First attempt at try ko ng Tagalog fanfic...Pero bago 'yon...Permission muna kay Ulat Bulu (ipi-PM na lang kita next time...) kasi originally sa kanya 'to, e...Tinagalog ko yung fic niya, e...

Disclaimer: Di akin ang Prince of Tennis...'tsaka YM (dahil wala naman akong account e...)...'tsaka nga 'yung fanfic ni Ulat Bulu (Online Chat Rooms)

A/N: After nearly one year, in-edit ko na 'to...And guess what? May YM na 'ko!!

A/N 05-25-08: Major edit sa mga status ng mga ito.


Hyoutei YM Conference


Ore-sama is now online. (06:31 PM)

Ka-Ba-Ji is now online. (06:31 PM)


D45hSp3c14List: Atobe, ngayon ka lang?? Putrages, isang oras na aking naghihintay sayo e!!

Ore-sama: Si Ore-sama ay palaging busy, Shishido. Hindi ako tulad mo, na isang oras nang naka-YM.

D45hSp3c14List: Siraulo!! Ikaw nga tong nagsabing mag-online ngayon e! Hindi naman ako lagging gumagamit nito e...

ScudServe: Shishido, hindi ka naman siguro bastos.

Ore-sama: Ayan, Ryou, pakinggan mo si Ohtori. (tatawa sa sarili)

D45hSp3c14List: Tse! (nagagalit) So...anong gusto mong pag-usapan?

Ore-sama: Nasaan nga pala sina Yuushi at Gakuto? Hindi magsasalita si Ore-sama hanggang nandito ang lahat ng mga regulars.

D45hSp3c14List: Sa tingin mo naman alam ko kung nasan 'yung mga ugok na 'yon?!

ScudServe: Shishido naman! (nagagalit)

D45hSp3c14List: Sige na, sige na... (anime na sweatdrop)

ScudServe: Oo nga pala, Atobe, narinig ko nag-date silang dalawa sa sinehan. Pero, sinabihan ko naman silang mag-OL mamaya, e...

Ore-sama: Magaling magaling magaling! Oo nga pala Ryo, pakiusap nga pala ni Ore-sama na baguhin mo 'yang username mo...

D45hSp3c14List: Ano naman meron sa username ko?

Ore-sama: Masyadong magulo. Masakit sa mata. Tingnan mo ang sa akin. Simple ngunit elegante.

D45hSp3c14List: Elegante my face!! Ang cheap ng username mo. Mas maganda sa akin!

ScudServe: Ano ba Shishido?! Paki-ayos naman ang pagta-type sa YM o...

D45hSp3c14List: Masyado ka namang magalang, Choutarou. Who the hell cares ba akung anong tina-type ko dito sa pukeng-inang YM?! Tatatlo lang naman tayo dito e!!

ScudServe: ...

D45hSp3c14List: Joke lang mga dude..

Ore-sama: Oo nga pala...Kabaji, buhay ka pa ba?

Ka-Ba-Ji: Usu.


HyouteiTensai is now online. (06:52 PM)

I.am.better.than.K.E is now online. (06:52 PM)


HyouteiTensai: Hi fans! (kakaway sa monitor)

I.am.better.than.K.E: Yuuuuuuuuuushi!! I miss u!! (yakap sa monitor)

HyouteiTensai: I miss you too, Gakuto my loves!

D45hSp3c14List: Ano ba yan?! Diba nakipagkita lang kayo kanina. Kadiri nyo, sa YM pa naglalandian!!

I.am.better.than.K.E: Inggit ka lang! (tatawa-tawa na parang baliw)

D45hSp3c14List: Di. Ako. Inggit! Bat naman ako mai-inggit sayo?

I.am.better.than.K.E: Dahil boyfriend ko ang ka-doubles partner ko sa tennis?

D45hSp3c14List: Fine...'Oy weird badaf, ano naman kinalaman nun sa pagiging inggit ko sayo?

I.am.better.than.K.E: Huwag mo nga akong tawaging weird badaf! Fine, bading nga ako, pero huwag naman weird badaf kasi di ako ganun!!

