Disclaimer: standard disclaimer applied.

Summary: Dahil si Philippines ay OC pa ang status, ito ang version ko kung magulo na nga ang bahay ng mga ASEAN may dumagdag pang isa at kaya pala MIA dahil lagalag.

Sa bahay ng ASEAN

Chapter 1


ASEAN – Ang pangingealam ni Kiku

Isang umaga, maagang nagising ang nakatatandang miyembro ng pamilya para magluto ng agahan at para paggising ng mga kapatid handa na ito (a/n: how responsible di ba), nang siya'y nakatapos at kasalukuyang hinahanda ang hapag ng biglang…

"ANO BA!"

Isang malakas na sigaw ang narinig sa buong kabahayan kasabay nito ang malakas na lagabog mula sa isang silid na minsan lamang gamitin.

"Mukhang naka-uwi na sya" isip ni Yao habang inaalis ang apron, aakyat na sana sya upang tingnan ang pangyayari ng lumitaw si Hong Kong sa pintuan nagkakamot ito ng ulo at umupo sa hapag.

"Si Pili at si Kiku" simpleng sagot ni Hong ng makitang nakatingin sa kanya ang kuya na waring nagtatanong kung anong nangyari.

Nang may narinig nanamang sunod-sunod na kalabog agad pumunta si Yao sa may hagdan at sumigaw. "Magsibaba na kayo baka maubos ni Hong yung almusal."

"Kuya Yao naman!" tutol na sabi ni Hong kasunod nito ang lagabog ng mga paa pababa ng hagdan.

"Sinasabi ko na syo wag ka nang pumunta doon." Saway ni Kiku.

"Kiku tama na iyan at isa pa malaki na yan para pagbawalan mo pa." paliwanag ni Mei.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Yao nang makaupo at sumubo ng noodles.

"Pano kasi Kuya itong si Kiku pinagbabawalan nanaman ni Pili na pumunta doon kila Mang Antonio." Sabat ni Hong sabay kuha ng siomai.

"Pahyo nyaman hahi" pasimula ni Pili. (Pano naman kasi)

"Pili ubusin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita." Saway ni Yao.

"Sorry Kuya" ani ni Pili matapos lunukin ang noodles.

"Tingnan mo yan kasasama mo kay Alfred nakukuha mo na yung bad habit nya." Sabi ni Kiku hindi nya mawari bakit bihira syang sundin ng kapatid.

Nagbuntong hininga "ilang beses ko ba sasabihin syo, hindi masamang dalawin ko naman paminsan-minsan si Mang Antonio, baka hindi mo natatandaan inalagaan din naman ako nun nung maliit pa ako." Paliwanag ni Pili.

"Oo nga naman" sabi ng kapapasok pa lamang na si Yong Soo. Natigilan ng makitang nakatingin ng masama si Kiku.

"Ang gusto ko lang naman eh—" natigil sa pagsasalita ng biglang nagka eureka moment si Hong.

"Ah! Di kaya nagseselos ka dahil mas madalas si Pili sa labas kaysa dito sa loob at miss na miss mo na sya." Pag-aasar na sabi ni Hong at sumubo ng sinangag.

Natigilan ang lahat at sabay-sabay na tumingin kay Kiku, hagalpakan ang lahat minus si Pili nang makitang namumula si Kiku.

"Kiku… Kiku… lumalabas ang sister complex mo" puna ni Yong Soo habang umiiling.

Tumigil sa pagkain si Pili, tumayo at niyakap ng mahigpit mula sa likod si Kiku. "Honda Kiku… kahit madalas ako sa labas at iba't-iba ang kahalubilo iba pa rin kapag mga kapatid ang kasama ko tandaan mo yan at FYI wala akong balak palitan ni isa sa mga kapatid ko kung iyan lang naman ang pinag-aalala mo." Dito na nangiti si Kiku at marahang tinapik ang brasong naka-akap sa kanya.

"ANG DAYA! Bakit si Pili pinapayakap mo ako hindi… ako din" tatayo na sana si Yong Soo pero…

"Subukan mong lumapit at gagawin kitang sushi." Banta ni Kiku.

"Parang ayoko na atang kumain" sabi ni Hong, nagtawanan na lang ang lahat at ganito ang simula ng kanilang araw kapag kumpleto silang magkakapatid sa bahay.