A/N: I've got a stash so I'm just typing whenever…

Kanopiya

Oneshot

"Maniniwala ka bang tumunganga ako dito ng isa't kalahating oras na walang nasusulat?"

Itinaas ni Hiroki ang kanyang kilay. "At ano naman ang itinunganga mo?"

Walang itinugon si Ahkihiko at tumingala lamang sa kanopiya ng dahon, kulay at kakaibang ganda na umakit sa dalawang magkaibigan mahigit apat na taon nang nakalilipas buhat noong una silang nagkita sa bakuran ng mga Usami.

Panandalian nilang pinagmasdan ang akit ng tanawin bago namataan ni Hiroki ang dalawampu't dalawang kwaderno ng mga kwentong hindi pa niya nababasa dahil doon lang niya nakita.

Tinitigan niya si Ahkihikong nawiwili parin sa puno. "Loko. Paano kaya ako maniniwala sa'yo?"

END