Disclaimer: I do not own athrun and cagalli or the gs and gsd. (tapos na ang story na ito, , pero welcome pa rin ako sa mga dadating na reviews at critics)
tagalog chapters: complete
english summaries: in progress.
Please be kind, rate and review. I really need your opinion ^^
well this is it. . im putting a short english summary in here! please bear with me. . english is not my forte! ill be updating this story summary maybe weekly.
ANNOUNCEMENT!: okay im really 'that' desperate! can someone *bend on her knees* help me translating this story! I really need like. .two or three. . kind people! okay. . i hate my life! but im serious. . .im in desperate situation.
. . . . . . . . . . . .
Love Potion. Is it true that it can poison the heart and mind of a person? Can it patch your real emotion towards a certain person? Is it the answer for the broken hearted? Is this- oh just read it^^.
"Cagali hurry up, we still have a long journey, and I've already prepared the horses!" Milly shouted.
"I'm coming! I'm just finishing my packing." Cagalli replied.
Cagalli and Milly have been friends for a long time. On their first meeting they already knew that they will go along just fine. They did everything together. Even though they didn't go to a real school, they still strive to learn, learn how to read and write.
"I'm finished. That's very tiring! It's so sad to think that we'll be leaving this house" Cagalli said while staring at their old house.
"Don't worry Cagalli, we'll still come and visit here, we just need to work, it's just for a short time, we'll be back here to build our own clinic after we save some money." Milly said while riding her horse..
It is really a long story on how the two meet. it's just one day Cagalli and her master found Milly in a forest not to far away from their house. They both took care of Milly, Cagalli's master was a herbal doctor but besides on being a herbal doctor Cagalli's Master can also use some kind of magic. After seeing Cagalli's potential in using this kind of magic, her Master decided to teach her everything about magic before he passed away.
After a long hour of horseback riding, finally they made it to their destination.
Plants.
The kingdom of beauty, wealth and power.
They are both mesmerized on what they saw,in their 18 years of living, it is their first time going in a huge kingdom like this.
They continued their journey until they reach a small palace.
"I hope that you have a great journey." they are greeted by a lovely lady with brown hair, Murrue Ramious.
Miss Murrue showed them their respective room and after that she introduced them to the palace staff, she also discussed the things that the both girls needed to do.
halfway on their discussion, they noticed that the owner of the palace just arrived.
"The prince has arrived" Murrue said
"Prince? you didn't tell us that the prince is the owner of this house!" Milly said.
"Is it just me or the prince look so. . " Cagalli said
"Look so?" Murrue ask.
".. . .grumpy"
Murrue tell them the story of the prince's life, from the death of his father and fiancee last year up to the nearing coronation.
"Cagalli, you will be the prince's personal maid" Murrue said
"Wait! why me? why not Milly?" Cagalli complained
"Because I already assigned Milly in the kitchen. please can you be kind to fetch the prince in his quarters, dinner is almost ready" Murrue said before she walk away.
. . . . . . . . . . .
She can feel her heart beat loud and clear. she really don't know, why she's suddenly feeling so nervous.
No she's not afraid. why would she be frighten? the young prince need sympathy. sympathy for losing a family, even though she didn't know the reason why her parents abandoned her, she still can't help herself from asking.
asking questions like. . why did they abandon her?
. . . . . . .
Athrun's trail of thought stopped when he heard a knocking on his door.
"Come in" he said
The door opened to reveal a young woman staring at the floor.
"What do you need?"
"Master Zala, Dinner is ready"
"Do you know it's rude not to look at the person you are talking to?" his voice is so cold and sharp.
Cagalli's balled her though she cannot see the person in front of her because of the darkness, she make sure that this time she is facing her new Master.
"Grumpy!" Cagalli whispered
"Are you new here?" Athrun ask.
"Yes, I'm your personal maid" Cagalli said.
"Did I ask your position in my palace?".
Cagalli gritted her teeth. It's a good thing that it's dark inside the room and the only source of light is the moon, because Cagalli is really pissed right now.
