MGA KWENTONG BALUKTOT NI CHEPOT
Sa buhay nang tao, minsan lang dumating ang pagkakataon na mabigyan nang magandang oppurtunidad na makapagaral sa isang maayos na pribadong paaralan. Masasabi ko na isa na ako sa mga masususwerteng bata na iyon. At hindi ko maipagkakaila na sa loob nang mahigit labing anim na taong inilagi sa loob nang paaralan, ay hindi ko naranasan ang maraming bagay tulad nang pakikipagdaldalan sa kaklase, pangaasar sa payatot na katabi, maasar na bansot nang mas matangkad na kaklase, pangongopya at magdikit nang babolgum sa pwet nang kinaasarang kamagaral.
Nandyan din ang mga pahamak na gurong lagi kang binibigyan nang gabundok na trabaho sa tuwing darating ang panahon nang bakasyon. Tipo nang mga nilalang na hindi ka gustong lumigaya tuwing darating ang pagkakataong makapagliwaliw ka kasama nang iyong matatalik na kaibigan.
Nandyan din ang mga dispalinghadong mga CR na tila haunted house ang itsura mula sa labas at tambakan naman nang basura mula sa loob. sino ba naman ang gaganahang maglabas nang sama nang loob sa isang lugar na pinamamahayan nang mga bangkay?
Di mo pa malilimutan ang kay habang pila patungo sa lang sa accounting office kung saan sing bagal nang pagong ang clerk . makikita mong may sapot na ang mukha nya sa tagal nyang tumambay doon na wala man lang pumapalit.
Marami ring magagandang karanasan sa eskwelahan. nandyan ang barkada na may kanya kanyang trip sa buhay. ang mga teacher na, crush nang bayan pa ang role. At siyempre ang mga kalokohan nang mga kamagaral na naglalayong makaganti sa kapwa. maging teacher man, estudyante, principal, o hayop.
