Sup, mga kaberks, countrymen! Review ha! Yung hindi makaintindi may english version nito, punta nalang kayo sa profile ko! Sana magustuhan niyo!


Hanggang Tingin Na Lang

Taon, hindi ba, nang simula kitang magustuhan?

Ikaw, para sa akin, isang pagnanasa lamang.

At sa panaginip ay kung saan ikaw at ako

Ay iisa ang puso.

Mula sa pagsikat ng araw,

Ikaw ang nasa isip kong lagi

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko

Kapag ikaw ay malapit lang sa tabi ko.

Binigyang kulay mo ang aking mundo,

Mga bahaghari at mga ngiti iyong dala!

Napakaganda nitong makita.

Panaginip, kung ikaw ay isa,

Ang hindi na magising ay aking nasa.

Ngunit dahil hindi tayo nakatira sa mundo ng realidad

Ang dapat kong gawin bitiwan ka at lumayo.

Nahuhulog ako, noong una,

Ngayon, alam kong basag ang aking puso.

Sa kamay ng iba, nakikita kitang masaya,

Kung gayon, ang kasiyahang ramdam mo,

Ramdam ko na rin.

Samakatuwid, kailangan ko nang bumitiw

At kalimutan anumang nararamdaman ko para sa iyo.

Mahalin ka nang patago ang aking pinili,

Dahil, nang mahalin ka nang patago,

Walang ibang magmamahal at hahawak sa iyo

Kundi ako.


Review review maraming salamat po!