Title: Accident in Love
Pairings: SenRu of course
A/N: This fic is dedicated to all Sendoh and Rukawa fans. This is my first fic kaya asahan nyo po ang mga typo errors at wrong grammar. I'm an amateur writer and not a professional writer.
Chapter 1
Malalim na ang gabi at gusto ng umuwi ni Rukawa Kaede. Tapos na ang presentation ng eighteen roses kung saan ay pang labing isa siya sa mga lalaking nakasayaw ni Yui, pinsang buo ni Sakuragi Hanamichi kung saan ay napapayag siya nito na maisayaw si Yui dahil na rin sa kahilingan ng dalaga.
Hindi naman makatanggi si Rukawa dahil ngayon lang humiling si Sakuragi sa kanya kung kaya't pinagbigyan niya ito. Wala namang problema doon dahil matagal na silang magkaibigan ni Sakuragi simula ng pumasok sila sa Shohoku highschool.
Kailangang makauwi na siya dahil kanina pa siya hinihila ng antok. Anumang oras ay maaari na naman siyang makatulog.
"Hindi ko na kayang makipagpuyatan sa inyo."
"Huwag ka na munang umuwi, Kaede. Sabay sabay na tayo mamaya. Sandali na lang." wika ni Mitsui Hishashi.
"Oo nga. Killjoy ka naman eh." segunda naman nina Miyagi Ryota at Kogure Kiminobu.
Napilitan si Rukawa na makinig sa mga kaibigan. Nakakahiya naman kung magpumilit siya sa pag uwi. Pero sadyang napapagod na siya kung kaya habang nakaupo sa mesa ay napadukdok siya doon.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Napakahirap naman ng nararamdaman ko ngayon. Naranasan mo na bang maghanap ng wala, ha, Hiro?" himutok niya.
Nasa kalye na naman sila ni Koshino Hiroaki na kanyang bestfriend.
"Hindi pa. Bakit?"
"Naiinis ako. Bakit hanap ako ng hanap ng saya sa buhay ko? Hanap ako ng hanap ng bagay na makapagpapasaya sa akin tapos heto, di ko naman mahanap. Di pa rin ako kuntento." wika ng isang matangkad na lalaki. Meron itong malalantik na mga pilik mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, macho pero masasabing weird dahil sa mga nakataas nitong mga buhok na kala mo ay nakuryente. Heh, eto siguro ang trade mark niya.
"Iyan siguro ang dahilan kung bakit ka nagpumilit na bumalik dito sa Kanagawa at iwan mo muna ang Tokyo, ano? Naghahanap ka ng wala. Tss.. Ewan ko sa'yo, Aki!"
"Sinabi mo pa. Boring ang buhay ko doon. Kasi naman sanay na sanay ako sa mga barkada ko rito at laging may kausap. Doon, di ko magawa ang gusto ko."
"Kasi naman totoy ka na ng magpunta doon kaya siguro hayun."
"O, ano namang konek don?"
"Wala."
"Buti pinayagan ka ni Tito at Tita na umuwi dito?"
"Syempre. Ako pa ba? Ako si Sendoh Akira na hindi nila mahihindihan. Sa gwapo kong ito? Sus..."
"Ikaw talaga, ang sutil mo na, mahangin ka pa. Ang tanda tanda mo na."
"Di naman ako sutil ah. Konti lang naman na. Hindi na akong masyadong mabarkda."
"Hindi sutil, pero konti lang? Ano to, gaguhan? Oi, Akira, ikaw nga tigil tigilan mo ko ha? Puro barkada nalang ang hinahanap mo. Tapos kapag wala kang makita ay ako ang pinepeste mo!"
"Pagbigyan mo na ako. Tutal, mas lamang ka naman sa kanila eh kasi since birth, palagi na tayong magkasama. Bestfriends nga tayo di ba? Magkadikit nga ang bituka nating dalawa eh." sabay halakhak. "Kaya samahan mo na ako, sige na."
"Bwisit ka talagang hedgehogka! Lagi mo akong pinepeste. Pag ako naasar sayo, ipapasarado ko na ang lahat ng establishments na pwede mong mapagbilhan ng mga gel mo."
"Awww! You're so mean." pagkatapos ay lumungkot ang mukha nito at nagpaawa effect.