"No sir" her voice is very clipped.
"Why are you here again?" Athrun ask
"Dinner is ready."
"I'll be there" Athrun turn away from the door.
Cagalli made a motion to close the door.
"You're already leaving without introducing yourself?" Athrun ask coldly.
that's it. She can't take it any more.
"Because you didn't ask my name, the last thing i needed is you, saying in my face that, you did not ask me a question then here I am saying nonsense in front of you!" after that Cagalli take a bow and leave.
Athrun was stunned. It is the first time in his life that someone talk to him like that.
It's been awhile since a smile was found in his face.
"Grumpy? hmmm." Athrun thought
Gayuma. Totoo nga bang kaya nitong lasunin ang puso't isipan ng isang tao? Kaya ba nitong takpan ang totoong sinisigaw ng puso? Sagot ba ito sa mga pusong sawi? Ito na ba ang- -basahin nyo na lang^^
. . . . .. .
"Cagalli bilisan mo, malayo pa ang byahe nating dalwa, naihanda ko na ang mga kabayo!" ang sigaw ni Milly.
"Oo. Nanjan na,tinatapos ko lang itong pag iimpake ko."ang sabi ni Cagalli.
Matagal ng mag kaibigan sila Cagalli at Milly, halos sabay na silang lumaki. Sa una pa lang nilang pagkikita, alam na ng dalwa na mag kakasundo sila, lahat ng bagay ay madalas nilang ginawa ng mag kasama, di man sila nakapasok sa eskwelahan ay nag sikap silang matutong mag basa mag sulat at matuto ng mga aral na tinuturo sa loob ng paaralan.
"Eto na! hay, nakakapagod. Nakakalungkot naman isipin na iiwanan na natin ang munti nating tahanan"ang sabi ni Cagalli habang tinititigan ang kanilang bahay.
"Hayaan mo Cagalli,babalik tayo dito, kailangan lang talaga nating maghanap ng trabaho,pansamantala lang naman tayong mawawala, mag iipon lang tayo para makapagpatayo ng klinika."ang sabi ni Milly habang sumasakay sa kanyang kabayo.
"Tara na!"ang malungkot na sabi ni Cagalli. Pilit nyang pinipigilan ang sarili na wag malungkot dahil pansamantala lang silang mawawala,pero mahirap isipin na sa mahabang panahon, ala-ala nalang muna ang kanyang maibabaon sa kanilang pag lalakbay
Ulila na sa magulang si Cagalli, di nya alam kung anong nangyari sa kanila, basta ang alam nya nagising na lang sya na ang Master nya ang tinuturing nyang magulang. Manggagamot ang Master nya,halos araw-araw ay maraming tao ang pumunta sa kanilang bahay upang magpagamot.
Liblib na lugar ang tinitirahan nilang dalwa. Natural na manggagamot ang Master nya, bukod sa pang gagamot ay marunong din itong gumamit ng mahika. Nakitaan nya ng talento si Cagalli,kaya't itinuro nito ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa pang gagamot at ang pag gamit ng mahika,bago ito pumanaw.
Isang araw ay nakita na lang nila si Milly sa may gubat malapit sa kanilang tirahan,sugatan at parang wala ng buhay, ginamot at inalagaan nila si Milly hanggang sa gumaling ito at simula ng araw na iyon ay kasama na nilang namuhay si Milly.
"Ilang oras na lang at makakarating na tayo sa Plants"ang sabi ni Milly.
"Ano nga bang pangalan ulit nung kailangan nating hanapin?meu—mer—"
"Murrue Ramius, sya yung namamahala sa bahay nung bago nating amo."ang sabi ni Milly.
"Ah! Ganun ba?" ang sabi ni Cagalli habang tinititigan ang paligid.
. . . . . . . . . . . . . . .
