DISCLAIMER: di ko pagmamay-ari ang Naruto… Peksman!

AN: Ang kwentong ito ay para kay Redzin. Pre, kakatuwang paglaruan itong si Gaara!

Paglalahat: Si Gaara, gutom na. Si Gaara, nakakita ng piso. Ang piso, nawala. Ang piso, hinanap. Ang buhay nga naman... umiikot sa piso at kay Gaara...

Babala: Masyadong hyper ang mga nilalaman... 'wag kalimutang mag-take ng pampakalma matapos basahin...


"Kawawang Gaara"

Tanghali na. Tirik na tirik na ang araw sa disyerto ng Suna. Hindi pa siya nag-aagahan. Naglalakad siya patungong Konoha (dahil wala namang ibang means ng transpo ng mga panahong iyon) para makapaghanap ng makakain. Oo nga pala! Papaano siya maghahanap ng pagkain sa Konoha kung wala siyang pera? Nag-isip agad si Gaara ng raket para makalibre nang biglang:

Sa di kalayuan ay mayroon umagaw ng kanyang atensiyon - sang bagay na kumikinang. Agad siyang tumakbo para tunguhin ang nasabing bagay. Ikinurap muna niya ang kanyang mga mata, na napapalibutan pa rin ng makapal na eyeliner, para makasiguradong hindi ilusyon na dala ng init ang nakikita niya. Hindi ilusyon. Nandoon parin ang bagay na kumikinang - walang kamuangmuang na nakalapag at halos matabunan na ng buhangin ang kalahati nito. Pinulot ni Gaara ang nasabing bagay at sa sobrang saya niya ay hindi niya napigilang...

"WAH! PISO! NAKAPULOT AKO NG PISO!", nagtatatalon si Gaara sa sobrang tuwa. Kung may makakakita lamang sa kanya ay siguradong lalo siyang katatakutan... Dahil mukha na siyang nababaliw.

Mabilis na tumakbo si Gaara patungong Konoha para maghanap ng agahan kasama ang kanyang piso... Oo, piso na n'ya, siya ang nakakuha eh.

SA KONOHAGAKURE

Naglalakad si Gaara habang tinititigan ang kanyang piso.

"Hmn, piso...", bulong niya sa sarili. "Ano nga ba ang mabibili ko sa piso?"

Napatingala si Gaara mula sa pagkakatitig sa piso nang may mapansin siyang papalapit. Si Lee iyon, nakangiti sa kanya.

"Gaara! Kumusta na?", bati ni Lee with matching superwide na ngiti at kumikinang-kinang pa ang ngipin.

Kinilabutan si Gaara kaya naman biglang nanlaki ang mga mata niya na parang magpeperform ng forbidden handseal. At...

"Sa-"

Napaatras si Lee. Itinaas ni Gaara ang kaliwang kamay, ang kamay na walang hawak na barya. At isinara ang kanyang palad. Napapikit si Lee sa sobrang takot... "Katapusan ko na ba?", tanong ni Lee sa sarili...

"SaFuckyou!"

Napraning si Lee sa narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata at nalaglag ang panga sa lupa sa nakita. Nanginginig-nginig pa ang kamao ni Gaara, pero hindi lahat ng fingers nakatiklop. Naiwan ung middle finger sa ere... (Hindi na niya nagawang mag-Sabakyu sa sobrang gutom.)

Ibinaba ni Gaara ang kamay at yumuko sa kahihiyan.

"Gaara?"

"Wala ito", nakayuko pa rin si Gaara, "Baka gutom lang..."

Bago umalis si Lee, itinanong muna ni Gaara. "Lee, ano bang mabibili sa piso?"

Hindi na ngumiti si Lee at baka magamitan uli siya ng bagong technique ni Gaara na hindi ginagamitan ng Chakra. Seryoso ang sagot ni Lee. "Isa't kalahating kendi..."

Nanlaki uli ang mga mata ni Gaara. "I-isa't kalahating kendi?" Pasigaw ang tanong ni Gaara. "Meron bang nagtitinda ng kalahating kendi?"

