Ngiti
No I don't own any of these characters. Para ito sa mga Pilipino na nais makabasa ng isang storya sa Filipino. Nakakasawanga naman kung puro Ingles. Sana ay inyong magustuhan
Isang babae ang naglalakad patungo sa isang kilalang building sa distritong iyon. Maaliwalas ang kanyang mukha at bakas sa kanyang labi ang siya. Pumasok siya sa lood ng building iyon. Ang kanyang sinakyang elevator ay umabot sa pinakataas ng building na iyon. Maligaya siyang binati ng kanyang serketarya.
"Magandang umaga, Ma'am Hiiragizawa. Tumawag ngayon ang mga Chinese investors at nais daw nilang magkaroon ng isang konperensya."
"Magandang umaga, paki-set na lang yung konperesya na iyon sa linggong ito. Nais kong bakantehin mo ang susunod na linggo. Walang anumang pahabol at pakiusapan mo silang kung ayaw nilang mag-hintay ay maari naming ayusin ito sa linggong ito. "
"Maliwanag po, Ma'am. Masusunod po at ang mga papeles na inyong pinahanda ay nasa mesa niyo na po. "
Diretsong pumasok sa kanyang opisina at maghapong kanyang tinapos ang kanyang mga gawain. Lalo pang tumindi ang kanyang mga gawain sa mga sumunod na araw. Ngunit hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang nasa isip lang nya ay ang pagdating ng araw na iyon.
"Ma'am ito na po yung inyong tsaa. Naayos na po yung problema sa pagawaan. Naayos na rin po yung shipment para sa susunod na buwan. Tumawag nga po pala ang designer ng mga accessories. Handa na daw po yung para sa susunod na collection natin. Handa na rin po yung bagong perfume line natin."
"Salamat, Chiharu. Magpapahangin lang muna ako. "
/Nakaraan/
"Ang ngiti ang pinakamagandang maskara ng ating damdamin. Alam mo ba iyon?"
"Kung maari lang itong ipagbili ay lamang marami na ang kumita." Napatawa ang dalaga.
"Oo nga, marami na rin ang mayayaman ngayon ano. Tayo naman ay mamumulubi."
Ang mapait na tugon ng binata.
Malungkot na tumingin ang binata sa dalaga. Nakikita nya ang ngiti sa labi ng babae ngunit iba ang ipinahihiwatig nito. Lungkot. Galit. Pait.
Natawa na lang sya sa sarili dahil sa tuwing nakikita nya ang mga labing iyon, nakikita nya ang sariling poot. Naisip nya na sa mundong ito an tao ay madaling malinlang ng ngiti. Mabilis makita ang ngiti at marinig ang tawa ngunit hindi nakikita ng iba ang tunay na damdamin ng tao. Bulag ang tao dahil gusto lang makita ng tao ang maganda. Nakikita nya ang gusto nyang makita.
"Poot man ngayon ngiti na lamang ang tugon. Nalulunod ka an hindi ka pa nila masagip dahil bingi at bulag ang tao." Pangiting sabi ng lalaki.
Humarap ang dalaga sa binata at tumugon ng , "Masarap ng lunurin ang sarili sa ngiti kaysa
lalong mabaon sa pait. Alam mo na ang mundo ay puno ng mga payaso na umiiyak."
/Kasalukuyan/
Isang babae ang nakikitang nakapikit habang nagpapahinga sa isang sofa sa rooftop ng isang kilalang building. Sa kanyang labi ang isang ngiti ang hindi maalis.
"Pinagod mo na naman ang iyong sarili. Ilang beses ko pa bang u…" Masayang iminulat ng babae and kanyang mga lilang mata. Kanyang buong higpit hinagkan ang lalaki.
"Eriol! Ang akala ko ay sa isang linggo pa ang balik mo."
"Nais ko lamang Makita wala naman sigurong masama doon mahal kong asawa?"Pangiting sabi ng lalaki.
Matagal din silang natigil. Ano pa bang hihingin nila?
"Sana ang ngiting iyan ay tunay, Tomoyo. "
"Ang ngiting ito ay para lang sa iyo, Eriol"
"Ganun din ako. "
Umuwi na ang mag-asawa. Bakaas sa kanilang mga mukha ang tunay na ngiti. Bukal sa loob at itinatangi para sa isa't-isa. Sa isa't-isa lamang.
Sino ang makapag-sasabi na sila rin ang nagsabi ang ngiti ay isang maskara. Sino ang mag-aakala na silang dalawa ang umamain na ang tunay na ngiti ay kailan ma'y hindi maaangkin.
Hindi nila rin inakala. Hindi nilang inasahan na sa mundo ng mga payaso, hindi lamang luha ang nilalaman.
