Ikaw at Hindi Siya…

Disclaimer: I don't own Naruto…

Chapter 1- Bagong Friends…

"Sasuke! Hintayin mo naman ako!!!" sigaw ng isang lalaking blondie na parang wala ng bukas. "Sinabing antay eh!" dagdag nito.

"Walanjo naman oh… Ang bagal mo kasi kulugo!" sagot naman ng lalaking itim ang buhok na sobra naman ang bilis ng lakad na parang wala na ding bukas.

"Ang bilis mo kasi! Eh hindi pa naman tayo late alam mo ba yun?!"

Huminto at humarap kay Naruto si Sasuke. "Anong hindi ang pinagsasasabi mo? Tsong, alas siyete ng UMAGA ang klase natin at hindi alas siyete ng GABI! Ang bagal mo kasing kumilos. Nagpagising gising ka pa diyan sa amin nila Neji puro ka 'sandali, gigising na…' eh kung sapatusin kaya kita dyan ha Naruto!?" sabi nito at pinagpatuloy ang kanyang wala-ng-bukas na paglalakad.

"Eto naman oh, ang ganda kasi ng panaginip ko. Eh kung ikaw kaya magkaroon ng ganito kagandang panaginip, sa tingin mo gigising ka kaagad ha?? Ha Sasuke-teme!!???" sigaw ni Naruto habang hinahabol pa din si Sasuke.

"Ano ba naman kasi yang panaginip mo??"

"Ha? Ah… Yun?? Eh… nakalimutan ko na eh…" bungisngis na sagot ni Naruto habang kinakamot ang ulo.

"Eh kung tagain na lang kaya kita dyan! Sana hindi ka na nagising kulugo! Late na tayo dahil sayo!!" sagot ni Sasuke at biglang kumaripas na ng takbo.

"Hintay!!! Anak ng butete naman oh!" at agad na din kumaripas ng takbo si Naruto.

Na late nga sa klase sina Sasuke at Naruto ng 15 minuto sabi ng orasan ng school.. Ngunit, pagpasok nila, nagulat sila dahil hindi pa nagsisimula ang kanilang klase. Bigla na lang binatukan ni Sasuke si Naruto.

"OOOOOOOUUUUUUUUCCCCCHHHH!!! #$&!! Sasuke, ano ba problema mo?? Ang sakit nun!! Sapakan na lang ano???" sigaw nito habang hinihimas ang bukol na biglang tumubo sa kanyang ulo.

"$& Naruto… Nakalimutan ko, si Sir Kakashi nga pala teacher natin ngaung umaga. Hindi ba at lagging late yun?!" sabi ni Sasuke habang kinakamot ang ulo at papalayo sa nag-iinit ng Naruto.

Dumilim ang paligid ni Naruto at wala na siyang ibang hinangad kundi ang mapatay si Sasuke.

"SASUKE-TEME!!!" at hinabol niya si Sasuke sa buong classroom.

"Hoooy… kayong dalawang naghahabulan. Tama na yan. Laro na lang tayo ng cards." Sabi ng isang lalaking nakaupo na parang tamad na tamad na sa kanyang buhay na ang pangalan ay Nara Shikamaru.

"Oo nga Naruto, tama na yan. Hindi ka pa nasanay kay Sasuke." Dagdag ng isang naman na lalaking halos bulag na ata dahil sa pagkaputi-puti ng kanyang mga mata. Siya si Hyuuga Neji.

"EH KUNG KAYONG DALAWA ANG SUNTUKIN KO DYAN HA SHIKA! NEJI!" sigaw ni Naruto sa dalawa.

"Eto naman hindi na mabiro. Sige pagpatuloy mo ang paghahabol kay Sasuke." Sabi ni Shika habang ngumiti kay Sasuke.

"Ah basta! Maglaro na tayo. Tara!!" yaya ni Neji.

Binigyan ni Naruto si Sasuke ng death glare at salamat sa Diyos, humupa na din ang unos sa ulo ni Naruto. Umupo na sila at naglaro ng cards. Pagkalipas ng ilang minuto…

"NANALO AKO!!" sigaw ni Shikamaru at biglang BOOM! Sakto sa mukha niya ang eraser ng blackboard.

"Nara Shikamaru… Ang aga aga ang ingay mo. Hindi ka na nahiya." Malumanay na sabi ni Kakashi, ang kanilang SOOOPEEER DOOOPEEER AGA na teacher.

"Sir, late nanaman kayo!" sabi ng isa nilang kaklase.

"Well, it's not a surprise…" dagdag ni Neji.

"Eh kasi class…" paliwanag ni Kakashi.

"Oooooppppssss…. Wag na kayo magasalita… alam na naming yan…" sabi naman ni Sasuke habang nakatingin sa bintana.

"Oh siya sige sige… bago ang lahat, mayroon nga pla kayong mga bagong kaklase. Pasok na kayo…"

Bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok ang apat na babae at pumunta sa harapan. Lahat ng mga lalaki ay nakatunganga sa kanila maliban sa barkadang Sasu-Naru-Neji-Shika. Sila ay busy nanaman sa paglalaro ng cards. Ulit, may lumipad na eraser sa kanila. Hindi lang kay Shikamaru kundi sa kanilang apat. Pero nakailag sila Sasuke, Shikamaru at Neji at sa kasamaang palad, natamaan si Naruto. Biglang may tumubong napakalaking bukol sa ulo nito.

"ARAAAAY!!! Kanina pa ako na totorture dito ha… &$ naman oh…" sabi niya habang hinihimas ang bukol na nakaumbok.

