Okay, so chapter 1 ng PoT story ko na walang saysay. Yung umpisa ng story mediyo based sa isang RP na ginawa naming ng kaibigan ko.

WARNING: walang totoong story 'to. randomness lang.

Disclaimer: Hindi ko ginawa ang PoT. Sa ibang salita, hindi ito sa akin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw, ginagawa ni Ryoma ang homework niya sa kwarto niya. Anong subject? English. Siyempre, sisiw lang sa kanya.

Natapos niya kaagad ng ilang minuto lang.

"Ano ba yan..masiyadong madali." payabang na sinabi ni Ryoma.

biglang, BANG!

bumukas ang pintuan ng kwarto niya.

"hala." sabi ni Ryoma.

"anak! ang sakit ng tiyan ko!!!" sigaw ng tatay niya.

"ito o, gamot" sabi ni Ryoma habang binibigay ang gamot.

"hindi ko kailangan yan!"

"eh ano?"

"pagkain! pagkain ang kelangan ko!"

"eto, chocolate bar"

-kumagat si Nanjiro-

biglang.."salamat ah!!!!" –tumakbo ng sobrang bilis papunta sa labas- (ano bay an, isang kagat lang yun ah..)

"Sayang lang sa oras yun ah.." sabi ni Ryoma.

Biglang naalala ni Ryoma, "AH! may training pa kami ngayon!"

Edi yun, nagmamadali syang maligo, magbihis at kung anu-ano pa.

"Buti nalang naalala ko. Kung hindi, baka isang daang laps ang ibigay sa akin ni captain"

Tumakbo siya papunta sa lugar ng training nila.

Habang tumatakbo, nakasabay niya si Momo na nakasakay sa bike niya.

"Echizen! Paunahan tayo." Sabi ni Momo.

"ayoko nga." sagot ni Ryoma.

"Duwag!"

pagkatapos niyang sabihin yun, nabangga siya sa pader. BANG!

"Echizen! Tulong naman!" sigaw ni Momo.

"Hay nako.." sinabi ni Echizen habang papunta siya kay Momoshiro.

"Tulungan mo nga akong dalin 'tong bike ko."

Pumunta sila sa destinasyon nila habang kinakarga ang sirang bike.

Pagdating nila, may sumalubong sa kanila..Si Inui na may hawak na baso ng Inui juice!

"Echizen, Momo, late kayo" sabay ngiti si Inui. "inumin niyo 'to"

"Teka lang..kung late kami, bakit yung ibang regulars wala pa?" tanong ni Momo.

"Base sa batas ko, lahat ng dumating pagkatapos ko ay late na." paliwanag ni Inui.

Pagkatapos niyang sabihin yun, dumating ang ibang regulars maliban kay Tezuka.

"Late kayo." sabay ngiti ulit si Inui "Inumin niyo 'to"

Yun, napilitan silang lahat. Tapos hindi sila nakapag-training.

Tama, pati si Fuji bumigay.

Tumagal ang pagkahimatay nila ng isang araw.

Kinabukasan, dumating si Tezuka. Nakita niya na nakahiga lahat ng regulars at pati na ang ibang miyembro.

Pag-gising nila, "Lahat kayo, 100 laps around the court!" utos ni Tezuka. "ang mga hindi makakatapos pati narin ang mahuhuli ay iinom ng special juice in Inui"

Nung natapos na syang magsalita, nahimatay silang lahat..ulit.

THE END

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry, kung walang kwenta. lol. R&R naman.

More randomness on the next chapters!