D45hSp3c14List: Hindi nga ba? E di sino kung gayon?

I.am.better.than.K.E: E kung si Kikumaru ng Seigaku kaya?

D45hSp3c14List: Sa tingin ko mas weirder ka pa doon e. Sino bang mas mataas tumalon sa inyo.

I.am.better.than.K.E: Yuuuuuuushi!! Yuushi, ang sama-sama ni Ryou o!!

D45hSp3c14List: Huwag ka ngang bata Mukahi. Oo nga pala, crush mo ba si Kikumaru? Ba't nandyan 'yung initials ng pangalan nya? Oy, Yuushi pare, ingat-ingat ka lang sa jowa mo. Sa tingin ko nakikipag-flirt sa ibang lalake jowa mo e...

I.am.better.than.K.E: (gulat to the max) Hindeeeeee!! (dramatic epek) It's not true!!

HyouteiTensai: Gakuto... (disappointed ever)

I.am.better.than.K.E: Nooooo!! Yuushi my loves, makinig ka naman o!!

HyouteiTensai: ...


HyouteiTensai has signed out. (07:14 PM)


I.am.better.than.K.E: Ryou, gigilitan kita ng leeg kung makikipag-break si Yuushi sakin ha!!

D45hSp3c14List: hahahaha...

ScudServe: Kuya Shishido, you're so mean (Kris Aquino style).


I.am.better.than.K.Ehas signed out. (07:16 PM)

ScudServe has signed out. (07:16 PM)


D45hSp3c14List: Okay...ano naman yon?...Whatever. So, Atobe, ano nga pala sasabihin mo?

Ore-sama: Hindi ba kabilin-bilinan ni Ore-sama na dapat lahat ng regulars ay dapat nandito bago ako magsalita?

D45hSp3c14List: PUTRAGES, E BAT WALA KANG SINABI KANINA NUNG NAGKAKAGULO KANINA?!

Ore-sama: Sayang sa energy ang pagta-type sa computer, kahit na may personal typer si Ore-sama na nagta-type para sa akin. Hindi ba, Kabaji?

Ka-Ba-Ji: Usu.

D45hSp3c14List: PUNYETA!! Inaksaya mo lang oras ko para lang makakita ng jowang makikipag-cool off!! Makaalis na nga!!


D45hSp3c14List has signed out. (07:20 PM)


Ore-sama: Tayo na lang natitira, Kabaji.

Ka-Ba-Ji: Usu.

Ore-sama: Hindi nag-online si Jirou, hindi ba?

Ka-Ba-Ji: Usu.

Ore-sama: Siguro natutulog ang mokong. Alis na tayo.

Ka-Ba-Ji: Usu.


Ore-sama has signed out. (07:24 PM)

Ka-Ba-Ji has signed out. (07:24 PM)

Fuji-kun Rocks! is now online. (07:24 PM)


Fuji-kun Rocks!: Sorry guys! Nakatulog ako e sorry. Anong gusto nyong pag-usapan?

Fuji-kun Rocks!: Hello?

Fuji-kun Rocks!: Guys??

Fuji-kun Rocks!: HUUUUUUUUUUUYYY!!


All users are offline as of 07:24 PM.


Fuji-kun Rocks!: Ay...!


OK ba?

Reviews naman jan!!

Thanks...

Sorry kung nagmura ako dito sa fanfic...

Oo nga pala, para ma-keep track niyo kung sino ang mga nagcha-chat dito, lalagay na ako ng inventory log kung sino-sino sila.

Fuji-kun Rocks!: Akutagawa Jirou

Ore-sama: Atobe Keigo

Ka-Ba-Ji: Kabaji Munehiro (ako, ngayon ko lang nalaman first name ni Kabaji...bobits ko no??)

D45hSp3c14List: Shishido Ryou

I.am.better.than.K.E:Mukahi Gakuto

ScudServe: Ohtori Chotarou

HyouteiTensai: Oshitari Yuushi

Kitakits!!