Natawa ang buong klase lalo na ang isa sa mga bago nilang kaklase na may puting mata na katulad kay Neji.

Bigla na lang may sumigaw…

"HINATA?! Bakit ka nandito??" gulat na gulat na sabi ni Neji sa babaeng namumula.

"K-K-Kuya N-Neji? H-hindi mo p-p-pa ba alam? Dito na a-ako mag-aaral…" sabi ni Hinata na pulang pula na at halos muka na siyang dugo na tinubuan ng tao.

"Nalimutan ko sabihin sayo ito Neji. Ang pinsan mong si Hinata ay dito na mag-aaral." Sabi ni Kakashi habang binabasa nanaman ang kanyang mahiwagang libro.

"Pinsan mo pala siya? Kaya pala magkaparehas kayo ng mata. Para kayong bulag." Biro ni Shikamaru kay Neji na halos hamabalusin na siya ng hawak na bag.

"Pakilala niyo na ang mga sarili niyo para tayo ay makapagsimula." Sabi ni Kakashi sa apat na babae.

Nagsimula ang babaeng may mahaba at dilaw na buhok.

"Hi! Ako nga pala si Yamanaka Ino."

Sumunod na nagpakilala ay si…

"Hello po… ako nga pala si Ten ten." Sabi ng isnag babaeng brown ang buhok na nakatali na parang may dalawang siopao siya sa ulo.

"Uhhmmm.. H-H-Hi… A-Ako p-po si Hinata Hyuuga."

"Nanginginig pinsan mo… baka ma stroke…" bulong ni Sasuke kay Neji.

"Lagi naman eh… walang pinagbago…" sagot naman nito.

At ang huling nagpakilala ay si…

"Hi, ako si Haruno Sakura." Sabi ng isang babaeng pink ang buhok at may emerald-like eyes.

Pagkatapos nilang magpakilala ay pinaupo na sila ni Kakashi sa kanilang mga upuan. Sayang at walang bakanteng 4 na upuang magkakatabi kaya sila'y pinaupo sa iba't ibang upuan. Nakatabi ni Ino si Shikamaru at si Hinata naman sa tabi ni Sasuke. Si Tenten ay naupo sa tabi ni Naruto samantalang si Sakura ay sa tabi ni Neji.

Nagsimula ng mag lecture si Kakashi.

Tinapik ni Naruto ang kayang katabi.

"Hi… ako si Uzumaki Naruto. Tenten tama?"

"Oo… ako si Tenten. Hi Naruto, it's nice to meet you." Bati naman ni Tenten.

"Saang school ka galing?"

"Sa Suna Elementary School. Kaming apat ay galing dun."

"Oh?? So ibig mong sabihin matagal na kayo magkakakilala??" gulat na tanong ni Naruto.

"Ganun na nga!" ngiti naman ni Tenten.

"Ah… ayon… uhmm… gusto niyo sumabay sa aming apat mamaya? Para mai-tour naman naming kayo dito sa Konoha Academy."

"Nakana! Ang bait mo ha… Sige, sabihin ko sa kanila mamaya." Masayang sagot naman ni Tenten.

Sa kabilang row naman…

"Hi! Ako nga ulit si Yamanaka Ino. Eh ikaw?" bati niya sa kanyang pineapple haired na katabi.

Hindi sumasagot ang pinya.

"Hello??" sabi ulit ni Ino sa katabi niyang malayo ang tingin.

"Hoooy… bingi ka ba?!?" naiirita nang sabi ni Ino.

Buti na lang a natapos din ang paglalakbay ng utak ni Shikamaru at sa wakas hinarap din si Ino.

"Hi… ako nga pala si Nara Shikamaru. Eh ikaw?" nakangiti pang tanong nito kay Ino.

Nairita na si Ino at humarap na lang sa nagtuturong si Kakashi. Nagtaka si Shikamaru kung bakit hindi siya sinagot eh ang ganda naman ng pagkakabati niya. Humarap na rin siya at nakinig sa lecture.

Sa kabilang side ng classroom…

"Pinsan ka pala ni Neji…" bati ni Sasuke kay Hinata.

"Opo… Hinata pangalan ko… eh kaw?" (tanggalin ko muna ung panginginig effects ni Hinata… tintamad ako mag type ng mga effects na iyon… hehe…)

"Wag mo nga ako i-po. Ako si Uchiha Sasuke. Kabarkada ko yung pinsan mo."

"Ah… buti naman PO…" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi ng may marinig siyang 'hn' kasy Sasuke.

"Ay… buti naman at may kaibigan siyang katulad mo Sasuke… mukha ka namang mabait."

"Mabait naman ako… wag ka mag-alala…"

Sa may bandang harap naman…

"Heeey... ako nga pala si Hyuuga Neji. Pinsan ni Hinata." Pakilala ni Neji sa pink haired girl na si Sakura.

"Alam ko… kinukwento ka madalas sa amin ni Hinata eh…" sagot naman ni Sakura.

"Talaga? Wow… sikat na ako… sheeeet…"

"Wag ka nga mayabang. Sipain kita dyan eh…" pabiro na sabi ni Sakura.

"Anyway, want to join us later for lunch? Sabay sabay na tayo… pakilala kita sa mga friends ko…" sabi ni Neji.

"Wow, pa English english ka pa dyan ha…"

"Nose bleed yun pare…" Sabi ni Neji at tumawa silang dalawa.

Nagustuhan nyo ba? This is my very first fanfic... sana light sa mga reviews... hehe... anyway, ano kaya mangyayari sa mga ito? next chap is up! ..cysuke