Ito ang unang pagkakataon ko na magsulat ng fanfic gamit ang aking sariling wika. Kaya pasensya na kung 'di siya ganong maganda. :) Ang original na tulang ito ay nasa wikang Ingles, 'Love Unreturned', kung saan labis na nalungkot si Legolas nang nagpakasal si Aragorn kay Arwen. Pag-aari ni J.R.R. Tolkien ang Lord of the Rings; hiniram ko lang ang mga tauhan para sa tulang ito!

Sawing Pag-ibig

isnulat at isinalin sa Filipino ni Nefertili

Sa lahat ng taong lumipas, minahal kita,
Ngunit sinong nakarining ng aking hinaing?
Sino ang nagkapusong masdan ako,
Nang ako'y napaluhod, nasaktan?
Kasalanan ko ba?
Kasalanan ko bang hindi mo nalaman,
Na sa puso ko ay may pag-ibig para sa 'yo,
Sa 'yo at sa 'yo lamang?

Nakita kong may kasama kang iba,
At paano nabiyak ang puso ko!
Pakinggan, pakinggan mo ako,
Bigyan mo ako ng pagkakataon!
Ngunit sinong nakarining ng aking hinaing?
Hindi ako nabigyan ng pagkakataon,
'Di mo ako nakitang lumayo,
Sa pagdaloy ng mga luhang mapait.

Napadpad ako sa baybayin,
Baybayin ng dagat na matagal nang humihila
Sa puso kong masakit...
Ngayon ay sadyang nawawatak na.
Ang hangin ay dumaloy sa aking buhok,
At napuno ang aking mukha
Nang labis na kalungkutan,
Na hindi ko kayang matagalan.

Itinaas ko ang aking mga kamay,
At sa isang mabilis na pagtalon,
Ang katawan kong masakit,
Ay nilamon ng lamig ng dagat.
Naramdaman ko ang malamig niyang yakap,
Hinatak niya ako sa kalaliman.
Sa panghabangbuhay ay pinikit, aking mga mata,
At sinakripisyo ang aking buhay at lahat ng grasya.

Nalaya ang aking kaluluwa,
Sa katawang nasaktan ng kalungkutan,
Ngunit maaalala mo ba ako,
Akong minahal ka nang walang hangganan?

Maaalala mo ba ako,
Akong minahal ka nang walang hangganan?

...o0o...

Tumatanggap ako ng Constructive Criticisms, kaso pakiusap lang po, 'WAG NIYO AKONG BIGYAN NG FLAMES! Hindi ako isang experto sa pagsalin ng Ingles sa Filipino, kaya pasensya na po! o/o'