MisUnderstanding Lang
Chapter One
Akala Mo Lang Yun
Love is in the air, peace is everywhere…
"Hindi naman totoo yan eh. Bakit dito sa court miski minsan hindi man lang naligaw ang hangin na may love miski peace…" reklamo ni Akaya.
Ilang linggo bago magwhite day, excited na ang mga babae ng Rikkaidai na makatanggap ng chocolates. Marami ang nangangarap na bigyan sila ng chocolate ng mga Rikkaidai Tennis Regulars.
Sa court…
"Fukubuchou, wala ba tayong white day party para sa mga cheering's squad mong gerls?" tanong ni Akaya na ika-pitong beses na niyang tinatanong kay Sanada.
"Akaya! 30 laps around the court!" sigaw ng vice captain na umaangat na ang ugat sa sintido.
"Nagtatanong lang naman ako ah." Reklamo ni Akaya.
"50 laps." Ang sabi ni Genichirou with a death glare. Muntikan nang mahiwa ng tingin si Akaya, mabuti nalang at nakatakbo siya agad.
"Ang ibig sabihin, wala siyang balak bigyan ng chocolate ang mga pan-gerls niya, party nga ayaw, chocolate pa kaya? Kawawa naman si ate." Ani Akaya sa sarili habang tumatakbo.
"Bakit tumatakbo si Akaya?" tanong ni Niou.
"Bakit, Niou, gusto mo siyang samahan?" ani Sanada.
"Puri. May sinabi ba ko?" sabi ni Niou sabay alis.
Walang anu-ano'y dumadating si Yukimura…
"Yukimura…" bati ni Sanada. (bati na niya yun as always, today and forever)
"Ne, Sanada, bakit tumatakbo nanaman si Akaya?" tanong ni Seiichi na nakangiti (as usual).
"Ah, ano, kase…" hindi makasagot si Sanada. Nahihiya siyang sabihing ayaw niyang magpaparty na hinihiling ni Akaya last week pa. Kaya nga makapitong ulit na niyang itinanong yun eh. Hanggang ngayon tutol pa din ang vice captain.
"Ano?" naghihintay si Yukimura.
"May nagawa siyang mali." Halatang nagsisinungaling si Sanada sa tono ng kanyang pananalita. Sa mga sinabi niya na iyon ay kahit batang paslit, alam na may itinatago siyang ayaw niyang ipaalam.
"Talaga?...parang hindi yata usual ang ugali mo ngayon ah?" ani Yukimura na nakatingin straightly sa kausap.
Ibinaba ang cap para takpan ang muka. "Hindi naman." Wika ni Genichirou saka umalis, lumabas ng court.
Kurap-kurap. "Ano nangyari dun?" tanong ni Yukimura na naconfuse ng bahagya sa mga pangyayari.
Hapon … pagkatapos ng isang araw na puno nanaman ng pahirap, mapatennis man o pag-aaral. Pero masaya si Akaya kasi nakasagot siya sa recitation nila sa Physics kay Sir Kuryente. Bumalik pa sa ala-ala niya ang nakanenerbyos na recitation…
Flashback
"Classmates, hindi pa ba tayo magpepray?" tanong ng president nila sa Physics.
"Almighty God, creator of the universe, I offer all to thee, with all my thoughts, words and actions to thee… " and so on sa nanginginig-nginig pang tinig ng bawat isa.
Pagkatapos ng dasal, saktong pagpasok naman ni Sir Kuryente.
"Good afternoon class."
"Good afternoon, Sir Kuryente." Tugon nila.
"Let's start the recitation. First of all, let me tell you that you will only recite it in two minutes. Okay, start."
Nagulantang ang isipan ng lahat, akala nila ay walang time limit pero bakit may nalalaman pang two minutes itong teacher na ito. Pangalawa si Akaya sa magrerecite… kung bakit ba kasi sa pangalawang seat siya umupo sa subject na iyon.
"Hala, two minutes… pano kaya yun? Di bale, pinaikling version naman yung sa libro ni Plat Taps. Buti yun yung kinabisado ko. Naku, ano na nga yun? Hala, nakalimutan ko na… si Fukubuchou naman kasi eh, pinatakbo ako kanina, ayan tuloy, nalaglag na yata isa-isa sa court yung kinabisado ko." Sa maikling pagsasalita ni Akaya sa isip niya ay siya na pala ang susunod na sasalang.