"Hindi ko alam, pero tatlo dalampiso na ang kendi ngayon kaya dapat isa't kalahati ang ibibigay saiyo kapag nagbigay ka ng piso..." Seryoso pa rin si Lee. Ung looks na parang ina-analyze ang buong sitwasyon.

"Salamat nalang...", napabuntong hininga si Gaara. Mukha namang hindi siya maso-solve sa isa't kalahating kendi.

At naglakad uli si Gaara. Tinititigan pa rin ang kanyang piso nang bigla siyang nabangga sa isang maitim na bagay. Napatumba si Gaara at lumagapak ang kanyang behind sa lupa. "Anak ng!"

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!", maangas ang boses.

Tumingin nga si Gaara, pero hindi sa dinadaanan kundi sa taong maangas. Si Uchiha... Tumayo agad si Gaara at bumira ng, "Henyo ka di ba?"

"Ngayon?" Suplado talaga. May kasama pang taas ng kilay ang tanong.

"Anong mabibili sa piso na nakakabusog?", parang batang excited sa pagtatanong itong si Gaara.

Napaisip si Sasuke. Hinimashimas ang baba na ani mo'y nakikipaglaro ng chess. "Hmn, yosi?"

"Yosi?", nanlaki ang mga balintataw ni Gaara. "Nakakain ba ang yosi?"

"Ewan," mukhang hindi sigurado ang Uchiha, pero pinanindigan ang sagot. "sabi nila nakakawala ng gutom..."

AT pumunta ang dalawa sa pinakamalapit na sari-sari store.

"Ale, yosi nga..." sabi ni Sasuke.

"Anong brand?"

"Kahit ano, basta piso" sagot ni Gaara.

Napangiti ang Ale, "1.25 na ang pinakamurang yosi, bata... Taga saang planeta ba kayo?"

Pahiya ang dalawa kaya gamit ang kanilang decoy technique at umiskapo na sila. Nawala na sa paningin ni Gaara si Sasuke kaya itinuloy nalang niya ang paglalakad, dala parin ang kanyang piso...

Habang tinititigan ni Gaara ang kanyang piso ay bigla siyang natalisod sa lecheng batong nakakalat sa daan. Gumulong ang piso. Nang pupulutin na ni Gaara ay may biglang umapak dito, si Ino.

"Hoy! Piso ko 'yan!" Galit na sigaw ni Gaara.

Sipol lang si Ino. Parang walang narinig.

"Hoy! Get your feet off my piso!", napa-ingles na si Gaara sa sobrang galit.

"Ha? Saan?", maangmaangan ni Ino. May OA na patingin-tingin pa sa ibaba kahit hindi itinataas ang isang paa.

At napuno na ang salop. Gagawa nanaman ng forbidden handseal si Gaara. Natural, hindi pa rin gagamitan ng chakra dahil wala pa siyang lakas. Ini-stretch niya full length ang kanang kamay niya, isinunod ang isa pa, para mas malakas. At sumigaw ng...

"SABAK-"

Nagulantang si Ino, umatras agad siya. Nai-reveal ang nakatagong piso sa ilalim ng kanyang paa.

Napangiti si Gaara. Tagumpay ang plano. Kailangan nalang niyang patakbuhin si Ino. Kaya itinuloy niya ang pekeng jutsu...

"SABAK-SOSO!", sabay close-open ng dalawang kamao...

Nandilim ang paningin ni Ino sa nakita at agad na inupakan si Gaara. Left-Right. Straight. Uppercut. Dinaig pa ni Ino si Ippo Makonochi sa galing jomombags. Umalis si Ino na galit-na-galit pa rin, iniwan si Gaara kasama ang kanyang piso at blackeyes.

Naglalakad pa rin si Gaara hawak ang kanyang piso. At nandoon pa rin ang blackeye. Hindi nga lang halata dahil parang natural lang. Parang lumaki lang ang sakop ng eyeliner niya. Nag-iisip pa rin siya ng pwedeng bilhin sa piso.

