Chapter 1: Library Freaks
ni: Mary Sue
"Pseudo-relationships- no commitments involved for the simplest reason that they couldn't commit because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit. Ang maganda doon, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw mo. Iyong merong kang ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti ka dahil alam mong galing sa kaniya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, pwede na itong pagtiyagaan…"
Hook na hook ako sa aking binabasang magazine tungkol sa relationship. Katulad ng ibang tipikal na high school student, isa rin ako sa mga hopeless romantic na nananaginip ng gising na sana may cute na magkagusto at manligaw sa akin. Ang ganda talaga ng magazine na ito at kung pwede lang itakas sa library ay ginawa ko na. Magtatakip silim na at mukhang di ko matatapos ang aking binabasa nang biglang may naramdaman ako na may papalapit sa aking kinauupuan. Hindi na ako nag-effort lumingon kung sino ang paparating dahil pamilyar sa akin ang amoy ng pabangong taglay ng nilalang na iyon.
Wrong timing talaga ang lalaking ito. Kung kailan nagsisimula na akong mag-emote saka naman biglang magpapakita sa akin. Sumulyap lamang siya sa akin at nagsimulang tumingin ng libro na kaniyang hihiramin at paniguradong mimeriendahin mamayang gabi bago siya matulog. Huwag mong isiping isa siyang bookworm, hindi naman talaga niya literal na kakainin ang libro. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng artikulo tungkol sa pseudo-relationship at di katagalan ay tumabi siya sa akin at inilapag sa lamesa ang libro na kaniyang napiling hiramin.
"Pseudo-relationship.." bigla niyang winika.
Nagulat ako na kahit pala malabo ang mata ng lalaking iyon ay kaya niya pang magbasa ng medyo malayo. Isinara ko agad ang magazine na aking binabasa at inilayo sa kaniya.
"Bakit may problema ka sa binabasa ko? Ha? Ha? Ha?" tanong ko sa kaniya at saka ko ibinalik ang aking binabasa sa magazine rack. Nakakainis talaga siya. Mahirap bang unawain na babae ako at normal lang sa akin na magbasa ng mga artikulo tungkol sa love. Matapos kong ibalik ang magazine, lumapit ako sa kaniya at tinanong kung balak pa ba niyang magtagal sa library.
"Pauwi na rin ako, hihiramin ko lang ito," tugon niya sa akin at pumunta sa librarian para hiramin ang libro.
Hinintay ko siya sa pinto ng library habang iniisip isip ko pa rin ang terminolohiyang pseudo-relationship. Bakit ba kasi may mga bagay-bagay na mahirap ipaliwanag? Di katagalan ay lumabas na rin siya sa library at sabay kaming naglakad papalabas ng Seishun Gakuen.
"Kunimitsu, pupunta muna ako sa convenient store, mauna ka nang umuwi." paalam ko sa kaniya. Tumango lamang siya at sinabing mag-ingat daw ako sa pag-uwi. Matapos noon ay tumawid ako sa kabilang kalsada kung saan naroon ang convenient store. Sa totoo lang, wala naman talaga akong bibilhin. Alibi ko lang iyon para di ko siya makasabay. Gusto ko na rin kasi siyang iwasan.
"What if you fall deeply in love with him? You can't be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can't. Because you're not sure if he'll like it. Baka mapahiya ka lang."
Medyo nagpalipas ako ng oras kaiikot sa loob ng convenient store. Halos makabisado ko na nga ang price tag ng lahat ng paninda. Pahimig-himig pa akong lumabas ng convenient store ngunit nagulat ako nang makita ko si Kunimitsu na naghihintay sa akin sa labas. Adik talaga ang lalaki na yun, ang hirap gumawa ng palusot sa kaniya. Di niya ba alam na ang hirap ng nararamdaman ko? Hindi naman kasi ako insensitive na tulad niya. Hindi ba niya alam na ang hirap magtago at maglihim sa libu-libong fan girls niya at lalong mas mahirap sagutin ang tanong na ,"Ano ang relasyon mo kay Tezuka my love?" with matching iyak at nakakabinging squeal ng mga fan girls.