(Koshino sweat dropped)
'Kainis talaga tong lalaking to. Dinadramahan na naman ako.'Nagkibit balikat muna siya at pagkatapos ay hinarap ang kaibigan.
"O siya. Sige na nga. Sasamahan na kita. May magagawa pa ba ako? Tumigil ka na nga sa kapa-puppy dog eyed mo diyan. Naiirita lang ako."
"Talaga?!" Tuwang tuwang sabi nito. "Yes!" at napasuntok pa ito sa hangin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Ewan ko. Wala akong maisip."
"Aba'y umuwi na tayo. Kanina pa akong hilong hilo sa kaiikot natin. Tapos ayaw mo naman akong pakainin."
"Relax ka lang, Hiroaki."
Napakamot ng ulo si Koshino.
"Really, paano ako makakapagrelax nito? Gutom na gutom na ako tapos ayaw mo naman ankong pakainin kahit na pockey man lang. Napakakuripot mo."
Napahagalpak siya ng tawa. Talang iniinis lang niya ang kaibigan. Nakatuwaan niyang paglaruan nito. Buti na nga lang ay palagi pa rin siya nitong sinasamahan kahit na ganon ang ugali niya.
Mabuti nalang at mayroon siyang kaibigan na katulad ni Koshino. Magkababata silang dalawa at para ng magkapatid kung magturingan kung kaya't palagi silang sanggang dikit. Ulilang lubos na si Koshino. Namatay sa panganganak ang ina niya noong siya ay isinisilang pa lamang. Samantalang ang kanyang ama naman ay namatay noong masagaan ng rumaragasang truck noong siya ay sunduin sa school noong elementary pa lang.
Naawa si Lolo Jun (Uozmi) [Sorry, ginawa kong lolo nina Sendoh at Koshino si Orangutan] kay Koshino kaya naman inampon niya ito at isinama sa bahay nila. Nakita naman niya kasi kung paano magturingan ang dalawa at nakikita rin niya na mukhang madidisiplina naman ni Koshino ang makulit na si Sendoh.
Inihinto na ni Sendoh ang kanyang kotse sa tapat ng Tokyo Tokyo restaurant.
"O hayan. Nakonsenya na ako kaya naman papakainin na kita."
"Hay salamat! Kanina pa nga gustong kainin ng maliliit kong bituka ang malalaki kong bituka eh."
"Bumaba ka na dyan at ng makapag order ka na at ng makakain na tayo." paasik na sabi niya at pagkuway lumabas na ng kotse at inilock ang pinto.
"Opo, boss. Heto na nga po."
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711
"Hoy! Walang ganyanan. Nanlalamang ka na naman eh."
Isang malakas na tapik sa balikat ang gumising sa kanya. Sobrang groge na ang pakiramdam niya at halos hindi na rin niya maibuka ng maiigi ang kanyang mga mata. Pero sa totoo lang, gusto niyang suntukin at balatan sa pamamagitan ng nail cutter ang taong nang gising sa kanya kaya lang iniisip rin niyang ayaw niyang magsimula ng gulo. Nakakahiya sa kaibigan niyang si Hanamichi pati na rin sa pinsan nitong si Yui.
"I have to go na. Mabigat na talaga ang pakiramdam ko at kailangan ko na talagang matulog."
Tumayo si Rukawa at nagpaalam na sa debutant.
"Sorry, Yui. Talagang suko na ang mga mata ko."
"Okay lang. Ikaw pa."
"Sige. Happy 18th birthday nalang uli," anya at pumunta na siya sa nakaparada niyang kotse at sinusian. Pumasok na siya sa loob at pina start ang sasakyan. Bumusina pa siya kina Sakuragi at kumaway.
"Oi Kaede, mag ingat ka sa pagmamaneho mo ha! Kaka-15 mo palang." sabi ni Mitsui at ngumisi pa.
"Tss.. Marunong na akong magdrive no. Sige."
At pinaharurot na niya ang sasakyan pauwi. Malayo layo pa naman ang uuwian niya. Sa Yokohama Club malapit sa Kainan dinaos ang birthday party ni Yui. Sa Shohoku district pa siya uuwi. Habang nagmamaneho ay dahan dahan lang ang pagpapatakbo niya ng kotse. Mahirap ng maaksidente.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Hoy! Hoy! Sendoh Akira! Dahan dahan nga lang ang pagmamaneho mo! Nang titrip ka na naman eh. Umaangat na ang pwet ko dito sa inuupuan ko. Pinakain mo nga ako pero gusto mo naman akong patayin sa takot!"