Lahat na yata ng makasalubong niya ay tinanong niya. Si Shikamaru sabi bubblegum daw. Ayaw n'ya, baka magka-kabag lang siya. Sabi naman ni Choji, lechong manok. Ayaw namang maniwala ni Gaara na may pisong lechong manok. Si Sakura naman sabi, ipunin nalang niya. Ang sagot, "Hindi ako mabubusog sa pag-iipon..."

Grumble...

Tiyan 'yon ni Gaara. Sa lakas ng tunog obvious na gutom-na-gutom na.

"Wah!"

Nabaling ang paningin ni Gaara sa sumisigaw na bata. Hinahabol ito ng mga Chunin at ng Hokage, na hinahabol naman ng alalay ng Hokage, na hinahabol din ng alaga ng Hokage, na hinahabol naman ng gwapong Uchiha dahil kinain nito ang paborito niyang medyas, na hinahabol naman ng fangirls niya dahil wala lang, trip lang nilang magpapansin.

Grabeh! Parang mahabang prusisyon na nagmamadaling makarating sa simbahan ang nangyari. Umuusok-usok pa ang kanilang dinaanan dahil sa dami ng nadistorbong alikabok.

"Naruto bumalik ka dito!", sigaw ng Hokage na kung tawagin ng bata ay matandang hukluban sa kabila ng pagiging mukhang dalaga nito.

"Ayoko!", sigaw ni Naruto. Tumatakbo pa rin.

"Papatayin kita sa ginawa mo!", mukhang seryoso na si Tsunade. Papatayin na talaga si Naruto.

"Gaara tulungan mo ako!", agad na nagtago si Naruto sa likod ni Gaara.

"Saan?", nalilitong tanong ni Gaara. Naaapektuhan na rin ng gutom ang pagpa-process ng utak niya.

"Dito! Gagawin ko'ng lahat basta tulungan mo lang ako..." pagmamakaawa ni Naruto.

"Ano ba kasing-" hindi pa tapos si Gaara ay sumagot na si Naruto dahil nakita niyang paparating na si Tsunade. "Inihian ko yung ulo ni ika-apat...", sabay bungisngis.

Natulala si Gaara. "Ulo ni ika-apat?"

Tango lang si Naruto

"As in, yung jowa ni Tsunade?"

Tango uli.

"Eh, talagang papatayin ka n'yan!"

"Anong gagawin ko?", mangiyakngiyak na si Naruto.

Napa-smirk si Gaara. "Tutulungan kita sa isang kondisyon."

Blink. "Ano?"

"Tutulungan mo akong maghanap ng nakakabusog na pagkain na worth piso."

"Call!"

At nagkasundo sila. Hinarap ni Gaara si Tsunade.

"Tumabi ka d'yan Gaara! Kung ayaw mong madamay!" Sigaw ni Tsunade habang papatakbong tinungo ang kinaroroonan ng dalawa.

Hindi umalis si Gaara. Sa halip ay sinimulan niyang gawin ang hindi inaasahan...

Ini-stretch niya ang kanyang mga bisig. Ipeperform na sana niya ang kanyang infamous na "Sabak-Soso" nang mapansin niyang may kakaibang tunog...

JOG-jog. JOG-jog. JOG-jog. JOG-jog. JOG-jog. JOG-jog.

Napatingin siya sa pinagmumulan ng tunog. Si Tsunade 'yon! Umaalog-alog ang mga papaya dahil sa walang sumusuporta dito. At ayon sa logic ni Gaara, walang magkasyang bra dahil sa sobrang laki.

Napatingin si Gaara sa mga kamao niya. Mukhang hindi uubra ang Sabak-soso dito... "Kailangan ko ng mas malakas!"

Pinagdikit ni Gaara ang mga pulsuhan niya na parang magra-rasengan. At bilang...

"KAMEHAME WAVE!" wave... wave... wave... With matching echo pa.

