Story 1: Ang Simula
Nagsimula ang ating kwento sa isang tahimik ngunit medyo maingay na bayan ng Izlude sa "Swordsman Academy" kung saan ang ating bida na si claudekenni (Claude) ay pumasa sa exam at natupad ang kanyang pangarap na maging isang "Swordie". Pagkalabas niya mula sa Academy ay nanibagosiya sa kanyang pakiramdam. Tila, tumaas ang kanyang HP at SP ng bahagya, at ito ay nagpasigla sa ating bida. Pumatungo siya ngayon sa Armory kung saan sangkatutak ang mga namamalagi na mga Merchants, kapwa Swordies at kung anu- ano pang nga uri ng tao. Ilang minuto pa ay nakabili na ang ating bida ng isang blade, sandals, guard at adventurer's suit.
Lumabas na ang ating bida sa Prontera Fields upang makapag-level up ng konti. Nagtaka siya sa mga bagong lakas na nakuha niya. Agad niyang sinugod ang mga nagkalatang mga poring, lunatic, at mga roda frogs. Naalala agad ni Claude na kailangan na iuna muna ang vit above all the rest at kahit level one muna na bash at level 5 na HP recovery ay sapat na (sa ngayon). Nang matutunan ni Claude ang "Bash" ay agad niya itong inilagay sa F12 (quickslot) at nang makakita ito ng hornet ay sinubukan niya agad and kanyang bagong kapangyarihan at matagumpay niyang nagapi ang halimaw. Ito ay nagbagsak ng honey at jellopy na kinuha naman ng ating bida.
Makalipas ang ilang paglilibot, ay napadaan siya sa isang lugar na tila isang lagusan na binabantayan ng isang Guard. Kinausap niya ito at agad siyang tineleport sa "Prontera Chivalry". Nalaman niya na ang Guard na iyon ay ang nagbabantay sa "Culvert". "Ano kaya ang nandoon?" tanong ni Claude sa sarili niya. Dahil sa napapalibutan siya ng konting misteryo kakaisip sa lugar na iyon, pumunta siya sa isang kafra girl malapit sa Chivalry at agad na nagsave sa dalaga.
"pa save ng progress ko." Sabi ni Claude.
"Ok... O ayan. Nasave ko na. Just in case na ma KO ka, ditto ka ulit mapupunta." Sabi ng Kafra kay Claude na may ngiti sa mukha.
"Matanong ko lang..." ang sabi ni Claude "ano ba ang culvert?"
"isang lugar siya na kung saan ang mga gustong magpalevel up ng mainam ay pinupntahan ng walang takot." Ang sagot ng Dalagang naka suot-katulong.
"salamat miss!" Ang masayang pamamaalam ng ating Purple, long-haired hero!
Agad na bumalik si Claude sa Chivalry at nagregister agad siya sa "Culvert". Ano kaya ang nag-aabang sa ating bida sa liblib na lugar na iyon? Masarapan kaya siya sa paglelevel up sa malaking imburnal na katulad ng Culvert? Bakit laging nakangiti ang Kafra na nakausap niya sa Prontera? Abangan sa Story 2.