"Relax ka lang Hiro. Sagot kita."
"Sagot na ano? Sagot mo akong ipalibing?"
"Ang galing mong manghula. Pano mo nalaman?"
"Damn you, broomhead!"
"Uuwi na tayo at ng makapagpahinga ka na."
"Hay salamat."
Pinaglaruan uli niya ang kaibigan. Mas pinaharurot pa nito ang sasakyan."
"Nakupoooo!"
Pagsapit sa isang intersection ay nagmenor siya ng pagpapatakbo. Pero may isang kotse ang humahagibis na dumaan. Marahil ay napansin nito ang kotse niya at katulad niya any nagulat din ito at nabigla ring naikabig ang manibela at agad na tinapakan ang preno.
Nakakangilo ang tunog ng mga gulong sa biglaang pagpipreno at gahibla na lang ang puwang ng nguso ng kotse niya sa nguso ng kaskaserong driver na iyon.
Nasubsob silang dalawa ni Koshino sanhi ng impact ng biglaan niyang pagpipreno. Buti nalang at sa mga bisig niya tumama ang kanyang mukha samantalang si Koshino naman ay nagawang itukod ang mga kamay.
Hindi naman talaga mainitin ang ulo niya kaya lang sa pagkakataon na ito ay uminit ang ulo niya.
"Muntik ng masira ang gandang lalaki ko ah. Maharap nga yung gagong driver na to." Inis siyang bumaba ng kanyang kotse at nilapitan ang isa pang kotse.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
Nawala ang antok niya pero nabwisit siya sa kotseng muntikan ng makabangga sa kanya. Malay ba niyang may paparating na sasakyan. Ni hindi naman kasi ito bumusina man lang. Pero kasalanan rin niya. Nagmamadali na rin siyang umuwi dahil gusto rin niyang makapagpahinga at talagang antok na antok na siyakung kaya muntikan na siyang sumablay.
Isang matangkad na lalaki na may weird na style ng buhok ang nakita niyang lumabas ng sasakyan. Pagkakita sa kanya ng lalaki ay agad na hinampas nito ang kotse niya.
"Hoy! Gago ka! Muntik na kaming maaksidente ng dahil sayo!" paninisi nito sa kanya.
"Wala akong kasalanan. Ikaw ang may kasalanan."
"Ikaw kaya! Ang tulin mo kasing magmaneho!"
"Pareho lang tayo no!"
Natamaan ng ilaw ang mukha ng lalaking inaaway niya at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
Aba'y kay gandang lalaki naman pala nitong kaharap niya. Bagsak na bagsak ang mga buhok nito at kahit na natatakpan ng kanyang mga bangs ang mata ay kitang kita pa rin niya ito. Fox eyed na tinernuhan ng mahahaba at malalantik na mga pilik mata. Matangos na ilong, mamula mulang mga labi, parang kasing puti ng niyebe ang kulay ng balat... at... ang seksi.
Napalunok siya at may naramdamang kakaiba. Napalunok ulit at napatingin uli siya sa lalaking kaharap.
"Next time, mag iingat ka! Napakakaskasero mo kasi!" parangal niya at pinanlakihan niya ito ng mga mata.
Hindi siya nakakibo. Tila nawalan siya ng dila habang walang kakurap kurap na pinagmamsdan ang magandang lalaki sa kanyang harapan.
'Ano bang nangyayari sa akin?'
Tinapunan siya ng matatalim na tingin ng magandang lalaki at sumakay na uli ito sa kotse niya. Umaangil na pinaatras niyon ang minamanehong sasakyan at saka umalis.
Awtomatikong kumilos siya. Sumakay sa kanyang kotse at pina start ang makina ng sasakyan at kumaliwa sa kalyeng tinahak ng magandang lalaki.
"Saan tayo pupunta?" sita ni Koshino.
"Susundan natin yung magandang lalaking yon."
"Ano?! At bakit? Hahamunin mo ng away?"
"Hindi."
"Eh ano nga?"
"Basta!"
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
Bumusina siya ng malakas para pagbuksan ang gate pero sa tingin niya ay himbing na himbing na ang ulog ng katulong nila.
