Disclaimer: I do not own the Naruto characters used in this story, nor do I own the concept of Fit and Right Challenge, Ninja Saga, David's Salon, Jolibee, 101 Dalmatians, Walt Dispney and "So clean, so nice". All credits belong to the owner of the said entities.

Chapter 1: Misyon Kunsumisyon

Nabuwag na ang Akatsuki, patay na si Uchiha Madara at tuluyan nang itinakwil si Uchiha Sasuke ng buong Konoha. Back to normal ang life ng mga people sa Konohagakure. Nagpasa na ng retirement form ang forever beauty na Hokage na nagngangalang Tsunade Senju na ikinagulat ng lahat, after three years magta-take effect ang kanyang resignation.

Time to become a millionaire na daw kaya nagdecide nalang siya na magtayo ng Tsunade's Medical Group of Co. upang ipromote ang kagandahan ng mga kunoichi sa entire country nila at syempre para dumami ang pera nyang gagamitin sa pagsusugal.

Samantala, ang mga promising ninja ng Konoha ay nagsisimula nang magkaroon ng kanya-kanyang love life.

Sinagot na ni Sai si Ino after a year na panliligaw ng magandang blondita.

Si Naruto nanam ay mukhang natauhan na sa wakas kung bakit laging nagiging kulay mansanas si Hinata when he is around, kasi daw may Narutophobia ang dalaga, hay naku moron talaga yung kulugo na yun.

Si Temari ay hoping na piliin siya ni Shikamaru over dun sa babaeng nerd na nakasalamin na parang si Betty La Fea na super assistant ng binatang Narra.

Si Ten-Ten naman ay umaasang liligawan siya ni Neji, well sa panaginip n'ya lang yun kasi friends lang ang tingin nito sa kanya.

Si Choji ay kasalukuyang nasa Fit and Right Challenge TM aiming to loose 150lbs.!

At si Kapal Kilay a.k.a. Rock Lee ay kasalukuyang nag-sign ng kontrata sa David's Salon TM Konoha Branch para sa 100% make-over kasi siya ang nanalo sa Most Fuzziest Eyebrow at Bao (Coconut Shell) Awards, 'di ba bonga ang kilay at haba ng hair n'ya! Tinalo n'ya ang mga batikang actor mula sa Cromartie High na nagging Hall of Fame for 10 consecutive years!

Si Shino ay nagfranchise na ng Jollibee hindi dahil sa gusto nyang magnegosyo kundi dahil obsessive siya sa mga bubuyog, inubos nya ang lahat ng kaperahan na kanyang nakuha sa mga misyon para lamang sa negosyong ito.

While Kiba is now owning the 101 Dalmatians na isinubasta ng Walt Disney TM dahil laos na daw ang mga iyon.

Well, lahat na yata sa kanila ay may kanikaniya nang buhay liban sa isang pink-haired girl na nalalapit nang i-embrace ang pagiging isang ganap na dalaga dahil malapit na siyang mag-birthday.

Wala namang kaplano plano si Sakura na ipagdiwang ng bonggang bonga ang kanyang kaarawan kasi wala naman yung gusto nyang makasayaw sa 18th dance. Or else, if she will insist to have her debut, for sure either Naruto or Rock Lee lang ang kakabagsakan nyang maging escort and it is a big NO, NO para sa kanya.

Fortunately being the 2nd kanang kamay ng Hokage, she is to be send sa isang misyon sa far far away na lugar. It will take her 3 years daw na palaboy, este outside Konoha to spy for the rumor about the Akatsuki Reborn headed ng walang iba kundi si Uchiha Sasuke.

At first, ayaw ni Sakura ang naturang misyon, hindi daw niya kaya ang class S misyon na iniwan ni Pervy Sage (Matandang Mahilig) para magspy sa mga Akatsuki. At syempre, ibang usapan na kung si Sasuke ang involve.

How could she become a spy to the man she love, baka pagkamalan pa siyang stalker ng binata.

Pero sa kadahilanang si Tsunade ang may utos sa kanya, wala nang nagawa ang pink-haired na kunoichi kundi ang sumunod nalang, or else face the wrath of Tandang Tsunade at gawin siyang reyna retokadang model ng Tsunade's Medical Group.

First destination nya ay ang Suna. May rumor kasing nakita daw si Sasuke na may kasamang girlalou sa downtown ng desyertong kaharian ng walang kilay na Kasekage na nagngangalang Gaara.

Of course, Sakura is ready to kill the girlalou, I mean; she is ready to see if the rumor about Sasuke is true that he is at Suna.

"Ano ang maipaglilingkod ko?", tanong ng red-hair and full of eyeliner na Kasekage.

"Ah..kasi…", medyo intimidated si Sakura sa kapal ng eyeliner ni Gaara.

'Ah, alam ko na, gusto mo akong kunin sa 18 roses ng debut mo, hano ?', hulan ng feeeling close na Kasekage.