Muntik na tuloy malaglag ang puso niya sa kaba dahil nakalimutan na nga niya. Tumayo siya sa harap ng matuwid, parang nasa platoon ng mga commanders. Nag-isip at nang maalala niya ay nagsalita ng mabilis…
"Law of Reflection, Rule No. 1. A Ray from O parallel to the principal axis to the mirror surface is reflected and passes through the principal focus. Rule No. 2. A Ray from O passes to the center of curvature and is reflected along the same line. Rule No. 3. The third ray from O, passing through the principal focus which is reflected parallel to the principal axis."
Nagpalakpakan ang mga kaklase niya… taas noo naman siyang bumalik sa desk niya kaso sa sobrang pagkaoverwhelm ay nasaldak siya. Malayo pa pala ang upuan niya, hindi niya napansin.
End of flashback
(Author- Si Plat Taps at si Ayame ay iisa. Kung babasahin ang 'Nagkataon Nga Lang Ba?' fic ng PoT ay makikita roon ang una nilang pagkikita sa chapter one. Nandoon na rina ng pagpapakilala kay Ayame o kaya naman ay tumungo na lamang sa profile ko.)
Kakamot-kamot sa ulo na naglalakad si Akaya na papaalis sa Rikkaidai University… on his way home ay naalala niyang isosoli pa nga pala niya ang Physics book na hiniram niya dahil may assignment naman si Ayame dun. Kaso napatigil siya sa paglakad, napaisip,
"Saan ko hahanapin yun?"
Suddenly, natanawan niyang rumarampa ang nagmamagandang limousine ni Keigo. Eh teka, ano nga pala ang ginagawa ng Atobe's limo sa Kanagawa? Marahil, kung ikaw man si Akaya ay mapapaisip ka rin.
"Ano nga ba ang ginagawa ni Atobe dito?" aniya sa sarili.
Bumaba si Keigo, wari'y nagrereklamo.
"Huh? Lagi ka na lang pumupunta dito. Di ka na nagsawa sa cake, madadiabetes ka na… mamamatay ka ng maaga." Wika ni Keigo.
Suddenly, bumaba si Ayame, nagliwanag ang mga mata ni Akaya. Hindi na niya kailangan pang magroam around to look for flat tops. Kaso… pinanood na lang muna niya ang magpinsan at tumanga sa isang tabi…
"Walang pakialamanan, Keigo. Kumakain ka din naman, madami ka pa nga kung kumain kesa sakin eh." Sagot naman ni Ayame.
"Ayokong tumuloy jan sa Cakes and Pastries Shop na yan." Pag-iinarte ni Keigo sabay krus ng braso.
"Kase?" tanong ni Ayame.
"Kase… huh? Ba't curious ka, huh? Walang pakialamanan, Ayame."
Umikot na lang ang mata ni Ayame saka nagpapadyak palayo sa pinsan niya. Magha'hi' sana si Akaya kaso hindi siya napansin, for the effort pa naman siya. May nalalaman pa naman siyang pakaway-kaway ng kamay at pangitingiti na abot tenga, tapos inisnab lang siya, dyahe. Tsk…tsk… kawawang nilalang.
Binuksan ni Ayame ang pinto ng store… lumantad agad ang muka ni Sakura Kanzaki, ang part timer na sales lady ng cake shop at sempai niya sa Hyoutei na dating editor in chief doon. Kabatch ni Keigo, at dating numero unong tumutuligsa sa kanya, ngunit dahil sa masyadong maraming sideline si Sakura ay hindi na niya maasikaso ang school paper kaya't ang mapursigi at hardworking na si Ayame ang pumalit sa kanya. Naghirap na kasi siya dahil namatay ang kanyang mga magulang sa car accident 6 months ago at inelite ng bangko ang lahat ng assets nila. Poor Sakura…
"Hi, Ayame-chan." Bati ni Sakura, na tumigil sa ginagawa.
"Sakura-sempai, chocolate cake na may strawberry toppings."
Alam na ni Sakura ang ibig sabihin ni Ayame. Ang happening sa labas…
Tamad na tamad sa buhay si Keigo. Nakatayo sa labas ng store at hinihintay ang pinsan niya. Ayaw niyang makita si Sakura, nahurt kasi siya sa mga articles na pinagsusulat nito sa school paper ng Hyoutei bago pa ito ievict bilang Editor-in-Chief. May hang-over pa siya, umikot ang mata niya. At sa inikutan nito ay nadaanan si Akaya na pakunwari pang tatayu-tayo din sa distance at hinihintay si Ayame kasi nga isosoli pa niya yung Physics book.
