It Won't Let You Down
By: Superb Oink
Disc-Lay-Marh: Hindi ko pag-aari si Naruto at kahit anong bagay na nasa Naruto kasi kung akin man sila, damn, edi ako na presidente ng Pilipinas nyan.
Buod: What if the hand of fate leads you to Mr. Right today? Are you prepared? Don't risk body odor. Use Rexona everyday, because you'll never know… Rexona, it won't let you down. From: UniLitter.
Genre: Kahit ano, basta Drama.
Tambalan: Ang tamad at ang babaeng mahangin
"Siyeeeet naman mahal kong brother! Baket? Bakeeet??"
"Huminahon ka Temari." Kalmadong pagkakalmado ni Gaara sa kanyang nag-iisang kapatid na babae. "Ginagawa ko to para mapagtibay ang alyansa naten sa Hidden Village ng Konoha."
"Parekoy! Muka ba'kong shabu na pwede mo na lang basta-basta in-e-export sa ibang lugar para lang magkaroon kayo ng tinatawag nyong 'alyansa'??? There must be serious mental damage inside that." Sabay duro ng babae sa ulo ng kapatid.
Binigyan lamang sya nito ng kanyang infamous death glare. "Kahit ano pa ang sabihin mo, di ko na yun babawiin pa. Isa pa, isa na akong Kazekage kaya kailangan mong tuparin lahat ng nais ko. Intinde?"
"Ba't di na lang yang isa mo pang kapatid na mahilig sa barbie dolls ang ipadala mo dun?? I'm sure magugustuhan sya dun… lalo na yung mga naghahabol kay Sasuke na meh diperensya sa sekswalidad."
Muntik-muntikan ng saksakin ni Kankuro ang kapatid na babae. Mabuti na lang at pinigilan sya ni Gaara sa pamamagitan ng kanyang buhangin.
"An order is an order. And its final." Pagtatapos ng binatang Kazekage sa usapan.
"Ano ka, waiter?" banat naman ng babae.
Gaara scowled at the sarcastic comment. Sabay binanatan na lang nya ng talikod, dahil maski sya eh nauubusan nadin ng pasensya (at alam ng karamihan na mas malala pa sa gahibla ng budhi ang kanyang pasensya).
"Tsk. Bahala kayo, sige lang, ilako nyo ko. Pag ako talaga nakabalik dito… ipapakain ko sa inyo ng buo ang pamaypay ko—in full length! Hmp!!!" sabay takbo ang dalaga sa kanilang humble home na muka lang naman Buckingham Palace.
And so, kinagabihan, wala nang magagawa ang dalaginding na Sabaku no kaya naman naisipan na lang nyang mag-impake. At infairness, ayaw naman nyang masyadong magbitibit ng gamit sa kanyang dalawang balik-bayan boxes at dalawang maletang de-gulong.
Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. "HAY. Buhay. Bakit kelangang mangyare sa'ken ang lahat ng ito??? Bakit?? Why me??? Op ol pipol in da haus! Why???"
Nang biglang may nagsalitang boses sa likod ng pintuan. "Masyado ka kasing maingay."
"Hudahell??"
"Mabuti naman at aalis ka na. Aangkinin ko na tong kwarto mo. Teeheehee." Her brother laughed malisciously.
Temari rolled her eyes. "Tss, pati ba naman kwarto ko pinapatulan mo? Di ka pa ba kontento sa mga barbie dolls mo??"
At muli, nag-init nanaman ang ulo ni Kankuro. Higit kaninuman at sa lahat, ayaw na ayaw nyang laging nilalagay sa hotseat ang kanyang mga barbie dolls. Lalo na pag si Temari ang tumutuligsa dito. Masyadong matalas ang dila ng babae at nararamdaman nya ang hinagpis ng kanyang mga manika sa t'wing sila'y naiinsulto ng master ng mga standard electricfans.
"Wala kang karapatang pag-isipan kami ng masama ng aking mga kaibigan!"
"Kaibigan yourself. Umalis ka na nga dito, o gusto mong makatikim ng humongous pamaypay ng di oras?"
At bago pa man ma-i-shove ni Temari ang kanyang pamaypay sa lalamunan ni Kankuro eh kumaripas na ng alis ang make-up infested na ninja.
"Sa wakas. Kapayapaan." Yun lang at natulog na ang dilag.
Mag-isang naglalakad ang dalaginding na galing sa Sunaa (tama ba spelling?) sa gitna ng kalsada ng Konoha. Kasalukuyan nyang inaalala ang address ng apartment na dapat nya sanang tutuluyan. Subalit kahit anong hukay nya sa kanyang utak at memorya, mukang tinamaan na yata sya ng amnesia sa mga oras na yun, pati lintik tinamaan na sya.
"Tinamaan ka nga naman ng lintik, oo. Anong… ano nga palang street yun? Ang alam ko nagsisimula yun sa P eh… pepton? Patola? Pekson? Pentog? Pechay? Pekla?... argh! Putris! Di ko na talaga maalala!" yamot na sigaw ng dalaga, oblivious sa mga pinupukol na tingin sa kanya ng mga passers by.
Maya-maya pa ay may naglakas loob na lumapit sa kanya. Hesitant na kinalabit ng concerned citizen ang balikat ng dalaginding. At muntik-muntikan ng maisaksak ni Temari ang kanyang pamaypay sa lalamunan ng concerned citizen.
"Waaa! Wag po! Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na nai-snatch po ang isa sa mga balikbayan box nyo! Wag poooo!" sigaw ng concerned citizen na para bang ginagahasa.
