Disclaimer : Ang mga character na mababanggit sa storyang ito ay pagmamay-ari ni Masashi Kishimoto.

Timeline: (Manga version) after 2 1/2 years ng pag-alis ni Sasuke sa bayan ng Konoha.

Magandang araw! Sana ay magustuhan nyo ang storya kong ito. Malaya kayong makakapagpahayag ng inyong opinion. Maraming salamat po.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Isang Umaga sa maliit na tahanan...

"NARUTO!"

Bumalikwas si Naruto sa pagkakatulog nang marinig nya ang sigaw na ito. Tumingin sya sa paligid at hinanap ang taong gumising sa kanya.

"Huh?" habang kinukusot ang mga mata niya. "Ah... Ikaw pala matandang mahilig"

"Ilang beses ko ba sa iyo sasabihin na wag na wag mo akong tatawaging matadang mahilig." sabi ni Jiraiya. Nakatayo sa mula sa bintana ng kwarto ni Naruto.

"Hala! bumangon ka na dyan! baka mahuli ka pa sa unang exam." wika ni Jiraiya habang kinuyog nya si Naruto.Tumayoang binata at nagtungo sa banyo upang maghilamos.

"Anong exam?" tanong ni Naruto nang nag-umpisa na syang magsipilyo. Naupo si Jiraiya sa isang upuan malapit sa kanyang kinatatayuan at inilabas nya ng isang supot mula sa kanyang bag at inilagay nya ito sa lamesa.

"Tsk Tsk tsk... Naruto, baka nakakalimutan mo na ngayon ang unang araw ng Chunnin Exam. Tanadaan mo na sa inyong batch ay tanging ikaw na lamang ang natitirang genin." wika ng matandang hermitanyo.

Nang narinig ito ni Naruto ay saka pa lang nya naalala iyon."ANNOOO!" sigaw ni Naruto at dalidaling tinapos ang pagsisipilyo at paghihilamos. "Bakit hindi mo kaagad sa akin pinaalala iyon!"

Mabilis na kumain si Naruto at nag-ayos ng mga gamit. "Wag kang mag-alala pinalista na ni Kakashi ang pangalan mo." wika ni Jiraiya habang pinagmamasdan si Naruto na abala sa pag-aayos ng gamit.

"Ganun ba... Buti naman..." sagot ni Naruto ngunit ilang saglit lang ay tumigil sya "Kung ako na lang ang genin mula sa batch namin... hmmm...pero dapat 3 sa isang grupo...lahat na sila ay chunnin na... hmmmmm...sino na ang kagrupo ko?" Tanong ng binata sa sarili.

"Malalaman mo yan mamaya. Hinihintay ka na niKakashi saAcademy" wika ni Jiraiya. "Heto ang almusal mo." iniabot ni Jiraiya ang supot kay Naruto.

"Salamat!" sagot ni Naruto at dalidali syang tumakbo papalabas.

(Next Scene)

"Ang tagal naman ni Naruto mag-uumpisa na ang unang exam." wika ng binatang may puting mata.

"Paparating na sya. Sinundo sya ni Master Jiraiya." sagot naman ng isang lalaki habang nagbabasa ng libro ("Come Come Paradise")

Ilang saglit ay may natanaw na silang may paparating.

"Nahuli ka yata Naruto." sabi ng lalaking nagbabasa.

"Pasensya na po Sir Kakashi. Oh Neji anong ginagawa mo dito.?" bati ni Naruto sa dalawang lalaki.

"Yan ang pakay ni Neji dito." sagot ni Kakashi.

"Kailangan ko ng isa pang miyembro. At ikaw ang kukunin ko." wika ni Neji

"Huh? anong..." ito lang ang nasabi ni Naruto dahi sa pagtataka.

"Malubhang nasugatanang isa sa mga estudyante ko noong huling misyon namin kaya hindi ko na sya maisinali sa Chunnin exam." pahayag ni Neji kay Naruto.

Ilang saglit lang ay may dumating. Isang babaeng may mahaba at kulay itim na buhok at may puting mata tulad ng kay Neji at isang lalaking may malaking pagkakahawig kay Sasuke maliban na lamang sa kulay pulang (dark red) buhok.

"Paumanhin po Sir Neji kung nahuli kami. Eto kasing si Hoku ang bagal kumilos eh." wika ng isang babae.

"Ayos lang iyon. Kailangan na nating magmadali" ani ni Neji at kaagad nya silang ipinakilala."Naruto, ito ang mga estudyante ko, si Hoku at Rei.Sila ang magiging mga kagrupo mo dito sa Chunnin Exam."

"Magangdang araw po." bati ni Rei(girl)

"Hi! kinagagalak kitang makilala" bati ni Hoku(boy)

"Kamusta!" masayang pagbati ni Naruto sa mga bago nyang kasama.

Hanggang dito po muna. Sana ay magustuhan nyo. Please Read and Review!