Disclaimer: Hindi akin ang Naruto at ang kantang I ng SixCycleMind. Hiniram ko lang sila, okay?

AN: Kasi wala akong magawa ngayong Mahal na Araw, sisimulan ko na ang OPM-Fanfics Collection. Ito'y maglalaman ng mga storyang hango sa mga kantang either luma or sadyang uso lang. Meaning, mostly songfic sang naririto. English or Tagalog ang kanta, bahala na. Basta, gawa ng Pinoy. Yun na yun.

This is for my boyfriend, Cai. Salamat at naungkat ulit natin an gating mga exes at kung hindi ay hindi ko maiisip simulan ito. Salamat na rin sa Parokya ni Edgar kasi sila yung nagbigay ng ideya sa akin habang nakikinig ako sa kanilang newest album, Halina sa Parokya. Nice album. XD Okay, go let's na!

And… one more thing, PARA ITO SA LAHAT NG PINOY!

Wala ka na

Ay wag naman

Alisin ang

Nagiisang panaginip

Alas onse na pero nakahiga pa rin si Haruno Sakura. Nakatitig siya sa kisame at nagbibilang ng butiki. Sunshine peeped in from the drawn curtains pero wala siyang balak papasukin ito sa kanyang madilim na kwarto.

Ang kanyang mala-rosas na buhok ay malagkit na at gulong-gulo. Para siyang si Sadako sa totoo lang. Hindi pa rin siya nagpapalit ng kanyang pajamas ever since... nung isang araw pa.

May rason naman kunf bakit hindi man lang naligo o nagbihis ang dalaga.

Isang napakabigat na rason.

Everyone had told her to let go. Simula pa nung una niyang idineklara sa mundo na she would never EVER love another man except him. It was futile. Masasaktan at masasaktan lamang siya.

Tama nga naman sila. Theirs was supposed to be her voice of reason.Pero kelan pa ba nakinig ang puso sa utak?

Hindi na iyon pinansin ni Sakura. Sinunod niya ang kanyang damdamin para sa lalaking hinding-hindi siya pwedeng mahalin.

Bata pa kasi si Sakura nung una niyang makilala si Uchiha Sasuke. Pero love at first sight. Unfortunately, si Sakura ang tipo ng babae na pag may minahal ay siguradong yun na ang gustong mahalin habang buhay. Ginive-up niya ang friendship nila ni Yamanaka Ino. Nagsikap siya para mapansin. Hinandog niya ang kanyang buong puso sa binata.

Everyone had shaken their heads. Wala na silang magagawa.

Pero hindi ibig sabihin nun ay sumuko na ang kanyang mga kaibigan. Hindi nagkulang sina Uzumaki Naruto at Rock Lee sa paalala... Iniintindi lamang naman nila ang magiging sitwasyon niya kapag tuluyan na ngang nawala si Sasuke... Lalo na si Naruto na nangako sa kanyang ibabalik ang kanilang kaibigan...

Sakura was grateful for that. Umalis si Sasuke sa Konoha. Pinuntahan si Orochimaru para maipagpatuloy ang pagpapalakas sa sarili. Iniwanan siya.

Na ika'y magbabalik

Nagsasamang masaya

At walang pagkukulang

Nung una inisip ni Sakura na babalik si Sasuke. Pinilit niyang pigilan ito nung gabing umalis ito sa Konoha. Sinabi niya na ang tatlong katagang naglalaman ng buhay niya in a desperate attempt to make him stay.

Pero anong ginawa ni Sasuke?

Sinuntok siya sa tiyan at saka tuluyang iniwanan. Walang salita man lang or kahit ano para ipakita kung may nadarama siya para sa kanya.

Nung nagising si Sakura noong sumunod na umaga, pakiramdam niya ay may nabiyak sa kanya. Hindi siya makapagisip o makapag-concentrate sa trabaho niya. Wala na siyang inisip kung hindi siya...

Nasaan na si Sasuke? Babalik pa ba siya? Mahal kaya niya ako?

Umasa pa rin siya. Tsunade-sama warned her not to. Wag na raw kasi lalo siyang masasaktan.

Ito ang piniling daan ni Sasuke. Isang avenger para tuluyang maipaghiganti ang kanyang angkan.

Naiintindihan ito ni Sakura. Kaya niyang maghintay hanggang matapos ang goal ni Sasuke. Susuportahan niya ito sa lahat ng gagawin. Mamahalin niya ito kahit hindi nito kayang ibalik ang pag-ibig niya.

Siguro pagkatapos nito ay mapapagbibigyan niya na ako...