Di nag tagal ay nakarating na sila sa bayan ng Plants. Walang salita ang makakapag paliwanag sa ganda ng mga tanawin sa paligid, tumambad sa kanila ang iba't-ibang disenyo ng kalesa, mga tindahan ng damit,pabango at iba pa,kahit ang mga poste ay nakaka agaw din ng pansin, marmol at may mga nakaukit na bato pa. Makikita mo talaga na isang maunlad na bansa ang Plants.
Mas lalo pa silang nagulat at namangha ng makita nila ang bahay kung saan sila mag tratrabaho. Para sa dalawang dalaga na katutungtong lang sa edad na 18 anyos ngayon pa lang sila nakarating sa bayan.
"sana'y naging maayos ang inyong paglalakbay. Halina kayo't pumasok sa loob para maituro ko kung saan ang kwarto nyo"ang sabi ni Miss Murrue.
"sige po" ang sagot ng dalwa.
Sinundan nila si Miss Murrue at ilang liko at kanto pa, ay narating nila ang kanilang kwarto.
"ilagay nyo muna jan ang mga gamit nyo,ililibot ko kayo sa buong palasyo at ipapakilala ko kayo sa mga iba pang nag tratrabaho dito."ang sabi ni Murrue.
"Miss Murrue,maraming salamat po at kinuha nyo kami para mag trabaho dito"ang sabi ni Milly.
"wala iyon, sa katunayan ay nangangailangan talaga ang palasyo na ito ng dagdag na tulong, dito kasi madalas lumalagi ng prinsepe ng kaharian na ito ,kahit na may sarili silang palasyo,ay mas pinili nyang dito tumira sa luma nilang tirahan."ang sabi ni Miss Murrue.
"prinsepe? Pero wala naman po kayong sinabi na,prinsepe po pala ang pag sisilbihan namin" ang sabi ni Cagalli
"ay! Ganun ba? Pasensya na masyado na atang pumupurol ang memorya ko." Ang pangiting sabi ni Murrue.
Tinuro ni Murrue ang mga dapat na gawin nila Milly at Cagalli sa loob ng bahay, pinakilala din nya ang dalwang dalaga sa ilan sa mga nag tratrabaho sa munting palasyo na iyon. Tinuro din nya ang pasikot sikot sa loob upang di sila maligaw. Matapos makalipas ang ilang oras,ay nakapag ayos na at nakapag pahinga na ang dalwa.
" mag handa na kayo at ano mang oras ay dadating na ang prinsepe."ang sabi ni Murrue habang kumakatok sa pintuan.
"nanjan na po" ang sagot ng dalwa.
(sa lobby)
"magandang hapon po sa inyo mahal na prinsepe kumusta po ang araw nyo?"ang tanong ni Dearka ang personal butler at matalik na kaibigan ng prinsepe.
"ayos lang naman."ang sagot ng prinsepe.
Matapos sumagot ng prinsepe ay walang imik itong umakyat sa kanyang kwarto.
"Miss Murrue, di naman po sa pang hihimasok, ganyan po ba talaga ang prinsepe?"ang tanong ni Milly.
"anong ibig mong sabihin?"ang tanong ni Miss Murrue
"kasi po parang ang sungit nya."ang sabi ni Cagalli.
"ah! Yon ba? Di naman talaga masungit ang prinsepe, kamamatay lang kasi ng hari at ng kanyang kasintahan noong isang taon doon sa isang palasyo kaya ayaw na nyang tumira doon at pinili nalang dito manirahan ,ito kasi ang dating tirahan ng yumaong mahal na reyna,namatay sya sa panganganak sa mahal na prisepe. Lahat kami nanibago sa kinikilos nya, madalas syang hindi nag sasalita, at mas lalo na lang nyang itinuon ang kanyang atensyon sa pag papatakbo ng kaharian na ito,malapit na rin nyang kunin ang trono ng kanyang ama,pag tungtong nya ng kanyang ika 20 kaarawan kokoronahan na sya bilang hari ng bansa o kahariang ito."ang paliwanag ni Miss Murrue.
"nakakalungkot naman"ang sagot ni Cagalli.
