, at Chouji.

"until out of the bluehe's feeling so true
bigla nalang sinabi sa kanya that" eto naman ngayong ang solo ni Naruto.

"THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE!

THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE!
THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE!" pakanta kanta sina Shikamaru, Chouji, Neji, Sasuke, at Lee.

tapos bigla na lang nagturo si Naruto ng daliri kay Kiba "Bading na bading sa'yooo"

Tapos, tumayo bigla si Kiba sa upuan niya...kung wari pa na may mike siyang hawak..

"di na ako makasagot ng telepono
palagi nyang kinakausap ang parents ko
kulang daw sa tulog at di na makakain
bakit ba? di pa non inamin" ang drama ng part na ito.

Tapos, si Naruto ulit, "until out of the blue im feeling so true, bigla na lang sinabi sa kanya that..."

"THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU PARE!

THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE!

THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE!"

Si Naruto ulit, turo ulit ng daliri kay Kiba, "bading na bading sa'yoooo!"

doon na natin tapusin kasi, medyo mahaba-haba yan.. mga naga-apir sila doon at tawanan ng tawanan.

pesteng mga bata eto.. dito pa nag-concert inisip ng waiter... kaplastikan niya sa mga ninjas na 'tin...


Samantala..

nagkakape ang mga Naruto girls na'tin..

"ang sarap uminom ng kape!" sabi ni Sakura.

"oo nga... ma-tanong ko lang, sino ba magbabayad?" tanong naman ngayon ni Ino.

Lahat sila napa-tigil sa pag-inom..

"ang alam ko ikaw, Ino. 'di ba yesterday you said, na lilibre mo kami ngayon dito" ini-recall ni Sakura.

"ako ba?" sinubukan alalahanin ni Ino ang pangyayaring iyon..

Kinabahan na ang iba, kasi wala naman silang pera.. "hindi ko maalala.."

lahat sila nalaglag sa upuan animestyle ika nga ang tawag..

"oo, Ino! Sabi mo lilibre mo kami ngayon, sabi mo pa nga," si Sakura ginaya si Ino, "AKONG BAHALA, ILILIBRE KO KAYO, PRAMIS 'YAN!..." grabe! gayang-gaya ni Sakura... alalang-alala niya, "'di ba ganun!"

"hmm.." sinubukan ulit alalahanin ni Ino..

"ay! oo tama!" finally.. naalala niya.. "oo! tama nga kayo."

"see?" ang sinabi ni Sakura na may ishmayl pang kasama.

si Ino, tumawa ng nerbyoso "kaso wala akong pera eh.." nakupo! disgrasya ito..

"ANONG SINABI MO!" sigaw ni Tenten, na may hawak na espada! or in ingglish, sord!.. kasi ayaw ni Tenten ng napapahiya siya! no, no! shi dasn't wanted dat to make hapens-hapens!

"ang sabi ko, wala akong pera.. binge mo!" inulit ni Ino.

"IKAW NA NGA ANG NAGKA-MALI DIYAN, AKO PA PAGSASABIHAN MO! NAKAKA-BABAE KA NA AH!" muling sigaw ni Tenten habang iniyuyugyog si Ino.

"itigil mo nga 'yan! u-uma-alog utak k-ko" ang nahihilong sinabi ni Ino, paano ba naman, ang ulo niya.. prowards, bakswards... nakakahilo noh?

"KASALANAN MO ANG LAHAT NG ITOOO!"galit na sigaw ni Tenten, ayaw palagpasin ang pagkakamali ni Ino! O my gash! dish ish nat rayt!

"WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA!" gigil na sinabi ng blonde na'ting ninja..

"AKALA MO LANG WALA! PERO MERON MERON MERON!" Tenten shed, or in english... said.. hehe.. ang drama ng part na 'to..

WAPAKYU! (gustong-gusto ko yung tunog na 'yan!)... nasapak si Tenten ni Ino.. Si Tenten, hinawakan ang kanyang pisngi, pagkatapos tinignan ni Tenten ang kanyang kamay na humawak sa kanyang pisngi. Tapos tinignan si Ino wid WAYD AYS! AS IN WAYD NA WAYD NA AYS!... as in, malaking mata! sabi sa inyo ang drama ng part na 'to eh...

"sinamapal ako ng kaibigan ko.." nanginginig na sibabi ni Tenten.

"Tenten.. patawa-" pero bago maka-tapos si Ino, "HINDE! walang katuparan ang ginawa mo sa akin!"

"LUMAYAS NGA KAYO DITO!" hiyaw ng matandang babae, yung may-ari ng... ng... tambayan nina Sakura. Galit na hinila ng matandang babae yung grupo ng mga ninjas, (at least hindi siya plastik...) "DAHIL SA INYO, UMAALIS MGA SUKI KO!"

Sinipa palabas ang mga kunoichi (tama ba spelling?), nang nasa labas na sila... napatawa na lang sila.

"ang-..-tawa tawa- tanga-tawa tawa- ng babae!" sinabi ni Ino sa gitna ng mga tawa.

umalis sila ng tumatawa.. kung ako nakakita sa kanila.. tingin ko na diyan baliw! as in b-a-l-i-w!


Minwayl...