Nanlaki at nanluwa ang mga mata ng dalaginding. Anaknang---? Meh snatcher pa pala sa Konoha? Heck! Sigaw ng kanyang isipan. "Wadapak, andun pa naman ang koleksyon ko ng mga pamaypay!" at tumakbo ang dalaginding, bitbit ang naiwang trolly bag at isa pang balikbayan box. Kung pa'no nya yun nadala ay beyond my knowing. Basta nung tumakbo syang parang hinahabol ng isanglibo't isang Gai, all hell's break loose.
Masayang naglalakad mag-isa ang Sound-nin na dalaga habang nagmamasid sa kapaligiran ng Konoha. Ang boring naman sa lugar na 'to. At di ko padin nahahanap ang pakay ko kung ba't ako nandito. Punyeta, sa oras na makita ko ang nilalang na yun, di ako mag-aalinlangang wasakin sya at ang kanyang 200 IQ na utak.
Pero nasira bigla ang 'katahimikan' ng lugar ng biglang may rumaragasang bagay na patungo sa direksyon ng Sound-nin. Una, akala nya tunog lang ng kanyang tiyan ang naririnig na mahihinang rumble, subalit ng magsimulang lumindol sa kanyang kinatatayuan, alam na nyang meh nangyayare beyond her explanation, dahil sa isang iglap ay para syang nadaanan ng isang milyon't isang ipu-ipo. At kung anung bilis nang pagdating ng 'bagay' na yun, sya namang bilis ng kanyang pag-alis, iwan-iwan ang Sound-nin na daig pa ang nasagasaan ng isang grupo ng raging bulls.
"Amput(censored) ina mo! Ga(censored) kaaa! Mamatay ka na! pag nakita kita ibabalik kita sa sinapupunan ng nanay mo animal kaaa! Pakingsyeeeet! Ang buhok ko ginulo mo!!! Put(censored) ng ina mo!!!" sunud-sunod na pagmumura ng dalagang Sound-nin ang maririnig na nag-e-echo sa apat na dingding ng Konoha.
Tuloy lang sa paghahabol etong si Temari sa kanyang balikbayan box na meh laman ng humigit-kumulang dalawang gigantic na pamaypay. Samantalang sa kanyang background e makakarinig ka ng mga nouns, adjectives at verbs na puno ng obscenity, courtesy of the Sound-nin.
Maya-maya, sa wakas, ay nagbunga na din ang kanyang matiyagang paghahabol sa kanyang balikbayan box dahil nakikinita na nya sa kanyang unahan ang mga nilalang na meh bitbit ng nasabing kahon. Naningkit ang kanyang mga mata sa galit, inis, pagod at gutom. She suddenly had the urge of shoving one of her fans into the snatcher's throat. "Paksiyet ka, naabutan din kita."
At ready to fight na dapat etong ating dalaginding sa Sunaa nang biglang tumigil ang suspek sa harapan ng isang bahay. At mas ikinagulantang nya ang mga sumunod na nangyare.
Masayang nagmumuni-muni sa meh tabi ng binatana ang binatang biniyayaan ng katalinuhan at katamaran at the same time. Nang biglang tumunog ang doorbell.
"Sino yan? Tuloy." Walang ka latuy-latoy na sabe ng binata, dahil sumisipa nanaman ang kanyang katamaran. Nabatukan tuloy sya ng kanyang nanay ng wala sa oras.
"Buksan mo yun kundi---!"
"Oo, tama na, bubuksan ko na. Wag nyo lang akong blackmail-in uli." Tamad na tamad at sobrang tinatamad na pinuntahan ni Shikamaru ang pintuan. Sabay dahan-dahang binuksan ito, only to reveal a humongous box at isang hingal na hingal na parang asong babae. "Sorry di ko na kailangan ng encyclopedia. Kung gusto mo, yung kaibigan ko na lang na si Chouji ang bentahan mo."
Naningkit ang mga mata ng babaeng nakaharap sa kanya. "Ikaw… ikaw!"
"Huh? Ako?"
"Ikaw ang mastermind sa pagdukot ng balikbayan box ko!"
Tinignan sya ni Shikamaru, half-open lang ang mga mata at naka-slouch sa nearby sandalan, ang pinto. "Ano namang gagawin ko jan miss? Una sa lahat, napaka-troublesome magdala ng ganyang kalaking package."
Pinagmasdang mabuti ng kunoichi ang expresyon sa muka ng binatang Nara. Muka namang nagsasabi ito ng totoo. Pero ang di nya maintindihan, eh ang pamilyar netong itsura sa kanya. Parang nagkakilala na sila sa kung saan, di nya lang maalala. Ngayon pa talaga ako tinamaan ng amnesia. Damn!
Lingid sa kaalaman ng dalaginding, pareho pa pala sila ng iniisip netong binatilyong kaharap nya, dahil sya din ay nahihiwagaan kung nagkita na ba sila o hinde.
And then, sudden realization came to mind.
"Nara Shikamaru---
"Sabaku no Temari---
"Huwat da---???" duet nilang bulalas.
At dito nagtatapos ang unang kabanata sa isang Telefantasyang pinamagatang: It Won't Let You Down. Ano na nga ba ang kahahantungan ng ating dalaginding ngayo't nasa teritoryo sya ng kanyang dating nakaaway?? Nagmumura parin ba hanggang ngayon ang Sound-nin na na-enkwentro ni Temari sa daan? At anong meron kay Temari at ang kanyang obsesyon sa pagpapakain ng kanyang mga pamaypay sa mga taong kinaiinisan nya? Abangan ang mga sagot sa umiinit na tagpo ng Telefantasyang magpapaluha sa inyong mga aso, it won't let you down. From UniLitter.