Napilitan siyang bumaba ng kotse at gamitin ang susi ng gate para makapasok. Gusto niyang mainis. Gusto na niyang mailapat ang kanyang katawan sa malambot niyang kama pero puro aberya naman ang nangyari sa kanya sa pag uwi niyang ito.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
So, diyan pala siya nakatira. Mukhang mayaman. Ang laki ng bahay."
"Eh bakit ba inalam mo pa? Balak mo bang sampahan ang magandang lalaki na yon ng kaso? Anong ground?"
"Relax, Kosh. Di ko siya sasampahan ng kaso. Balak ko siyang balikan."
"At bakit?"
"Mukhang tinamaan ako magandang lalaki na yon."
Napanganga ang kaibigan niya.
"Ano?!"
"Shhh.. Manahimik ka nga. Di ka naman against sa man-to-man relationship di ba? Diba nga kayo na ni Jin ng Kainan?"
"Hindi. Bakit, sinabi ko ba at oo!"
"Okay good!"
"Akala ko pa naman sasampahan mo ng kaso yun? Yun pala ay nabihag ka na niya ng ganon ganon lang."
"Ang ganda niya kayang lalaki. Sa tingin mo? Baka naman yung mga magagandang lalaki na katulad niya ay talagang nilikha para sa katulad kong, ahem... gwapo."
"Ang hangin grabe! Signal number 4"
Sendoh only smirked at his bestfriend.
"O anong binabalak mo niyan? Umistambay tayo rito hanggang mag umaga?"
"Hindi naman. Uuwi na tayo at babalikan nalang natin siya bukas ng umaga."
"Ano? At bakit?"
"Basta!"
Nangingiting pina start na naman niya ang kotse at saka bumuwelta para umuwi.
Mas masahol pa yata siya sa gunggong. Bakit ba kasi bigla bgla na lamang siyang nagkagusto sa isang lalaki na kasing angas ng taong yon? Di naman sa homophobic siya. Marami din siyang mga kaibigan na may mga karelasyong mga lalaki, kasama na doon ang bestfriend niyang si Koshino na kasalukuyang boyfriend ni Jin. Hindi lang niya maintindihan ang sarili.
Gwapo naman siya. Hindi maipagkakaila iyon at maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, mai-date lang siya o kaya ay maikama. (ahem!)
Kung sa bagay ay naniniwala siya sa love at first sight. Pero mukhang mas grabe pa sa love at first sight ang nararanasan niya ngayon.
Imagine? Sinundan pa nga niya talaga ang magandang lalaking iyon para lamang malaman ang tirahan? And here he is, nakatulog na siya na puro yon ang kanyang iniisip.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Kaya pala wala ng nagbubukas ng gate kagabi ay dahil wala na tayong katulong."
"Oo , anak. Nagtanan si Hiromi kagabi. Wala tayong magagawa. Umibig yung tao eh."
"Sana naman ay nagpaalam siya na aalis siya." himutok ni Rukawa Kaori. Sa edad na 40 ay batam bata pa rin itong tignan at palaging nakangiti.
"Mahal, meron naman bang magtatanan na mamamaalam pa?" sita naman ni Rukawa Tomo habang nagbabasa ng dyaryo.
"Kung sabagay."
"Paano yan? Mahihirapan ka diyan sa dami ng trabaho, Mommy."
"Wala tayong magagawa. Habang wala tayong katulong ay ako muna ang kikilos dito sa bahay."
"For the mean time, 'My, kumuha ka nalang muna na part time na labandera at tagalinis." suhesyon ni Kaede. Tumango na lamang ang butihing ginang.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Ano ba! Ang aga aga aga naman nating tumambay dito sa Shohoku district na to!" maktol ni Koshino habang karay karay na naman niya ito sa loob ng sasakyan. Ginising niya ito ng alas kwatro ng madaling araw upang tumambay dito. Nagbabakasakali siyang makita na naman ang lalaking may matang katulad ng isang kitsune.
"Wag ka na kasing magreklamo. Andito na tayo eh."
"Ako'y nahihiwagaan na sayo ha! Pati love life ko nadadamay. Ginising mo ko ng pagkaaga aga para lang bantayan ang lalaking yan. Niyaya pa naman ako ni Jin na lumabas." mamayang lunch."
"Ihahatid kita mamaya kung saan kayo magkikita ng boyfriend mo. Samahan mo na ako."