"Huh? At ano naman ang ginagawa ng isa sa mga Rikkaidai Regulars dito?" ani Keigo sa sarili at lumapit kay Akaya. Tatakbo sana siya kaso huli na ang lahat, nagsalita na si Atobe.
"At ano naman ang ginagawa ng isa sa mga Rikkaidai Regulars dito?" (inulit lang niya ang sinabi niya sa isip niya).
"Napapadaan lang, bakit masama? Saka ikaw nga ang dapat kong tanungin eh, ano ginagawa mo dito eh kalayo ng Hyoutei sa Kanagawa." Sagot ni Akaya.
"Tsk, sinamahan ang gustong madiabetes." Sagot ni Keigo. Mahabang katahimikan. Suddenly, lumabas na si Ayame. Nang makita niya ang pangyayari…
"Aba!" matinding kurap, kinusot niya ang mga mata niya. Ano ang ginagawa ni Curly Tops at ni Keigo, kailan pa sila nag-usap ng heart to heart? Nalingon si Keigo sa store, narinig niya kasing nagsway ang bell at nakita niya ang pinsan niyang nakatayo sa may pintuan at nakatanga sa kanila ni Akaya.
Nilayasan ni Keigo ang kausap. Anyway, ayos lang naman iyon kay Kirihara kasi yun nga ang gusto niya, kaso paano niya maiisoli ang libro ni Ayame. Kakausapin ba niya o hindi. Lalapitan ba niya o hindi. Isosoli ba niya o hindi. Ano? Kahit ayon nga sa kanya eh sila na (?) ni Ayame.
Sasakay na sana si Ayame sa limousine dahil nag-iinarte na talaga si Keigo kaso bumaba siya ulit.
"Hoy! Omaera!" Sabi niya.
Lumingon si Akaya, slow motion pa. Sa inis ni Ayame ay binalibag niya ito ng bote ng mineral water na walang laman.
"Bilisan mo… yung libro ko!" aniya.
Dali-daling lumapit si Akaya na nagagalit.
"Bakit mo naman ako binalibag?" nagsimula nang maging pula ang mga mata niya.
"Ang tagal mo eh, slow motion with effects ka pang nalalaman. Saka buti nga walang laman yung naibalibag ko sayo eh."
Inabot ni Akaya ang libro, nanonood na mabuti si Keigo sa moment of truth.
"Teyngk yu ha." Ani Akaya.
"No problem." Ani Aya saka sumakay sa limousine.
"Wala bang goodbye kiss, huh?" pang-aasar ni Keigo.
*pak!*
"Huh? Ba't mo naman ako sinapak, huh?"
"Shut up, Keigo." Ani Aya na nakakrus ang braso.
"Hm, masyado ka namang pikon. Siya nga pala, anong flavor yung binili mong cake?"
"Hindi kita bibigyan by hook or by crook. At kabilinbilinan iyon ni Sakura-sempai."
"Huh? Si Sakura ba kamo." Ani Keigo saka nanahimik. May iniisip siya, wag kayong magulo. At iyon ay hindi ko din alam.
Out of nowhere naman ay naglalakad si Akaya, malalim ang iniisip. Huminga siya ng malalim… bakit nga ba ganon siyang mag-isip ngayon, sukdulan ang lalim pero parang wala naman. Sa dami ng mga napagdaanan niyang hirap eh nagiging manhid na siya in heart and in mind. Bigla niyang naisip muli si Ayame,
"Akala ko ba kami na, sabi niya sa ospital? Tapos bakit ganun siya sakin, ang sungit-sungit. Kung sa bagay, nature naman na niya yun. Eh teka, bakit ko ba siya iniisip? Hay, nako! Erase-erase… ano nga pala gagawin namin bukas sa court? Ipapakita ko kay fukubuchou yung bago kong technique? Eh teka, meron nga bang bago?"