'Hi..hindi noh! Hindi ako magcecelebrate ng debut ko, as you can see I'm on a mission. Nandito lang ako para ipaalam sa iyo na ang bagong pinuno ng Akatsuki ay huling nakita sa downtown nyo!', sabi ni Sakura na parang machinegun ang rakatak ng bunganga.

"Ah, ganun ba? Eh di mabuti.", tugon ni Gaara. "Anong mabuti dun?", pagtataka ni Sakura.

'Mabuti iyon para sa turismo ng Suna, kung nandito si Sasuke maraming nga kababaihan na mula sa ibang bayan ang pupunta dito upang silayan ang last Uchiha. Meaning, occupied lahat ng hotel, restaurant, at sand spring (ito yung hot spring nila sa Suna) sa bayan.', sagot ni Gaara.

"At kalian ka pa naging business minded.", tanong ni Sakura nakanina pa gusting suntukin si Gaara. "Ngayon lang, bakit?", ani Gaara na parang nagtataka.

"Makaalis na nga, wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa'yo. Basta may permisyon na ako galing sa'yo if ever na may riot na maganap sa beloved country mo.", assuming si Sakura, sabay talikod at walk out the door.

"Wag mong kalimutan sa isa kang espiya at hindi ka pinadala ng Konoha upang labanan si Sasuke.", paalala ni Gaara seriously.

"Walking my way downtown, walking fast, faces pass and I'm homebound.", kakanta-kanta si Sakura na parang si Dora,ang lakwatcherang negra. Suddenly, her attention was caught by a young handsome shinobi with spiked black hair na may kasamang babae na pumasok sa Icha-Icha Hotel na may tagline na "So clean, so nice". Burning in anger si Sakura, daig pa nya ang gumamit ng fire power, hell fire at rage of yama ng Ninja Saga TM at for sure kapag umatake siya ay critical strike. Gustong gusto na nyang kaladkarin papalayo sa handome shinobi ang babae ngunit naalala niya ang sinabi ng walang kilay na Kasekage.

"Relax Sakura, relax…", sabi niya sa kanyang inner side na kanina pa gusting kumawala.

Samantala , sa Icha-Icha… "Nagmumukha na akong engot dito ha.", sabi ng isang long bluished curly hair na creature with tulis tulis na ngipin.

"Bakit, nagrereklamo ka?", tanong ni Sasuke na expressionless.

"Oo! Ikaw ba naman ang pagsuotin ng ganitong damit at gawing parang isang binabae.", sagot ni bluish hair na nagngangalang Suigetsu.

"Paminsan-minsan lang yan Suigetsu, sorry ka nalang kasi natalo ka sa bato-bato-pick. Sino ba naman kasing moron ang makikipagpustahan sakin eh ekspert yata ako dun.", sagot ni Sasuke na proud sa sarili.

"Gaano kadalas ang minsan?", ala telenobelang tanong ni Suigetsu.

"Being an alipin for one month ang ginawa mong kondidyon, kaya magdusa ka.", reply ni Sasuke na halatadong naiimpluwensyahan na ng mga telenobelang pinapanood nila Jugo at Suigetsu.

Galit na galit talaga si Sakura at urong sulong siya sa labas ng Icha-Icha. Gusto na nyang pinuhin na parang glitters ang babaeng kanyang nakita na kasama ni Sasuke. Hinding hindi nya ma-imagine si Sasuke being seduced by someone. "Papaano kung bumigay si Sasuke, Oh Hindi!", sigaw ni Sakura which caught the attention of all the madlang people. Due to her embarrassment, napilitan siyang mag-check inn sa Icha-Icha dahil iyon ang pinakamalapit na place na pwedeng mapagtaguan.

"Ok, siguro wala namang masama kung makikipagkita ako kay Sasuke 'di ba? Eka nga ni Gaara I'm here to spy hindi para makipaglaban kay Sasuke.", wika nya sa sarili trying to convince herself na tama ang gusto niyang gawin.

Gabi na, at hindi parin mapakali si Sakura sapagkat kanyang napag-alaman na si Sasuke ay nasa kabilang room lang pala, suddenly, nakarinig siya ng mga rated-xxx na sounds coming from Sasuke's room. "Oh hindi! Sasuke is making out with the girl that I see!", mabaliw baliw niyang sabi sa sarili while banging her head on the wall.

Meanwhile, on Sasuke's room, ito ang nangyayari.

"T_r_n_a_d_!", sigaw ni Sasuke sabay suntok sa ala jelly fish na sidekick.

"Bakit? Don't tell bakla ka kaya ayaw mo ng ganitong palabas. Yuck bakla!", Suigetsu said teasing the galit na galit na binata.

Sa galit ni Sasuke ay winasak nya ang flatron screen at blu-ray sabay labas ng pinto at darag nito. Mukhang nalugi ng isang milyon si Sakura sapagkat mali ang kanyang iniisip about Sasuke her love.

Awtor's Note: Ano sa palagay nyo ang bagay na ibibigay ni Sasuke kay Sakura? Hmm… subaybayan sa ikalawang kabanata na pinamagatang… "Souvenir from Sasuke"

Please review so that I will know whether you like it or not. Stay tune for more kalokohan moments.