Nasaan ako?
~ ~ ~ Summer, isa sa pinaka gusto kong season. Bakit? una, malayo-layo ka sa eskwelahan kung saan nagaganap ang pinakanakakatakot na bangungot. Pangalawa, dahil makakapag-relax ka mula sa paghihirap mula nung 1st Sem. hanggang sa last Sem. Pangatlo, Makakapanood ka na ng mga paborito mong palabas sa TV (lalong-lalo na ang mga anime-block sa lahat ng local tv stations). Pang-apat ay- "Hoy! anung dinadrama mo jan anak?! Hala tanghali na! Bilisan mo at maghugas ka na ng mga plato!"
meh, siya nga pala, Summer din ang pinaka ayaw kong season, dahil dito malakas ang expectations vs. reality. Yung bang ine-expect mong nagpa-parteh parteh ka pero in reality, (you be like,) Ano pa pong ipapagawa nyo nanay-sama [insert sebastian michaleis (from Kuroshitsuji)]. Hay nako... well bago natin ipag-patuloy ang ika-apat na dahilan kung bakit gusto ko ang summer, maghuhugas muna ako ng plato.
.
.
.
Okay... phew, eto na ang aking ikaapat na kadahilanan kung bakit masaya ang summer... dahil... MAKAKALARO AKO NG MGA RPG GAMES NG HINDI NAG-AALALA TUNGKOL SA GRADES!
well since bakasyon at wala nang ini-uutos ang aking Nanay-sama... panahon na para bilhin ang kaka-release lang na RPG Game sa bayang ito... ang = Sword Art Online a.k.a SAO sa paborito ko cybershop!
(10 minutes later)
Yo! kuya Jinta! Ate Tsuruko! meron na ba kayo nung latest game?
Jinta: ah yung new version ng nokemon? yung Nokemon: White Gold and Black Blue?
Hindi yun, yung SAO yung tinutukoy ko...
Jinta: ah yung bagong rpg game... pero Japanese palang language nun...
Okay lang po yun!
Jinta: okay :/
Ilang saglit lang ay napasakin na ang mahiwagang game na ito! Finally!... teka? 7.50 nalang yung ariel keyboard? hayaan mo na... gumagana pa naman yung keyboard ng PC ko.
Jinta: Oy... wait lang ?a! (censored yung name ko ahahaha! tama sinadya yan nung Author dahil sa last chapter ire-reveal yung pangalan ko :D) , Paano mo malalaro yan kung wala kang nerve gear?
Nagpabili po ako ng Nerve Gear sa Tito ko kasama nung Oculus kaya ok lang :D Jinta: ah ok... pero alahanin mo... kung may napansin kang kakaiba sa game... mag log-out ka na...
Ha? Bakit naman?
Jinta: Kase mawawala yung log-out button!
Weh? sino nagsabi sayo?
Jinta: Si Kirito! Ha?! yung gold medalist sa SAO dun sa Japan? yung astig na beta tester?
Jinta: oo siya nga!