Pag-uwi niya ay sarado ang bahay nila, pero ayos lang dahil may susi naman siya… anyway, lumayas na sa bahay ang ate niya, dun na sa kanilang Oto-san pumunta. Wala naman dun sa bahay nila ang Okasan niya. So, he was alone again… naturally, nagself-pity siya agad nang mapansing wala man lang iniwan sa kanyang hapunan miski isang pirasong tuyo o talbos ng kamote. Nakakahiya naman kung pupunta siya sa buchou Seiichi niya para makikain dahil mas mahirap pa sa kanya ang kalagayan nun ngayon. Sasabihan lang naman siya ng 'tarundoru' ni Sanada pag lumarga siya sa pamamahay nun at sinabi niyang makikikain siya.
"Si Marui-sempai kaya o si Niou-sempai… neber maynd." Aniya sa sarili saka umupo.
It end up na hindi na siya naghapunan, namaluktot na lang siya sa gutom buong magdamag. Kawawa naman. Kinabukasan… nagmamadali siyang pumunta sa tennis court.
"Akaya! Late ka nanaman sa morning practice!" bulyaw ni Sanada.
"Ayon sa aking kalkulasyon, late si Akaya ng 59 seconds." Ani Yanagi.
"59 laps!" komando ni Genichirou.
"Bakit naman may 9 pa. Tanggalin mo na yun, fukubuchou. Tawad na." Pakiusap ni Akaya.
"Akaya! Kasama pa rin sa bilang yun. Hala sige! Larga!" sigaw ni Sanada.
"Payn!" wika ni Akaya sabay takbo, baka madagdagan pa eh.
Anyway, sanay na talaga siya since nang maging regular siya ay lagi na siyang pinapaikot ng kung ilang laps sa court tapos may kasama pang death glare. Kung sa bagay, kahit nung hindi pa siya regular, nung tinrick siya ni Niou, pinatakbo na siya ng 100 laps. Kung babae si Sanada ay maaring iisipin ni Akaya na laging may monthly period ang vice-ganda este vice-captain nila.
Sa Hyoutei…
Kasalukuyang may magaganap na practice match ang Hyoutei sa Seishun, iyon ay dahil sa gusto lang magyabang ni Keigo.
"Oh, gusto mo lang makita si Tezuka-san?" pang-aasar ni Ayame kay Keigo na nasa office ng publication before magstart ang invitational practice match.
"Huh? Oo naman noh." Sagot ni Keigo.
"Yuck! Bakla! Sinasabi ko na nga at YAYOI ka! Lagot ka kay Ate (Yung ate ni Aya ay ang manager ng Seishun tennis club though ang kanyang sinasabing boyfriend ay si Yukimura)!" pag-iingay ni Ayame.
"Hindi noh! Magtino ka nga, Ayame. Hindi lang naman tennis ang dahilan, huh?"
"Eh ano?"
"Bakit, ayaw mo bang magkaroon ng joined JS Prom?" tanong ni Keigo sa pinsan.
"Hhmm, kung si ate lang naman ang makikita ko eh wag na. And if I know na siya lang naman ang may pakana niyan." Naniningkit ang mata ni Aya.
"Huh? Bakit, akala ko ba bati na kayo? Bahala ka nga… Ang mabuti pa, magpicture ka nalang ng mga magagandang insights ni Ore-sama sa laban." Wika ni Keigo sabay bigay ng digicam sa pinsan.
"Sure. Hay nako, Keigo-sama, bati naman talaga kami ni Ate, ano naman ang dapat naming pag-awayan?" Sabi ni Ayame na may maitim na balak sa pagtetake ng picture.
"Malay ko sa inyo." Sagot ni Keigo saka kinuha ang racket niya at inaya si Kabaji.
"Singles 3, Oshitari Yuushi versus Fuji Syusuke. Hyoutei to serve."
Sinimulan ni Oshitari ang match ng isang nagmamagandang serve. Ngunit binawian ni Fuji ng Higuma Otoshi kaso syempre, magaling din naman si Yuushi kaya ibinalik niya ang tira sa kabilang side. (blah, blah, blah)… habang naglalaban ang dalawa, tamad na tamad namang magpicture si Ayame sa kinalalagyan niya. Puro shots lang pag nakalabas yung likod ng mga players, yung nakahilahod sa lupa saka yung mga time na tatalon. Yun lang… Kung sa bagay, hindi naman siya ang photo journalist pero bakit siya ang nagpipicture. Pero ayos lang din dahil may maitim nga siyang balak pag si Keigo na ang lalaban.
"Game and Match, Seigaku 6-4."
