Genie ka ba?

Hindi noh !

Multo?

Hoy mukha ba akong multo?

Eh ano ka nga?!

Tanong ng isang lalaki sa isang nilalang na may pakpak sa harap niya habang kumakamot ng ulo.

"Di ba nga sabi ko sa'yo isa akong anghel at nandito ako para tulungan ka sapanliligaw mo kay Tiffany."

Laking gulat ng lalaki pagkasabi ng anghel tungkol dito.

"Ha ?! Teka paano mo nalaman ang tungkol dun?!"

"Hihi, sabihin na nating parang makulit na guardian angel mo ako kaya alam ko kung gaano mo siya kagusto at alam ko din na elementary pa lang ay sobrang crush mo na siya kaya lang sooobrang torpe mo sa panliligaw sa kanya!"

Wala nang nagawa ang lalaki kundi maniwala sa mga sinasabi ng anghel dahil yun talaga ang katotohanan kahit na nagtataka siya.

"Oh siya hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si SUZY, at your service!"wika ng anghel habang nakangiti.

"Hai sige na nga maniniwala na ako ang dami mong alam eh, ako nga pala si ja-"

"JASON !" biglang sabat ni suzy.

" Oo nga pala isa ka nga pa lang anghel na nangiistalk sakin kaya kilala mo na ako."

"hoy anong nagsstalk ?! excuse me ha!"

"Oh sige na kung wala ka ng sasabihin bukas na lang ulit matutulog muna ako at aasa na nananaginip lang ako at pag-gising ko bukas ay wala na ang makulit na anghel na kausap ko ngayon."

Babalik na sana sa pagkakahiga si jason ngunit kinukulit siya ni Suzy na magkwento tungkol sa kung paano niya nagustuhan si tiffany.

"Ano pa bang ikukwento ko sayo? di ba alam mo na ang lahat tungkol sa'kin ?"

"Hoy hindi naman lahat, siyempre hindi ko naman alam kung bakit siya yung type mo kasi alam ko lang mga ikinikilos mo pero ang iniisip mo siyempre hindi ko na basa yun saka nagsimula lang naman kitang bantayan noong nama-"

"Ha?"

"Wala nevermind..sige na magkwento ka na daliii !"

At wala ng nagawa si Jason kundi magkwento. Sinabi niya na nagustuhan niya si Tiffany unang una dahil cute siya at gusto ni Jason ang pagiging masayahin nito at sa pagiging mahiyain niya kapag kumakausap siya ng boys.

"Ayee! Ang cheesy mo boy! Umamin ka na?"

"Ha?! sira ka ba! siyempre hindi saka natatakot ako baka hindi niya ako gusto kasi hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil nga una mahiyain siyang makipagusap sa mga lalaki, pangalawa hindi kami ganon kaclose at pangatlo masyado siyang focus sa pag-aaral."

"Hihi , akala mo lang yun!"

"Ha? paano mo naman nasabi yun?"

"Basta secret muna sa ngayon! Ai teka di ba mahilig ka sa k-pop?"

"Oo , kami ng bestfriend kong si TOP, minsan nga napapagkamalan na kaming bading o kaya weirdo sa pagiging fan namin ng SNSD eh, bakit mo naman naitanong ?"

"Hihi, wala lang!"

"Hai nako bahala ka na nga diyan matutulog na ako at may pasok pa ako bukas pucha ka dinaldal mo ako."

"Hihi sige good night"

to be continued...