At dumilim ang paligid dahil may scene change...

SA ILALIM NG ISANG PUNO, ILANG SANDALI MATAPOS ANG KARUMALDUMAL NA PANGYAYARI

"Gaara..."

"Gaara?" Binati siya ng nag-aalalang mukha ni Naruto.

Tulala si Gaara, parang na-trauma. "Sinubukan ko, ngunit kulang..."

flashback

"KAMEHAME WAVE!" wave... wave... wave...

Pormang San Goku si Gaara. Naka-stretch ang mga kamay, magkadikit ang pulsuhan habang naka-cup ang dalawang palad. Hindi nakapag-preno si Tsunade at sinalubong pa ang atake ni Gaara. SWAK! Saktong-sakto sa bao! Ay hindi pala sakto, kalahati lang!

Nagtawanan ang mga chunin. Nakitawa rin si Shizune. At nakitawa si Ton-ton. At nakitawa na rin ang Uchiha. At nakitawa rin ang fan girls.

Namula si Tsunade. Hindi sa hiya kundi dahil sa galit. Sa galit ng Sanin ay agad niyang ginawa ang summoning technique. Hindi na naiwasan ni Gaara ang nalaglag na higanteng asul na linta mula sa kung saan. At sa wakas ay nalaman ni Gaara ang ibig sabihin ng sakit ng katawan...

/flashback

"Gaara, ano bang pinagsasasabi mo?" sinubukan siyang bangunin ni Naruto at isinandal sa puno.

"Wala akong nagawa..."

"Anong wala!", protesta ni Naruto. Hinawakan ni Naruto sa magkabilang balikat ang kaibigan. "Iniligtas mo ako Gaara!", tuwang si Naruto. Samantalang si Gaara naman ay gulat na gulat. Oo, iniligtas nga niya si Naruto dahil sa kanya natuon lahat ng galit ng Hokage. "At dahil doon, tutulungan na kita. Ano nga ba ung kundisyon mo?"

Kumislap ang mga mata ni Gaara sa narinig. Tutulungan siya ni Naruto? "Pagkain na nakakabusog na worth piso!", excited ang pagkakasabi.

"Nakakabusog na Piso?", nalito si Naruto.

"Tutulungan mo akong humanap ng pagkaing nakakabusog na worth piso!", paliwanag uli ni Gaara.

"Hmn..." isip si Naruto. "Yun lang pala eh! Siyempre pa, isa lang akong dukha kaya marami akong alam na murang pagkain!"

"Ano? Ano? Ano? Ano?", excited uli si Gaara.

"Fishball!", pagmamarunong ni Naruto.

Pero hindi naman ignorante itong si Gaara para malaman na hapon lang may nagtitinda ng fishball. "May nagtitinda ba ng fishballs ng ganitong oras?"

Sweatdrop si Naruto. Pero, walang balak sumuko ang future Hokage ng Konoha! Kaya... Isip uli...

"Alam ko na!", May kasama pang pukpok ng kamao sa palad ang impluse ni Naruto. At ngumisi siya, na siya namang ikinatakot ni Gaara...


Ano ang naisip ni Naruto?

May Pag-asa pa kayang maka-agahan si Gaara?

SUSUNOD:

Ang piso, mawawala! Sinong kumuha? O, may kumuha nga ba?

End notes: Ang kwentong ito ay nagawa sa pamamagitan ng spontaneous na pagkuwento ko sa kapatid bago s'ya matulog. Mga 30 mins siguro tumagal ung kwnto kc with matching akting pa. Tapos nung marealize ko, okay pala ung kwento kaya sinulat ko na dito. Pero naubusan ako ng chakra doon sa 30 mins na un. Over sa hyper kc ang pakakakwento ko, pati kapitbahay ata namin narinig, tapos hatinggabi pa nun. uu

QUOTABLE KOTS:

ISA AKONG DAKILANG SANIN!

... SANGGANONG NINJA!...

-Hunter Kai