Naningkit lang ang mata nito sa kanya.
"Duda kasi ako na maagang aalis yan eh. Sa tingin mo, nag aaral pa siya o nagtatrabaho na?"
"Malay ko. Manghuhula ba ako?"
"Baka estudyante palang siya. Mukha naman siyang mas bata sa akin eh."
"Bakit ba ang talas niyang isip mo?"
"Siyempre! Brainy ako eh."
"Brainy? Baka naman baliw ka na? Sabihin mo lang ng maihatid ka na namin ni Lolo Jun sa mental hospital at ng maiconfine ka na."
"Ouch! Sakit mong magsalita. Kaibigan ba talaga kita?"
"Ewan ko sayo!"
"O siya. Matulog ka na nga muna diyan at ako nalang muna ang magbabantay dito."
Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay may lumabas ng isang kotse buhat sa gate ng bahay na binabantayan niya. Umibis muna ang driver na walang iba kundi ang magandang lalaki na muntikan ng makabangga niya kagabi.
"Hoy! Koshino Hiroaki, gumising ka!" sabay yugyog niya dito.
"Ugh.. Bakit?" wika nito habng kinukusot kusot pa ang mga mata dahil sa nanlalabong paningin.
"Tignan mo, andon si beautiful boy. Ang ganda ganda niya di ba?"
"Malay ko. Di ko naman siya type."
"Umoo ka nalang kasi."
"Oo na nga!"
"Ano kaya kung mahalikan ko yung mga labi niya? Ang lambot siguro ng lips niya. Hehehe. Saka ang sarap hawakan ng bewang, napaka slim."
"Ayan ka na naman sa mga pantasya mo!"
"Magready ka na. Susundan natin siya."
"Anoooooo?!"
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Muntik na akong maaksidente kagabi." salubong ni Rukawa sa mga kaibigan na nakatambay sa may puno ng sakura.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Sakuragi habang nagpipindot ng phone. Siguradong ang girlfriend na naman nitong si Haruko ang katext non.
"Muntik na akong mabangga ng isang kotse na may driver na may weird na style na buhok!"
"Huh?"
"Nakataas kasi lahat ng buhok. Parang alambre sa tigas. Pag may nalaglag na butiki don sa buhok niya paniguradong tusok at di na makakaalis pa!" inis na sabi niya habang nakapamewang.
"Ano naman itsura ng lalaking yon?" tanong ni Mitsui.
"Di ko nakita eh. Madilim kasi. Saka nga blurred na ang paningin ko. Basta yun lang ang napansin ko eh. Yung buhok niya."
"Mga ilang taon na ba ang lalaking yon?"
"Di ko alam eh. Pero bata pa. Parang mas ahead lang sa akin ng isa o dalawang taon.
"Ahahaha! Baka naman siya na ang matagal mo ng hinihintay na prince charming mo? Malay mo di ba?" sabat ni Miyagi na di niya namalayang dumating na pala at nasa likuran na niya.
Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Ayan ka na naman sa kaka death glare mo. Malay mo nga eh."
"Aba, sa ating magkakaibigan, ikaw nalang ang walang karelasyon. Di ka ba naiinggit samin? Tanong ng may pulang buhok habang isinusuksok sa phone nito sa bulsa.
"Si Hisashi kasi ang naunang lumandi eh. Nagsisunod naman kayong mga gunggong kayo." Asik niya.
"Aba! Eh mahal ko si Min-kun eh. Mahirap na baka maagaw pa ng iba." Nagblush naman si Kogure ng umakbay sa kanya ang boyfriend nitong si Mitsui.
"Ikaw talaga." Wika nito habng kinukurot sa tagiliran ang lalaki. Napatawa nalang ito sa kanya.
"Tandaan mo Kaede, pag puso na ang umiral, wala ka ng magagawa kundi sundin yan." sabay turo ni Sakuragi sa dibdib niya.
"Tsss..." wika nalang niya at umirap sa mga kaibigan bago umalis sa kumpulan nila.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"First year highschool student palang siya at dati siyang nag aral sa Tamigaoka. Naglalaro din siya ng basketball at kasama siya sa team ng Shohoku, kaya pala ang tangkad din niya katulad ko." pagbabalita niya sa kaibigan.