Wala na rin namang panaginip si Sakura kung hindi ang mahalin at alagaan si Sasuke. Having children, cherishing their love and growing old together were her dreams. She nurtured those dreams ever since she was old enough to understand.

Pero nagbago iyon ng kaunti.

Maghihintay na siya para kay Sasuke. Aabangan niya ang kanyang pagbabalik. Baka this time ay maging masaya na sila.

At ngayong wala ka na

Hindi alam kung saan magsisimula

Ang ngayon, bukas, kailanman nagiba

Wala bang bukas

She rolled over on her stomach. Parang ang raming effort na kinailangan nun. Hindi rin siya natutulog o kumakain. Ayaw rin niya makita ang mga kaibigan niya.

Nalaman kasi niya na wala nang balak si Sasuke na bumalik sa Konoha. Nakaharap kasi ito nila Naruto at naglaban sila. Doon na napagalaman na tuluyan na ngang umalis si Sasuke sa buhay niya.

Hindi siya umiyak noong una niyang marinig ang balita at nanghihinang umuwi. But something had shattered inside her.

Apat na araw na rin ang dumaan simula noong nagkulong siya.

Himala nga't may lakas pa siya. She felt like she was dying. But indeed she was.

Nabasag na ang puso niya dahil iniwanan na siya ng kanyang nag-iisang minahal.

Ay bahala na

Ang tanging naririnig

Wala ka bang ibang masabi

Naalala niya ang usapan nila ni Naruto noong hinatid siya sa bahay.

His face contained all the rage and hurt he felt for her. Si Naruto na wala nang ibang naramdaman para sa kanya kung hindi ang parang sa isang Ate.

"Sigurado ka ba, Naruto?" she'd asked.

"Oo, wala nang balak bumalik rito ang lalaking iyon," sagot nito na bakas ang galit sa mukha "Mukhang kalaban na ang tingin niya sa bayan natin. Hindi man lang niya pinahalagahan ang ating pagkakaibigan."

She laughed hollowly.

Totoo nga naman. Friendship, love, and courage did not matter to the Sharinggan heir. Wala na siyang ibang pinaniwalaan kung hindi ang sarili.

"So, magiging ayos ka lang?" Concern was written on Naruto's face.

"Okay lang," narinig niya ang sariling sumagot. A bitter smile on her lips.

"Paano ka na?"

"Bahala na..."

Yinakap siya ni Naruto at saka pinapasok sa bahay. It was wonderful to be hugged by her friend. Pero pakiramdam niya ang kanyang pagaalinlangan nito sa kanyang kondisyon. Wala na nga rin pala siya sinabi kung hindi okay lang...

Pagkapasok niya sa kwarto, saka siya nagsimulang umiyak.

Huwag ka nang mag-alala

Iniintindi ko

Ang lungkot na ginawa mo

She loved Sasuke for as long as she could remember.Wala siyang ibang minahal kung hindi siya. Every heartbeat ached for him.

Alam naman niya na mas inuna na Sasuke ang personal na motibo. Gusto ng lalaki na ipaghiganti ang naubos na angkan at patayin ang Kuya niya. Mas importante ang pagpapalakas kesa sa personal na buhay.

Napaka-lungkot na buhay ni Sasuke. She felt his pain. Alam naman niya ang gulo sa damdamin nito at ang pagkukulang na hinihintay na punan. She thought he needed someone to love him.

So she gave.

Pero mali pala. Hindi kailangan ni Sasuke ang pagmamahal niya. Tama nga sila. Nasaktan lang siya nito.

Mahal niya si Sasuke. Kaya tatanggapin niya ito kahit masakit.

Naiintindihan niya kung bakit umalis at iniwan siya ni Sasuke. She understood before and she would still continue to understand.

Tatanggapin na lang niya.

But that did not mean na titigil siya sa pagmamahal rito.

Paulit-ulit, mananaginip

'Pag gising ko wala pa rin

Hindi maamin ilang dalangin

Wala na, wala ka, wala na

Bumangon siya.

Siguro ngayon na ang tamang panahon para gawin iyon. Narinig niya ang mga kalabog at boses ng mga kaibigan niya sa labas na pinto.

She would still dream about Sasuke. Kahit na kapag nagising siya ay hahanapin niya ito at mararanasan ang sakit.

Wala na siya.

Ngayon niya na sisimulang tanggapin iyon.

Her heart, though broken, would still beat.

Sakura tried to smile. Wala na nga.

She opened the windows. Nilasap ang init ng tanghali at pinakaramdaman ang kanyang muling pagbangon.

……………………………………………………

041406

AN no.2: Walang relation ang mga sunod-sunod na stories. Sporadic rin ang production niyan. Sana nagustuhan ninyo. XD