"Cagalli ikaw nga pala ang magiging personal maid ng prinsepe."ang sabi ni Miss Murrue.
"bakit po ako? Di po ba pwedeng si Milly na lang, sa iba nyo na lang po ako ilagay."ang sabi ni cagalli.
"hindi pwede nailagay ko na si milly sa kusina, madali lang naman ang trabaho mo, sa hapon dumadating ang mahal na prinsepe,at nandito sya buong araw tuwing sabado at linggo."ang sabi ni Murrue
Tumango na lang si Cagalli.
"tumulong ka na lang sa iba pang gawaing bahay pag wala ka ng ginagawa." Ang sabi ni Murrue.
"opo Miss Murrue" ang sagot ni Cagalli.
"Milly, sumunod ka sa akin."ang sabi ni Murrue.
"Cagalli, sunduin mo na si Master Athrun sa kwarto nya."ang dugsong ni Miss Murrue.
Dahan dahang inakyat ni Cagalli ang hagdan patungo sa kwarto ng prinsepe, di nya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kaba sa puso nya,kaba na parang bawat hakbang na ginagawa nya ay pabilis ng pabilis ang pag tibok nito. Di nya alam kung bakit sya nakakaramdam ng ganon. Takot ba sya? Hindi, hindi sya takot. Bakit naman nya katatakutan ang isang taong kailangan ng simpatya? Taong labis na ngungulila sa pag mamahal ng isang pamilya. Dahil kahit sya,kahit di man nya aminin ay nangungulila din sa pag mamahal ng isang pamilya, oo pamilya nya si Milly,kapatid,kaibigan at kababata,pero iba pa din ang pakiramdam ng may isang buong pamilya. Minsan pag gabi napapaisip na lang sya kung bakit ganoon na lang nangyari sa buhay nya. Bakit wala sya sa piling ng magulang nya. Ayaw na ba nila sa kanya? May probelama ba?di na ba nila kayang pakainin ang sanggol na tulad nya?may mga kapaatid kaya sya?
Maraming tanong sa isipan nya. Utang nya ang kanyang buhay sa Master nya, Master nya na kahit papaano ay kinupkop sya at tinuring nyang magulang. Maswerte pa rin sya, dahil may tao pang tumanggap sa kanya. Ang buhay nga naman napakaraming lihim,napakaraming tanong, kelan nya kaya malalaman ang sagot sa bawat tanong na gumugulo sa isipan nya?
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pagod na humiga si Athrun sa kanyang kama, malalim ang kanyang iniisip, tungkol sa mga bagay bagay sa buhay nya. Umaagos sa isip nya ang mga di mapigil na pag dating ng mga ala-ala, ala-ala ng kanyang yumaong kasintahan
"Athrun! Nandito ako!"ang sigaw ng babaeng may kulay abuhin na buhok.
"Mia! Bumaba ka jan, baka mahulog ka!"ang sigaw ni Athrun
"Athrun,di ako marunong bumaba!"ang sagot ni Mia
"pano ka naka akyat jan sa puno?"ang sigaw ulit ni Athrun.
"mahabang kwento."ang sagot ni Mia
"tumalon ka at sasaluhin kita."ang sabi ni Athrun
"sigurado ka?"ang tanong ni Mia
"oo, bilisan mo na."ang sigaw ni Athrun
"uhhhh"ang sabi ni Athrun matapos nyang saluhin si Mia.
"nasaktan ka ba?" ang tanong ni Mia
"ayos lang naman ako, ano bang ginagawa mo sa taas ng puno?" ang tanong ni Athrun habang binababa si Mia.
"kinuha ko kasi yung pusa sa taas ng puno,kawawa kasi, tapos nung nandoon na ako sa taas para kunin sya, bigla syang tumalon,kaya naiwan akong mag isa dun."ang paliwanag ni Mia habang inaayos ang damit nya.
"alam mo, di ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa ginawa mo."ang pangiting sabi ni Athrun.
