Mahal Pa Rin Kita

Author Notes: Mabuhay! I know that many people want to kill me… I'm really sorry for not updating my other fic, Reflection. I'm SOO busy with my school works.

This fic is actually dedicated to someone (Hello, Ate Denise)…XD…The song was composed by my friend. She change the lyrics of "All or Nothing" (tama ba, Shiera?)…

Disclaimer: Hindi ko pag-aari ang Alice Academy… "...Libre lang mangarap…"

…-:o.o:-…

Natsume's POV

Nandito ako ngayon. Malamig ang gabi. Puno ang langit ng mga bituin. Nakaupo ako sa ilalim ng puno, nakatingala sa mga bituing nagniningning. Hinahanap ko ang mga gabing tayo'y magkasama sa ilalim ng punong ito. Parang pangarap na lang ang mga iyon. Nilipad na ng hangin ang mga panahong magkasama tayo.

Alam kong mayro'n kang iba
Nakikita ko sa 'yong mata
At sa t'winang kayong dalawa ang magkasama

Lagi kang pumupunta dito. Alam mo kasing nandito ako. Hindi mo alam, pero hinihintay kita. Minsan ay pinapaalis kita dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Natatakot akong masabi ko sa iyo ang tunay kong damdamin. Pero ang pagdalaw mo, na dati'y araw-araw, ay nabawasan. Paminsan-minsan ka na lang kung pumunta dito.

Nagpatuloy ito. Nagtaka ako kung bakit. Kaya sinundan kita nang magkaroon ako ng pagkakataon. Nakita kitang may kasamang ibang lalaki. Masayang-masaya kayo. Nakikita ko ang mga mata mo, puno ng kaligayahan at… pag-ibig? Minamahal mo na siya? Paano na ako?

Pumunta ka sa "ating" puno, nang gabing iyon. Kinuwento mo ang mga nangyari sa iyo. Kitang-kita ko ang kaligayahan sa mga mata mo habang inilalahad mo ang nangyari sa iyo. Naninibugho ang puso ko. Tuwang-tuwa ka. Masaya ka sa piling niya. Nasasaktan ako. Sobra.

Ikaw lamang ang buhay ko
Laman lagi ng isip ko
At kung mayro'n mang hahadlang ay 'di ko papayagan

Hindi ko masabi sa iyo. Minamahal kita ng sobra. Ikaw lang ang laman ng isip ko. Tulad ngayon, nakutalala naman ako sa mga bituin. Iniisip ka. Ikaw ang tanging liwanag sa kadiliman na bumabalot sa katauhan ko. Ang iyong mga ngiti ang nagsisilbing init upang matunaw ang yelo sa puso ko. Ikaw ang buhay ko. Hindi ko kakayanin kung aalis ka. Hindi ko papayagan kung mayroon mang hahadlang sa ating pag-iibigan.

Ipaglalaban ka
Kahit ano pa ang sabihin ng iba
Bulong ng puso ko
Sigaw ng damdamin ko
Mahal pa rin kita

Ipaglalaban kita. Wala akong pakialam kung tutulan man tayo ng iba. Iniibig kita. Iyan ang binubulong ng puso ko.

Pinipilit ko ang puso, isip at damdamin ko na kalimutan ka. Pero, ikaw lang talaga ang sinisigaw nitong damdamin ko. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi magbabago ang pag-ibig ko sa'yo.

At kahit na ikaw ay mayro'n nang iba
Mahal pa rin kita kahit na
Nagmumukhang tanga ang puso ko
Tanging ikaw, dito sa puso ko
Dito sa isip ko nakatatak
Larawan mo, oh baby
Mahal pa rin kita

Mahal mo na yata siya. Pero, kahit ganoon man ang mangyari, mahal pa rin kita. Magmukha man akong tanga sa paghahabol sa isang babeng may iniibig ng iba, mamahalin pa rin kita. Ikaw ang nagpapatibok sa puso ko. Ikaw ang pinakamagandang larawang nakatatak sa isipan ko.

Basta lagi mong tatandaan… Mahal pa rin kita… Mikan Sakura

…-:o.o:-…

Author's Notes: One word. SAPPY! Hehehe XD...Ang lalaking akalang minamahal ni Mikan ay si...(drum roll please)...TSUBASA! Bwahahaha! The evilness of me! Actually, I think my friends would like it. They like Tsubasa. Hehehe. Pasensya na kung maraming mali. Hindi kasi ako magaling sa Asignaturang Filipino.

Tune in for the next chapters of Reflections... ginagawa ko na... Baka gumawa rin ako ng fic sa Bleach at CCS... SEE YOU NEXT TIME! JA!

.-: Akire Hyuuga :-.

PS: Kung gusto niyo akong gumawa ng on-progress fic mula dito... Sabihin nyo lang...