Title -Sana Maintindihan Mo-

Rating -T-

Chapter 1 -Paano na ito?-

Disclaimer -Hindi sa akin ang Shugo Chara, at ang mga karakter niya. Peach-Pit ang may ari nito.-

beatrycze-chan's note -'Di ko alam kung gaano kahaba ang storya nito. Grabeng hirap magsulat ng storya . . . Basta gusto ko lang naman subukan ang magsulat, LOL. Ang sakit na ng ulo ko sa kaka-type ng Tagalog na storya. *got shot*-


Anung mangyayari kung isang araw, malaman ni Amu-Chan na lalaki talaga ako? Na parehas na ako si Nagihiko at si Nadeshiko? Paano ko masasabi sa kanya ang katotohanan . . . Sana maintindihan mo kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Pakinggan mo sana ang hiling ko, Amu-Chan! . . .


Ninenerbyos ako.

Pinagpapawisan ako.

Ang buong katawan ko ay parang bato.

Kailangan kong sabihin sa kanya ang katotohanan.

Kailangan niyang malaman!

"A-Amu-Chan . . .?" Nanginginig ang boses ko. Tsk, masama ito. Kailangang maging matatag parin ako.

"Hai?" Ang sagot ni Amu, tiningnan niya ako ng parang hindi niya ako maintindihan. Siyempre naman, hindi! Malalaman ba niya kung ano ang nadarama ko tungkol sa kasalukuyan ko ngayon?

"Anong . . . Anong gagawin mo . . . kung isang araw, hindi na bumalik si Nadeshiko?" Parang natusok ng karayom ang aking dibdib noong sinabi ko yan. Pinagmasdan ko ang itsura ni Amu-Chan, at nakita na gulat na gulat siya. Kailangan mong maintindihan kung ano ang nangyayari!

"Ba-Bakit mo sinabi yan . . .? Nagbibiro ka, hindi ba, Nagihiko?" Takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Pero, hindi ako nagsisinungalin sa mga sinasabi ko.

"Gusto ko lang malaman kung anung gagawin mo sa sitwasyon na iyun."

"Syempre, iiyak ako dahil hindi ko na siya muling makikita. Napakalungkot isipan na mangyayari ang bagay na yan . . ."

"At? Paano naman kung mawala ako . . .? At paano naman kung bumalik si Nadeshiko, ako naman ang mawawala?"

"Anong ibig mong sabihin?!" Nanlaki ang mga mata niya. Lumuluha siya, at nanginginig rin ang kanyang katawan.

"Dahil . . ."

Kailangan kong maging matatag!

"Dahil . . ."

'Wag kang susuko, Nagi!

"Dahil . . ."

Tibayan ang luoban mo, Nagi. Hindi naman ito ang huling araw na magkikita kayo.

Heh, para akong tanga . . . Ito na ang huling araw na magkikita kaming dalawa.

Amu-Chan, sana maintindihan mo kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito.

"Dahil si Nadeshiko at ako, ay iisa!" Isinigaw ko, at napansin ko na nanigas si Amu-Chan sa kinatatayuan niya.

"Nag . . . Nagsisinungaling ka lang!" Ang iyak ni Amu-Chan.

"Hindi ako nagsisinungaling . . ."

"Kung ganun, bakit?! Bakit hindi mo sinabi sa akin nung una pa lamang??!"

"Sa tingin mo, maniniwala ka sa mga sinasabi ko?!" Naramdaman ko na lumuluha na ang aking mga mata.

Umiiyak ako . . .?

"Nagihiko . . .?" Nanlambot ang mga mata niya sa akin. "So-Sorry ha . . . Siguradong may dahilan kung bakit mo ginawa ito. Ngunit, hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano yun . . ."

"Mahirap sabihin ang mismong mga salitang ito, kasi ako ay . . . Ma-Mahal ki-kita." Umiinit ang aking pisngi, at doon ko nalaman na namumula ako.

Tumingin ako sa itaas, para makita ang kanyang magandang mata. Nakita ko na parehas lang ang naging reaksyon namin.

"Pero, ito na ang huling araw na magkikita tayong dalawa."

"Heh?! A-Anong ibig mong sabihin, Nagihiko?"

"Bukas . . . Bukas, lilipat ako ng ibang bansa para mag-aral sa pangarap ko."

"Kung ganun . . .?"

"Ngunit, sigurado ako na balang araw, magkikitang mulit tayo, hindi ba, Amu-Chan?" Ngumiti ako para sa kanya at nakita ko na ibinalik rin niya sa akin ang ngiting iyon.

"Pangako?"

"Pangako 'yan."

Magkikita tayong muli, balang araw . . .


beatrycze-chan's note -Hirap . . . Uber hirap siya . . . Ingles nalang talaga ako! TT^TT-