A/N: makaka-iscore kaya to ng maraming reviews? sana nga! ...enjoy!xD

The Fruits of Normalcy

Oneshot

Magpakatotoo tayo.

Hindi kanaisnais ang kalagayan ng pamilyang Hiwatari. Ngunit sa kahit isa o dalawang pagkakataon, mabibigyan mo ang sawing pamilyang ito ng kredibilidad sa pagiging tao nga naman.

Kamakailan lang ay nakaranas si Kai ng isang matinding bigo sa pag-ibig. Ang kanyang tatay ay hindi mapagkunan ng tulong, lalo na ang kanyang ina. Ang kanyang mga team mates ay mabuti pang iwanan sa dilim, sa dahilang baka makalala pa ng problema. Ang Blitzkrieg? ...sila na nga ang eka nga 'root cause' ng buong kaguluhan.

Sa kagustuhang makamit ang kaginhawaan, binisita ni Kai ang kanyang lolong si Voltaire sa kulungan niya. Siguro naman ay kahit isang psychotic mastermind man ito, ay makakabigay pa rin siya ng payo bilang isang lolo sa kanyang apo.

Naupo ang binata sa silyang inilaan sa mga bisita ng mga bilanggo. Naghintay siya ng may katagalan sa pagdating ni Voltaire. Pumaligid ang tensyon sa sandaling pumasok ang matanda sa silid.

"Ano ang pakay mo, Kai ?" wika niya ng may pag-iimbot. "Nais mo pang makita akong sawi?"

Ang kanyang apo ay nakatungo. "Hindi naman sa ganoon, 'lo. May itatanong lang po sana ako sa inyo...walang kinalaman sa beyblade o anuman."

Hindi tumugon si Voltaire ng ilang sandali. "Ano yon?"

Tumingala si Kai upang matingnan ang kanyang lolo sa mata. "Masakit po ba talaga ang magmahal ng lubos ?"

Hindi natin maitatanggi na mayroong edad na ang psychotic mastermind na ito. Dala ng edad ang mga kumplikasyon sa katawan tulad ng kahinaan ng atay, mata, baga, puso, pandinig at iba pa.

Hindi rin katakataka nang sumimangot ang kausap ng binata. "Kai, rich tayo...ayos lang kahit magmahal ang pulbos..."

END

A/N: ...WALA LANG!!XDD ...enjoy!xD and ciAo...