PAALALA: HINDI KO PAG-AARI ANG IDEYA AT KWENTO NG HARRY POTTER AT MGA KARAKTER NITO. ANG LAHAT NG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG, ANUMANG HALINTULAD NITO SA TOTOONG BUHAY AT SA IBANG KWENTO AY DI SINASADYA AT NAGKATAON LAMANG.

"Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang". Francisco Baltazar

Unang Kabanata

AVADA KEDAVRA, nang dahil sa dalawang salitang iyon nagbago ang lahat. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang marinig iyon ni Hermione mula kay Voldemort nang magharap ito at ang kanyang matalik na kaibigang si Harry Potter, ang mga naturang salitang iyon din ang kumuha sa huling hininga ng kaibigan niya na siyang dahilan kung bakit si Voldemort na ang namumuno sa Wizarding World. Ang mga minsang kumalaban kay Voldemort ay naging alila na lang ng mga sumuporta sa kanya at ang mga muggleborn na tulad ni Hermione, kung hindi pa na-avada ay naka-piit sa Azkaban hanggang tuluyang mawala sa tamang isip.

Tila isang masamang panaginip ang lahat ng mga nangyayari, ito ang laging iniisip ni Hermione sa loob ng dalawang taon mula nang mamuno si Voldemort upang hindi masiraan ng bait. Sa lahat ng mga nakapiit na muggleborn sa Azkaban tanging si Hermione na lang ang nananatiling matino at hindi ito ikinatutuwa ni Voldemort. Si Lucius Malfoy na namamahala sa Azkaban ang siyang pinagbuhusan ng galit ni Voldemort.

"Lucius, kamusta na ang mudblood na matalik na kaibigan ni Potter, katulad na ba siya ng mg aka-uri niya sa Azkaban?"

Hindi agad sumagot si Lucius, nanatili siyang nakayuko at nakaluhod ang kaliwang paa sa harap ni Voldemort.

"Tinatanong kita Lucius bakit hindi mo ako sinasagot?" Tanong ni Voldemort na may galit sa tono nito.

"Hi-hindi parin siya kapareha ng mga ka-uri niya panginoong Voldemort, ikinalulungkot kong ibalita sa inyo." Natatakot na inulat ni Lucius.

"Punyeta Lucius! Wala ka talagang silbi, napakasimple lang ng pinapagawa ko hindi mo pa magawa! CRUCIO" Nagagalit na wika ni Voldemort.

Napahiga at namimilipit sa sakit ng crucio si Lucius at pagkatapos ng tila napakahabang oras, tinanggal na rin ni Voldemort ang sumpa at hinawakan ang buhok niya upang pilitin siyang itayo.

"Pasalamat ka Lucius kahit hindi mo nagawa ang pinapagawa ko bubuhayin pa rin kita." Wika ni Voldemort bago ibinagsak si Lucius sa sahig.

"Bellatrix, sunduin mo ang pamangkin mong si Draco at papuntahin dito may iuutos ako sa kanya. Ilayo mo na rin sa paningin ko ang bayaw mong walang kwenta at baka kung ano pa ang maisip kong sumpa sa kanya!"

Agad namang sinunod ni Belatrix ang utos ni Voldemort at inaparate silang dalawa ni Lucius sa maliit na bahay na ipinangkaloob ni Voldemort sa pamilya Malfoy pagkatapos nitong angkinin ang manor nila.

"Cissa, kunin mo ang mga gayuma mo pang sakit ng katawan, pinarusahan siya ni panginoong Voldemort!" Wika ni Belatrix habang inilalapag si Lucius sa mahabang sofa sa salas.

Mabilis namang kinuha ni Narcissa ang mga gayumang ipapainom sa asawawang namimilipit parin sa sakit at ipinainom ang mga ito ng dahan dahan.

"Ano ang ikinagalit niya at pinarusahan niya ng ganito si Lucius?"

Naupo si Belatrix sa isang upuan sa salas at nagpawala ng malalim na buntong hiniga bago tumugon, "Yung mudblood na si Granger hanggang ngayon hindi parin nasisiraan ng bait tulad ng mga kauri niya sa Azkaban, ikinagalit ito ng husto ni panginoong Voldemort at ngayon pinapatawag niya si Draco para ilipat ang naturang responsibilidad dito."

Matyagang pinupunasan ni Narcissa si Lucius na nakatulog na dahil sa mga gayuma ng basang basahan at nagsalita, "Hindi pa ba sapat ang trabaho ni Draco na magpahirap sa mga rebelede at kailangan pa niyang gawin ang trabaho ng kanyang ama?"

Nanlaki ang mga mata ni Belatrix sa narinig, "Cissa ano ang karapatan mong magreklamo sa mga pinapagawa niya sa pamilya mo? Masuwerte ka dahil kapatid kita at paborito niya ako kaya kahit paano ay napagkalooban kayo ng tirahan at katungkulan sa kabila ng mga pagkakamali ninyo noon! Kakalimutan ko na lang na may mga sinabi ka. Sumunod na lang kayo sa mga ipanag-uutos niya at ipanalong muli ang kanyang pabor nang mabiyayaan kayo ng mga pabuya."

Isang malakas na pop ang narinig mula sa fireplace sa salas at lumabas mula sa berdeng alab si Draco Malfoy, na mukhang pagod na pagod at malalim ang mga mata buhat sa hindi niya pagtulog dahil narin sa mga hinaing ng tulong buhat sa mga pinahihirapan niya araw-araw na lagi niyang naririnig sa tuwing siya ay nag-iisa.

"Tiya Belatrix, napadalaw ka at ano ang nangyari kay papa?" Bungad na salita ni Draco.

"Pinarusahan siya ni panginoong Voldemort, Draco nandito ako para sunduin ka at dalhin sa kanya."