Hinalikan ni Mia sa pisngi si Athrun sabay sabi ng "salamat sa pag salo sa akin mula sa puno"
"ayos lang yun, basta sa susunod, hihingi ka ng tulong sa akin o di kaya kahit kanino man na nandito sa palasyo."ang sabi ni Athrun
"opo mahal na prinsepe!"ang pang aasar na sabi ni Mia
Napaka hirap mag simula ulit, napaka hirap lumimot,lalo na't napaka dami nyong ala-ala sa bawat sulok ng isang lugar, nakakalungkot na isipin na kahit sa panaginip ay di mo na sya mahahawakan.
Tumayo si Athrun mula sa kanyang kinahihigaan ng makarinig sya ng katok mula sa kanyang pintuan.
"tuloy "ang maikling sagot nya.
Dahan-dahan na bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang isang babaeng naka yuko.
"ano ang kailangan mo?"ang tanong ni Athrun
"Master Zala, handa na po ang mesa."ang sabi ni Cagalli na, nananatiling naka tingin sa sahig.
"mukhang mas interesado ka pang tingnan ang sahig kesa sa akin, di mo ba alam na kabastusan yang ginagawa mo? "ang tanong ni Athrun.
Dahan dahang sinara at bukas ni Cagalli ang kanyang kamao sabay tingin sa kanyang kausap. "sungit naman nito."ang bulong ni Cagalli.
"bago ka lang ba dito?"ang tanong ni Athrun.
Sa pag kakataong ito ay tiningnan ni Cagalli ang taong nasa harapan nya at matapang na sumagot ng,
"opo, bago lang po ako dito, ako po pala ang personal maid nyo."ang sagot ni Cagalli.
"tinanong ko ba kung ano ang trabaho mo dito?"ang tanong ni Athrun.
Pilit na hinahabaan ni Cagalli ang pasenya nya sa lalaking nasa harap nya, buti na lang at patay ang ilaw at tanging liwanag galing sa malaking bintana lang ang ilaw na pumapasok sa kwarto,dahil kung nakikita lang nila ang isa't isa, makikita ni Athrun ang pikon na mukha ni Cagalli. Sasagot na sana si Cagalli ng saktong tumapat sa kanya ang ilaw ng bwan
"hindi po"ang sagot ni Cagalli,habang nakatingin sa kanyang kausap, di nya masyadong matanaw ang itsura ng kausap nya dahil nakatalikod ito sa ilaw ng bwan.
Nagulat at napatitig si Athrun sa mata ng taong nasa harap nya. Napakatalim nitong tumingin, nakakasilaw, nakaka akit, parang sinisilip nito ang kanyang kaluluwa, kakaibang kulay ang nangingibabaw, kulay ito ng apoy, ng ligawanag ng umaga sa tuwing sisikat at lulubog ang araw.
Hiling lang nya nasa hindi sya nakikita ng nasa harapan nya. Dahil nakakahiya kung makikita syang nakatitig sa kanya. Agad inayos ni Athrun ang sarili nya.
"ano nga ulit ang sinasabi mo?"ang tanong ni Athrun
"naka handa na po ang mesa"ang sagot ni Cagalli
"sige susunod na ako."ang sabi ni Athrun.
Matapos yun ay yumuko na si Cagalli upang mag bigay ng respeto at nagkahanda ng umalis ng biglang nag salita si Athrun.
"aalis ka na agad ng di man lang nagpapakilala sa akin?"ang tanong ni Athrun
Hinawakan ni Cagalli ang door nob at handa ng isara ang pinto.
"hindi nyo naman po tinanong ang pangalan ko,mamaya sabihin nyo, na di nyo naman po ako tinatanong, sagot ako ng sagot"ang sabi ni Cagalli sabay yuko ulit at dahan dahang sinara ang pinto.
Nagulat si Athrun sa sagot ng dalaga at sa kauna unahang pag kakataon sa mahabang panahon ay napangiti ulit sya.
"sungit pala ha."ang sabi ni athrun .
