Unang Yugto

"Kinomoto, selyohan mo na!" ang mabilis na sabi ni Li kay Kinomoto.

Tumango si Kinomoto, sabay sabing "Sige, ako na ang bahala!"

Nang na-ikulong na niya ito sa baraha ay agad niyang nilapitan si Li, "Ayos ka lang ba, Li?" ang agad niyang tanong.

Biglang namula si Li na umiiwas na mapatingin kay Kinomoto. "Ha, ah... eh... oo... "di naman ako masyadong nasaktan. Salamat."

Ang di nila alam ay kanina pa kumikislap sa kilig ang mga mata ni Tomoyo habang kinukunana sila ng Video. "Ang cute niyo talagang dalawa..." ang kanyang naging komento na ikinatigas ng dalawa.

"Tumingin kayo doon!" ang biglang sigaw ni Kero sa kanila.

Sa hindi kalayuan ay may unti-untig lumitaw mula sa kawalan. Lumaki ito hanggang sa may lumabas na mga tao. Natigilan na lamang sila nang namukhaan nila ang dalawa sa apat na tao.