"Aw, bakit natalo si Oshitari. Kawawa naman siya. Hahaha!" Side comment ni Ayame. Hindi niya alam na malapit sa kanya si Shishido at naririnig ang mga pinagsasabi niya.
"Tsk. Itong pinsan na ito ni Atobe, kanino ba talaga siya kampi, sa Seigaku o samin?" napipikon na tanong ni Shishido sa sarili.
"Hi, Choutarou! Goodluck!" pag-iingay ni Ayame. Si Choutarou na kasi ang susunod eh, at si Kaidoh naman ang makakalaban niya. Ngumiti si Choutarou sa kanya, close naman sila eh at isa pa, wala sa nature ni Ootori ang mang-isnab ng babae.
"Ano ba yan, mukang natapakang ahas yung muka ng kalaban niya. Hm…" comment nanaman ni Ayame.
"Natapakang ahas?" galit na wika ni Kaidoh sa sarili. Kaso hindi na niya pinagtuunan ng pansin dahil mag-iistart na ang 'matchi'.
"Oi, Oishi, sino ba yung babaeng puti ang buhok na yon na may hawak ng digicam? Tinawag niya si Kaidoh na mukang natapakang ahas." Ani Eiji na narinig ang side comment ng pinsan ni Keigo.
"Ayon sa aking data, siya ang editor-in-chief ng Hyoutei at girlfriend ni Kirihara Akaya." Sabi ni Inui.
"Eeehh? Si Kirihara-san, boyfriend niya?" wika ng mga Seigaku regulars.
"Kanino mo naman nasagap yang chika na yan?" tanong ni Momoshiro.
"Kay Renji." Sagot ni Inui.
Lumaki ang tenga ni Ayame, narinig niya ang pangalan ni Curly Tops. Tumingin siya ng masama sa kabilang panig, ala-Sanada-kun na titig.
"Baka naman pinsan siya ni Sanada. Bakit ganun kung tumitig, napakasama, nakakahiwa." Wika ni Echizen sabay inom ng Ponta.
"Narinig niya yata. Wag kayong maingay." Sabi ni Oishi.
"Scud serve." Wika ni Choutarou.
"15-love."
"Hhhmmm… as of now, wala pang nakakatalo kay Choutarou, di ba? Teka nga." Ani Ayame sa sarili at tinignan ang listahan ng fights win and lost ng mga Hyoutei na nakatago sa kanya. Ninakaw niya kay Keigo yun minsan at hindi na niya isinoli. Anyway, pinapabayaan niyang maloka si Keigo kahahanap.
"Eh? Wala pa nga. Ang galing naman."
"Boomerang Snake!" eka ni Kaidoh. Sorry, palfak ang boomerang snake. Hindi ito uubra sa 'One-Shot with All My Soul In It' (ikkyu nyu kon) ni Ootori.
"Game and Match Hyoutei 6-4."
"May bunga ang hard work and prayers ko…" tuwang-tuwang sabi ni Choitarou sa sarili.
Nabalitaan ng Rikkai ang invitation practice na iyon ng Hyoutei sa Seigaku. Dahil sa chismis na hindi nila alam kung saan nila nasagap.
"And so, ano naman ngayon? Hindi ako naiinggit. *pok*" sabi ni Marui.
"Puri." kilala mo na ang nagsabi.
"Ano yun? Ano yun?" curious na tanong ni Akaya na katatapos lang tumakbo ng 59 laps.
"Tarundoru! Pumunta ka ngayon sa Hyoutei. Iniimbitahan ka ni Atobe sa isang practice match." Wika ni Niou the trickster sa anyong Sanada.
"Ako? Ngayon? Sa Hyoutei? Iniimbitahan ni Atobe-san? Isang Practice match? Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Kirihara.
"Nagrereklamo ka?" Sabi ni Marui.
"Ne, Niou, san pupunta si Akaya?" tanong ni Seiichi na natanawang umaalis si Akaya sa court dala-dala ang bag nito. Nadapa pa sa hagdan kamamadali.
"Puri." Ani Niou.
"May 99% na probability na ginaya ni Niou si Sanada at sinabihang pumunta sa Hyoutei dahilan sa may nagaganap doon na practice match ngayon." ani Renji
"Tarundoru!" sigaw ni Sanada.
Author's Note: Wala man lang magreview, ano ba yan? Well, whatever... :-)
