Inihahandog ng

CABRERA STUDIOS

Sa pakikipagtulungan ng

REBORN FANFICTIONS

At ng

TWEEN ACADEMY PRODUCTIONS

Ang...

NAMIMORI TALES: at iba pang kuwentong chuvachuchu

Isang lupon ng mga kalokohan sa Namimori ni BEAFSTAKES

NIHIL OBSTAT: Kailanman hindi magiging akin ang Reborn. Obvious naman ung sino'ng tunay na me-ari nito, di beh?

IMPRIMATUR: Celebrating the day that I've written this in my handy-dandy notebook—putik, SAKTONG ISANG TAON NA PALA 'TONG SINULAT! Ai, how time flies... Oh well, hope you enjoy. It will be in Filipino so censya na sa mga gustong basahin 'to in English... Hango pa rin ito sa Kapamilya dub at salin sa bobongismo't kikomachine na pananaw. No harm done :D

Page One: ANG STALKER NI TAKESHI

Inscribet: August 20, 2010

Puno na naman ng love letters ang shoe locker niya.

Lumipas na ang Valentines' Day. Pati White Day. Summer na ng kanyang ikalawang taon sa Namimori pero tila parami pa sila ng parami. Siya naman itong sobrang bait, inuuwi naman niya't binabasa ang mga sulat ng mga kadalagahan sa kanilang school na matindi ang paghanga sa kanya. Wooh! Bukod doon, sinasagot din niya ang ilan sa mga sulat na answerable pa. Para naman masabing ina-appreciate niya ang effort ng mga sumusulat sa kanya.

Pero iba ngayon. Sa dami ng mga natatanggap niyang sulat sa loob ng isang linggo, napuna niyang iisa lang ang sumulat ng lahat ng iyon: isang misteryosong sender na nagtatago sa pangalang... COOKIES AND CREME.

"Stalker nga 'to," paniguro ni Hayato matapos basahin ang ilan sa isa't kalahating kahon ng mga love letters na puro galing kay Cookies and Creme. "Ta mong sunud-sunod, o! Kada minuto yata sumusulat sa 'yo na kahit hanggang sa bahay n'yo yata hindi ka tinatantanan ng mga sulat niya. Tsaka penneame pa lang, kadiri nah!"

"Hindi naman siguro," paniyak ni Takeshi, binabasa ang isa sa mga sulat. "Tunog-ice cream nga eh—"

"Hindi rin mahina kukote mo, no? Tural, me hidden meaning 'tong penneame niya! Teka nga, sigurado ka bang binabasa mo sila?"

"Oo naman! Eto nga 'yung isang sulat, o," at binasa pa niya iyon sa harap ng dalawa niyang kaklase. "Sabi dito: My dear one and only love forever and ever Takeshi Yamamoto, hope you remember me, your one and only, because I do. But I know you don't know me and you haven't seen me, but I do know you and I see you everyday. Everywhere." Napangiti. "Ang sweet pala niya, eh-!"

"Sweet ka d'yan," bulyaw ng pangkista, "hindi mo pa nga tapos basahin, eh!"

Kaya itinuloy ni Takeshi ang pagbabasa. "I know who you are. I do. Your birthday, where you live, where you hang-out, who your friends are. I know what you like, what you don't like, what you're thinking, and your inner demons. And I know that you're more than just a baseball player. You can swinhg your bat like you deaw a sword. But can you strike at my heart? I doubt. You can't see me. But I can see you."

Sumingit ang katahimikan.

Pero natawa lang ang Ace pagkabasa nuon. "Makata siya siguro," aniya pa. "Balak niya ako sigurong sorpresahin 'pag nag-eyeball na kami. Creative siya, in fairness!" natawa ulit.

Halos iuntog na ni Hayato ang ulo nito sa desk sa sobrang inis sa pinapakitang katopakan ng kaklase. "Ako ang nasorpresa sa reaksyon mo, eh..."

Samantalang binabasa din ni Tsuna ang isa sa mga sulat ni Cookies and Creme, na tila namumutla. "Sabi dito: I know what you're thinking. I know all your fanstasies. And if you try to ignore all my letters and my love I won't rest and I'll make sure to get rid of anything and everything that comes between us—"

"Sabi na, sabi na!" sabat ng pangkista nang marinig nito ang nilalaman ng isa pang sulat. "Hindi 'yan love letter! Isa 'yang banta! Sino ba kase'ng nakaaway mo't tinatakot ka niya!"

"Pero," hawi ng munting boss nang meron siyang napuna, "nung mabasa ko 'to, nawi-weirdohan na ako. 'Yung paraan ng banta niya, parang nakita ko na kung saan, eh," hanggang sa napansin niya ang nakabukas na Science notebook ni Hayato na pinagkokopyahan niya ng notes nang mga oras na iyon, at doon, "Uh...Hayato," sabay sulyap sa hawak na sulat, "ngayon ko lang napansin. Parang magkapareho 'yung sulat-kamay mo ke Cookies and Creme, ah..."

Natigilan ang pangkista. Napatitig ang dalawang kaklase sa kanya na di mo mawari ang reaksyon.

Isinumpa ni Takeshi ang ice cream matapos noon, lalo na 'pag cookies and cream flavor. Bukod doon, isang linggo niyang iniwasa't di-kinausap si Hayato.

(NOTA BENE: Page 1 pa lang 'to, magpo-post ako anytime tutal naman maiikli lang 'to, drabble lang kasi. Syangaps, sa mga gustong magbigay ng suggestions, comments, and violent reactions, just read and review, or PM n'yo na lang me't ako na'ng bahalang maghimay ng utak ko sa puwede kong isulat at i-post dito. Salamat sa abala :D )