"Ano ang kailangan niya sa akin ngayon?"

"Malalaman mo pagdating doon."

Tumango si Draco at tinignan ang ina at tahimik na nagpaalam bago humawak sa braso ng tiya na mag-aaparate sa kanila tungo sa ministry of Magic kung saan naroon ang trono ni Voldemort. Walang nagawa si Narcissa kundi ang mag-aalala para sa anak, sadyang naparami na talaga ang nagbago ang paraisong ipinangako ni Voldemort sa mga tulad nila ay mga salita lamang at hindi naisawaga bagkus kabaligtaran ang nangyari.

Para sa mga blood traitors na tulad ng mga Weasley ang buhay ay naging isang kahid isang tuka, hindi ganun kadali ang mga trabahong ibinigay sa mga tulad nila.

Si Arthur na naputulan ng mga binti sanhi na rin ng pag-atake sa kanya ni Fenrir Greyback, si Molly naman ay nanatili sa maliit na kwartong ikinaloob sa kanilang pamilya ni Voldemort at nangangalaga sa pilay nang asawa at sa mga anak nila. Ang panganay na si Bill bagamat may sariling pamilya na at nagtatrabho bilang taga-ayos ng mga riles sa Gringotts ay nagbibigay parin ng tulong sa kanila. Si Charlie ay laging nakikipagsapalaran ng kanyang buhay sa pag-huli ng mga dragon sa Romania, si George ay ginawang personal na joker ni Voledemort sa tuwing naisin nitong tumawa o yurakan ang pamilya nila. Si Ron na matalik na kaibigan ni Harry at kasintahan ni Hermione bago sila tuluyang maghiwalay dahil sa pagkakakulong ni Hermione sa Azkaban ay naging undertaker sa libingan ng mga wizards. Ang pinakabata at natatanging babaeng anak nila Molly at Arthur na si Ginny na dating kasintahan ni Harry Potter ay ginawang kerida at alipin ni Blaise Zabini.

Pero kahit naging masalimuot na ang kapalaran ng kanilang pamilya, hindi parin sila nawawalan ng pag-asa at pasimple paring bumubuo ng rebeldeng grupo na lalaban kay Voldemort at mga kampon nito balang araw. Hangga't buhay pa si Hermione at hindi pa nasisiraan ng bait na pinakamatalino sa panahong iyon may pag-asa pa at ang mga huling salita ni Harry bago ito mamatay ang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa kanila.

"Hangga't may araw pang sisikat, hindi pa dito natatapos ang lahat."

"Hermione, balang araw mailalabas ka rin namin sa Azkaban at tatapusin natin ang minsang nasimulan ng kaibigan nating si Harry. Maaring wala na siya dito sa mundo pero nananatili siyang buhay sa ating mga puso at isipan. Harry kaibigan may araw pang sumisikat kaya manantili kaming lumalaban hanggang mabawi namin ang dating wizarding wold."Wika ni Ron sa harap ng puntod ni Harry Potter.

Mag-isang pumaosk si Draco sa trono ni Voledemort pagkatapos ipaalam ni Bellatrix sa panginoon niyang si Voldemort ang kanilang pagdating, agad namang iniluhod ni Draco ang kaliwa niyang tuhod at iniyuko ang ulo pagpasok niya sa loob.

"Pinatawag niyo raw ako panginoong Voldemort."

Nilapitan siya ni Voldemort at iniangat ang kanyang ulo upang matignan ito sa mga mata, "Oo Draco, mayroon akong naisa ipagawa sa iyo."

"Ano po iyon?"

"Gusto kong gawin mo ang hindi kaya ng inyong ama, ang sirain ang pag-iisip ni Hermione Granger at kapag nagawa mo na iyon saka mo siya i-avada kedavra sa harap ng mga Weasley. Kung hindi mo magagawa ang iniuutos ko buhay mo at ng iyong pamilya ang siyang kapalit, malinaw ba Draco Malfoy?" Wika ni Voldemort na sinundan niya ng malakas niyang halakhak.

"Opo, gagawin ko." Diretsong wika ni Draco Malfoy.

Oo kaya niyang sikmurain ang pahirapan ang mga rebelde dahil mga lalaki ito at mas matatanda sa kanya pero ang saktan ang isang babae na naging kaklase pa niya sa Hogwarts ay di niya magagawa, kahit na si mudblood Granger ito. Ngunit ayaw man niya ang bagong utos ni Voldemort, mas mahalaga para sa kanya ang kanyang pamilya. At kung kailangan niyang gawin ang utos ni Voldemort ay gagawin niya mailigtas lang ang kanyang sarili at kanyang pamilya. Isang katangian na natatangi sa mga Malfoy ang pag-mamahal sa pamilya, at kung kailanga nilang gumawa ng masama masiguro lang ang kaligtasan ng bawat isa ay gagawin nila.

Tatanggapin na lang ni Draco ang parusa sa impyerno sa kanyang mga kasalanan sa iabang tao at mga gagawin kay Granger. habang siya ay naglalakad sa kalye sa labas ng Ministry of Magic papunta sa aparation point pabalik sa kanilang tahanan di niya napansin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata habang iniisip ang maari niyang gawin kay Granger.

Suportahan natin sarili nating wika!


*Teka tama ba itong nababsa ko tagalog na nobelang Dramione? Oo mga mambabasa tama nga ang nabasa ninyo, dahil Holy Week at nasa bahay lang ako naisipan kong mag-sulat ng Dramioneng nobela na tagalog. Sa mga may nais mag-komento, mag-dagdag, may mga suhestiyon ang lahat ng iyon ay welcome sa akin mag-iwan lang kayo ng mensahe sa review.