Nagtagumpay siyang makakuha ng information doon sa lalaki dahil nagtanong siya sa registrar. Nagpuppy eyed lang siya sa isang babae doon kung kaya naman hindi na ito nakatanggi sa kanya at pagkuway binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti na halos ikalaglag ng panty ng babae.
"Ang ganda ng pangalan niya, Kosh.. Rukawa Kaede, bagay na bagay sa kanya di ba. Di ba? Oh God, para siyang anghel na isinugo para sakin. Bagay din siyang maging prinsesa…. Princess Kaede." pangungulit pa niya sa kaibigan.
"At sino naman ang prinsepe, aber?"
"Syempre ako!" sabay turo nito sa sarili.
"Nag iilusyon ka kaagad samantalang di mo nga alam kung magkakagusto rin sayo yung lalaking yun."
"Basta! I would do anything to make him to fall in love with me."
"Asus! At anong gagawin mo? Aakitin mo?"
"Hindi. Kikidnapin natin at re-rape in ko."
"Gago! Ang manyak mo talaga." sabay batok sa kanya.
"Hoy, masakit yun." wika nito na pinalungkot pa ang boses at hinimas himas ang parte ng ulo na binatukan ng kaibigan.
"Ihatid mo na nga ko sa Hokare restaurant, nandun na daw si Jin at hinihintay na ako. Di ko namalayan na magtatanghalian na pala, kakasunod natin diyan sa prinsesa mo."
Napatawa nalang siya habang minamanioobra nito ang sasakyan at nagtungo na sa restaurant kung saan naghihintay si Jin. Kumulo na rin kasi ang tyan niya dahil sa gutom.
'Wait ka nalang muna dyan, beautiful.'nasabi nalang niya sa sarili.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Ang tagal namang dumating ni Hiromi. Hindi na yata babalik yung babaing yon."
Naghihimutok ang kanyang mommy sa kawalan ng makakatulong sa bahay.
"Bakit kasi hindi magsabit ng karatula diyan sa gate, Honey. Baka sakaling may makabasa ay may mag apply sa iyo." Suhesyon naman ng daddy niya.
"Nakakakiya naman sa mga kapitbahay natin. Baka mga katulong nila ang mag apply sa atin."
"basta wag kang tatanggap ng mga katulong na alam mong katulong ng mga kapitbahay natin."
"Tama si daddy, mommy. Baka sakaling may mag apply ng matapos na ang paghihirap mo.
"Masakit na nga ang mga kamay ko kakalaba at kakalinis ditto. Pati mga braso ko ay nananakit na."
"Kawawa ka naman mommy. Hayaan nyo at magtatanong ako kina Hanamichi baka sakaling may alam sila at ng mairekomenda naman satin."
"Uy, Hiro, hayan na siya. Lumabas na rin sa wakas ang Kaede ko."
Kanina pa sila nag aabang ni Koshino sa labas ng gate nina Rukawa. Nakatulog na si Koshino sa kahihintay. Kung tutuusin ay nakakaawa naman talaga ang kaibigan niya. Bubulabugin niya ito ng pagka aga aga tapos ay hihilahin nya ito para bantayan lang si Rukawa.
Kailangan niya kasi itong kasangkapanin para naman payagan sila ng Lolo Jun nila.
"Asan siya?" tanng nito na namimigat pa ang talukap ng mga mata.
"Hayun siya!"sabay turo nito. "Hindi siya naka uniform, mukhang wala siyang pasok ngayon. May kasama pa siyang may idad na babae. Baka yun ang mommy nya. In fairness, maganda ang mom nya kaya pala ganyan din siya kaganda."
"Baka Akira.. Talagang walang pasok ngayon kasi sabado. Saka baka nga yan yung mommy nya."
Ibinalik niya ang tingin kay Rukawa saka sa kasama nitong babae.
SenRu711RulesSenRu711RulesSenRu711Rules
"Hayan, 'My. Sa computer ko pa ginawa yang ads mo para may mahanap ka ng katulong. Malinaw ang nakalagay dyan, Wated: Housemaid. Please apply inside. O diba, okay? May mag aapply na diyan. Maganda kasi pagkakagawa ko diyan eh."
"Ang yabang mo. Tingnan natin kung effective nga yang ginawa mo."
"Wait ka lang, 'My. Makikita mo, mamaya may kakatok na dyan sa gate natin para mag apply."
"Hay, sana lang at umepekto nga yang ginawa mo."
T.B.C