"Bakit mo pa ako hinintay?" trying to project na paimportante ang aking drama.
"May naalala kasi ako sa iyong ibigay," tugon niya at saka binuksan ang kaniyang tennis bag at kinuha ang English notebook ko na hiniram niya kanina dahil may inattendan siyang meeting kasama ang mga tennis captain ng ibang eskwelahan dito sa Tokyo.
Kinuha ko ang notebook ko at pabirong sinabi na hindi libre ang magpahiram ng notebook saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Katulad ng dati, sabay nanaman kaming umuwi. Sa totoo lang hindi ako sigurado kung may nakakaalam na tennis regular o mga fan girl na close kami ni Kunimitsu. Masiyado rin kasi akong maingat na walang makaalam na lagi kaming magkasama. Sa school, casual lang kaming mag-usap lalo na sa student council. Ako kasi ang vice-president ng council at iyon ang pinakaperpektong alibi na pwede kong idahilan kung sakaling may magtanong sa akin kung bakit ko kausap o kasama si Kunimitsu.
Nakarating na kami sa harap ng bahay ko at nagpaalam na siya na umuwi. Hindi na ito bago, lagi naman niya iyong ginagawa ngunit sa paglipas ng panahon wari ba'y lagi ko nalang nararamdaman ang pinaghalong saya at kalungkutan. Masaya kasi sinasabayan niya ako pauwi ng bahay at malungkot kasi ibig sabihin maghihintay ulit ako na mag-umaga upang makita ko siya ulit sa paaralan. Pagpasok ko sa gate, diretso agad ako sa aking kwarto at ikinandado ko ang pinto; mahirap nang may makakita na kinikilig ako habang pakanta-kanta ng "You Belong with Me" habang nakaharap sa salamin at ginagawang mike ang suklay.
Jologs na kung jologs, wala namang nakakaalam na ganito ang pinaggagagawa ko kapag walang nakakakita sa akin. Sa school kasi ay bait-baitan effect ako. Dalawang lugar lang ang aking pinupuntahan kapag walang klase, sa library o student council. Hindi naman ako mahilig sa sports at walang dating sa akin ang tennis club kahit na sabihin pang si Kunimitsu ang captain nila. Minsan, sinabihan niya akong mag-aral maglaro ng tennis at sumali sa girl's club pero sabi ko ayoko. Hindi naman porque at love niya ang tennis ay kailangang love ko na rin yun. Isa pa, pag-initan pa ako ng malditang captain ng girl's tennis club
Matapos ang aking ritwal na pagkanta, bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina. Kasalukuyang nagluluto si kachan ng hapunan kaya pinanood ko siya. Lumilipad nanaman ang aking isipan at bahagyang napapangiti pa ako
"Bigyan ko kaya ng bento si Kunimitsu bukas." Wika ko sa aking sarili at saka ako nagtanong kay kachan kung may palos pa ban a naka-stock sa ref; iyon kasi ang pangunahing sangkap sa paggawa ng unacha. Tinanong ako ni kachan kung aanhin ko daw iyon. Ang sabi ko'y gusto ko lang magbaon ng tanghalian bukas ngunit hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Tumigil siya sa paghalo ng kanyang niluluto at humarap sa akin
"Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo… boyfriend mo ba si Tezuka-kun?"
Awtor's Note: Sa site na ito ko kinuha ang meaning ng pseudo-relationship:
h t t p : /lovestoryblog . com/index. php?option =com_myblog&show=pseudo-relationship . html &Itemid=30
my favorite blog defining the 3 kinds of pseudo-bf (http : /dearfuturehubby . com/2010/06/01/peace-out-pseudo-boyfriend/
