Mga Aninong Gala
DEDICATION: This first foray into both Tagalog literature and fanfiction writing is dedicated to my good friend TURTIE (HAPPY BIRTHDAY) and to Sir Derain for his never ending inspiration and support.
DISCLAIMER: I do not own any of the Filipino classics mentioned here.
PROLOGO
Hindi sila maaaring magsama, wala silang kinabukasang haharapin, sapagkat sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, ang lahat ng iyon ay likha lamang ng imahinasyon, mga imaheng pansamantala na tatangayin ng hangin at lilipad na sa kawalan.
Sandali lang. Backspace nga. Masyado yatang madrama ang simulang iyan. Gamit na gamit na yata ang mga talinghagang iyan. Napakakaraniwan, mais na mais. Kulang sa dating. Parang nag-aambisyong maging profound o poetic ang mga huling salita ngunit wala naman silang silbi kundi pahabain lang ang pangungusap. Kailangan baguhin. Backspace, backspace.
O, bakit natigil ka sa pagbasa? Sino bang may sabing hindi matutuloy ang kuwento? Naisulat na nga ang mga huling salita sa huling talata. Ops! Huwag kang sisilip sa huling pahina. Sayang naman ang ipinundar kong hirap kung isho-short-cut mo lang pala ang aking akda. Dito ka lang. Tuloy ka lang sa pagbasa at makisabay ka sa daloy ng aking mga salita. Ops! Tsk, tsk, tsk. Sinabing huwag na. Hindi mo naman ma-aappreciate and huli kung hindi mo binasa ang kuwento nang buo. Hindi naman ito nobela at hindi ka mapapagod. Pagtiyagaan mo na.
Kaya cool ka lang diyan. Chillax. Sinisigurado ko na hindi ka mabo-bore. Hindi ito pangkaraniwang kuwento ng forbidden love. Sige na, inaamin ko. Napaka-corny na ng paksang iyan. Ilang beses na ginamit, tinadtad, hinalu-halo, linunok at idinura ulit ang mga elemento ng isang ipinagbawal na pag-ibig. Sawang-sawa ka na. Pero huwag mo sanang bibitawan ang mga pahinang ito. Tinitiyak kong hindi ka magsasayang ng panahon sa pagbasa nito.
Sige na nga, titigil na ako sa kakarant at rave. Ituloy na natin ang kuwento.