Nagtatawanan pa rin ang mga ninja voys na'tin.. ewan ko ba, parang lahata ng mga ninja ngayon mga mahaharot na! Ang iingay!

Maya-maya... may narinig rin silang tawanan sa labas, kaya tinignan nila...

Nakita na lang nila ang mga gurls.. nagtatawanan, except lang si Hinata, kasi alam niya na nasa Ichiraku si Naruto, pero hindi niya inakala na nandoon rin pala ang kanyang pinsan, at ang mga ka-brakada nila.

"Girls!" tawag ni Chouji sa mga kababaihan. Napatingin ang mga girls sa mga voys, "yo!" pagbabati ni Tenten.

"Sama kayo! Kain tayo!" anyaya ni Kiba sa mga kababaihan. Nagtitigan ang mga kababaihan sa isa't-isa, at ngumiti. "Sige!" sabay-sabay silang sumagot.

Nakupo! Doble ang kaingayan... Diyoskopo.. bakit ba hilig na hilig niyo akong pag-tripan? paiyak na inisip ng waiter.

"Manong! Isang bote nga ng alak!"

"Nakup... disgrasya.." pabulong na sinabi ng waiter, maingay na nga, dadagdagan pa ng alak.

"siguro.. hindi maganda ang alak, baka kasi hindi na ako maka-uwi dahil sa kalasingan!..." may nag-sabi habang nakikinig ang waiter.

bless you, kung sino ka man... inisip ng waiter na may matching tears of joy pa!

"Hinata, naman!"

"Sige na, Naruto. Para sa akin."

"Sige na nga!"

Maya-maya sa kanilang kwentuhan.. nakita na lang ni Neji na tulog na si Tenten.. si Shikamaru nakita si Ino, tulog na... at ang lahat ng mga kababaihan na ka-barkada ng mga voys ay tulog na!

"nyak! tinulugan tayo!" pabulong na sinabi ni Kiba, kasi baka may ma-gising...

"Mabuti pa, i-uwi mo na sa kanila si Ino, Shikamaru!" pang-inis ni Chouji.

"At Neji, i-uwi mo na si Tenten, sa bahay niya!" hirit pa ni Kiba.

Si Chouji nang-inis ulit, "i-uwi mo na rin si Hinata, sa Hyuuga Pound!"

"Hyuuga COMpound." tinama ni Neji si Chouji, dahil ang pound ay para sa mga aso... 'di baaaaaaaaa?

Siyempre, mawawala ba ang pang-inis ni Naruto, "ikaw naman, Sasukeng mayabang, uwi mo na si Sakura sa kanila!"

Si Lee tinanggap niya na, na hindi niya mababago ang pagtingin ni Sakura kay Sasuke. Si Kiba, inamin na, na wala siyang pag-asa kay Hinata. At Si Chouji, matagal niya ng alam na wala siyang pag-asa kahit kanino. Kaya...

"i-uwi niyo na sa bahay nila!" sinabi ng tatlo ng sabay-sabay.

Si Neji, Sasuke, Naruto, at Shikamaru ay sumagot rin ng sabay-sabay, "Pero hindi namin alam kung nasaan ang mga bahay nila!"

"so... payag kayo?" tanong ni Kiba na may kakaibang ngiti.

Napatahimik na lang ang tatlo, so ibig sabihin no'n ay oo! ye! rowk own!

"e 'di uwi niyo sa mga bahay niyo" pang-inis ni Lee... naks! marunong na rin siya mang-inis! how nice!

"HA!" namumu-mula mula sila ng sinigaw nila ito. Sana mapi-piktyuran ko!

"Sige na! Ipinagkakaila niyo pa!" siyempre, banat parin si Kiba... alam niyo naman 'yan!

"GO NA! Sige kayo, baka magalit girlfriends niyo sa inyo!" tinulak ni Kiba ang apat na lalakwe, este lalaki,na may babaeng nakasakay sa likod nila!

"GO!"

"Hindi ko siya girlfriend!" sabay-sbay nilang sinabi.

"owws? sige na, sige na! GO NA! AJA!" tinulak ulit ni Kiba ang apat.

hindi na nakipag-away pang muli ang apat at pumayag na lang... hindi naman maganda kung iwan na lang nila dun 'yun! At hindi rin naman magandang gisingin ang mga pagod na babae dahil magwawala ang mga 'yan! Isa pa... gusto rin nila makita nag mga girls na matulog! Malay mo may umiihi pa sa kanila! hehe..

Si Naruto, kung sabagay pwede naman niya ihatid si Hinata dahil nandoon naman si Neji, kahit alam iyon ni Neji... gusto niya parin yung edeya na magkasama ang dalawa, dahil supporting cousin siya eh! Isa pa, wala naman si Hizashi sa mansion ngayon, kasi may misyon siya! Alam ko namang napaka-out of this world ang mga ugali nila, pero... PAKI NIYO BA! FANFIC KOHETO NOH!

So Inuwi nga nila sa bahay nila... pero donut get a derty maynd, oke? dis is nat a grin story! (Do not get a dirty mond, okay? This is not a green story!).


at dito koh kayo iiwan para ang curiosity chakra niyo ay manumbalik sa inyong mga katawan!

Suggestions, Flames, Comments, and mostly REVIEWS are welcomed. See posters and Print Ads for details... hehe.. Ciao mga readers!