Shohoku Band: Henyo Chords
CHAPTER 1: The Dream
Isang gabi, nanaginip si Sakuragi na ang banda daw nila ay nagpeperform sa isang field. Madaming tao, at nagpapalakpakan ang mga ito para sa kanila… Sikat na sikat na daw sila…Ito ang kanyang panaginip…
"Kailangan na naming sumikat! at makilala sa buong rock scene! Ung pinapalakpakan at tinitilian! Kailangang dumiskarte, magkaroon ng kotse, makakuha ng marami, marami na babae! Kailan to mangyayari, kailan magaganap gusto na kasi namin na sumikat! Yeah!"
"Kami po ang Shohoku Band! Maraming salamat po!" sigaw ni Sakuragi pagkatapos kumanta.
"WHOOO! I LOVE YOU SAKURAGI!" sigaw ng isang fan.
"Marami pong salamat. Henyo lang talaga kami! Hehehe.." bulong ni Sakuragi.
"gunggong…" bulong din ni Rukawa.
Nagising na si Sakuragi…
"Wow! Whatta dream!" saad ni Sakuragi habang nagpupunas ng pawis sa kanyang noo.
"Gunggong, ang ingay mo! Natutulog pa kami!" naiiritang sigaw ni Rukawa kay Sakuragi.
"Teka muna, kwento ko sayo panaginip ko." pahabol ni Sakuragi.
"Alam ko na un." sagot ni Rukawa.
"Pano?" tanong ni Sakuragi.
"Eh kase habang nananaginip ka nagsasalita ka, para kang narrator!" sigaw ni Rukawa.
"hehehe.. ganun ba… hehe.." natatawang saad ni Sakuragi habang nagkakamot ng ulo.
"anong oras na ba?" tanong ni Rukawa,
"7:00 am na! gising na mga tsong!" sigaw ni Sakuragi.
"hmmm.. ang ingay mo naman… inaantok pa ko eh.." iritadong saad ni Mitsui.
"oo nga… ang aga-aga pa…" saad din ni Ryota.
"ano ba! May practice pa tayo para sa first ever gig natin mamayang gabi sa Malate." sigaw ulit ni Sakuragi.
"ay, oo nga pala! Sige, tulog muna kami…" sabi ni Rukawa sabay talukbong ng kumot sa mukha.
"Ewan! Aalis muna ko, punta ko kay Haruko may labs…" sagot ni Sakuragi sabay labas ng pinto.
"O cge.. bye…" pahabol ni Rukawa.
Dumalaw siya kay Haruko…
"O Sakuragi! Napadaan ka! Wala ba kayong practice? Asan si Rukawa?" sunod-sunod na tanong ni Haruko.
"Mamaya pa eh. Tulog pa sila. May kwekwento nga pala ako sa iyo." sagot ni Sakuragi.
"Talaga? Ano un? " tanong ni Haruko.
"Alam mo ba… Nanaginip ako kanina…" isinalysay na niya ang kanyang panaginip.
"Talaga? Wag kang mag-alala… Hindi naman malayong mangyari yun eh. Magaling naman kayo eh!" sagot ni Haruko.
"Talaga! Heheheh.." saad ni Sakuragi. sa isip nya ay… "Hehhehe.. ang henyo ko talaga!"
"Manonood ako mamaya ah! Sama ako sa inyo!" saad ni Haruko.
"O sige ba!" sagot ni Sakuragi. sa isip uli nya ay…" Yes! Makikikita narin nya kung gano ako ka-henyo!"
"O sige Sakuragi, may gagawin pa kasi ako. Bye na ha. Uwi ka na rin magpractice na kayo." saad ni Haruko.
"O sige… bye haruko! My labs… hehehe…" bulong ni Sakuragi.
"ha? Ano un? " gulat na tanong ni Haruko.
"Wala, sabi ko magpapalaki ako ng abs ko." palusot ni Sakuragi.
"Ah, okay… bye! See you later!" pahabol ni Sakuragi.
