Hello, tignan nyo ulit yung unang word! ito ang UNANG HINDI ONE-SHOT na tagalog Vocaloid Fanfic.. ito rin ang aking pangalawang storya! ^_^~! Tignan nga natin kung maiintindihan ni Rin and Len ang tagalog!
Rin: What? What did you say?
JDAH22: Sabi ko kung maiintindihan mo ang tagalog
Rin: Len! What did she say?!
Len: Ahhh.. Rin, there's no need to yell. I'm just sitting beside you. anywho.. i don't know if what crazy language is she saying. i just hear 'Tagalog'
JDAH22: *glares at len and started writting at the paper*
Len: Is tagalog your language? i'm sorry for desribing it crazy.. hehe
JDAH22:*sigh* nako naman..*gives paper at rin* Rin, Can you read that?
Rin: huh? okay.. *Japanese accent*''Warning o Barala o Disclamer?: Hindi poh pahmamayari ni JDAH ang Vocaloid at Jejemon. m-miay ron daw poh eingles words at Japanese words pero karamiran ay tagalog at baka nde nyu daw po maintindian other words S4L4m4T p0h'' huh? what does that even mean?
JDAH22: JEJEMON! RIN! JEJEMON RIN!
PS: Sabihin niyo sakin kung mayroong shortcut at baluktot na salita...
Rin Pov
Ako poh si Rin, Isa poh akong Hapon na marunong magtagalog at mag Jejemon. Ipinanganak at lumaki poh ako sa Pilipinas. Parehas pong hapon ang aking mga magulang. lumipat na po kami sa Japan para doon na manirahan. Hindi po ako medyo marunong mag nihongo dahil nalaman nyo naman poh na lumaki ako sa Pilipinas. Inaamin ko poh na na-mimiss ko na ang aking mga kaibigan at kamag-aral dati sa Pilipinas. namimiss ko na rin ang mga destinasyon at mga malls doon sa Pilipinas. At heto ako nasa aming bakuran, nakaupo sa damuhan; Habang pinapanood ko ang sunset. Nakita ko ang mama na pumunta sa aking pwesto.
"Rin, anak. ano, kaya mo na magsalita ng nihongo ng mabilisan at maayos?" Tugon ng aking nanay, tumingala ako sa kanya at sabay na binaba at tinaas ang aking ulo(A/N: guys, ano ang tagalog ng nodded?)
"Mabuti naman at naiintindihan mo na ang nihongo" Tuwang-tuwa na sinabi ng aking nanay.
"Pero ma, mahirap din po ng onti bigkasin at intindihin ang nihongo. nakakalito po minsan" Tumingin ang nanay saakin at sabay na ngumiti
"Hayaan mo anak, balang araw ay matututo ka rin" Buti nalang ang aking magulang marunong mag tagalog, Kaya pati nila ang accent ng tagalog sa tagal ba naman nila manirahan doon simula. Ahem. *cough*nagpakasal*cough* sila.
"Rin, namimis mo na siguro ang Pilipinas, ano?" Ibinigkas at tumingin saakin ang nanay.
"Opo, miss na miss ko na po iyon at miss na miss ko na rin po ang aking mga kaibigan"
Kinuha ko at tumingin ako sa chain ng aking cellphone na ibinigay ng aking mga kaibigan habang kami ay nasa airport. Mukang napansin ni nanay ang aking lungkot sa mukha. oo, nanay ang lagi kong tawag sa kanya.
"Anak, napagdesisyon namin ng iyong tatay na tayo ay magbakasyon ulit sa pilipinas hanggang sa katapusan ng bakasyon. kaya maghanda ka na anak, Pupunta tayo sa airport sa susunod na linggo. Kaya tawagin mo na ang iyong mga kaibigan na pumunta sa airport sa linggo ha?"Ngumiti ang nanay.
'Totoo ba ang aking narinig? Pupunta kami sa pilipinas next week? makikita ko na rin sawakas ang aking mga kaibigan? HIMALA!' Tugon ko sa aking sarili hanggang ako ay mapangiti.
Tumakbo ako papunta sa pinto, Halos na akong mada-usdos sa sobrang bilis ng aking takbo dahil sa tuwa. Tumakbo ako sa aking kwarto, Muntik-muntikan na ako mada pa at gumulong sa hagdan sa kakamadali. Binungo ko ng malakas ang aking pintuan para bumukas. at binuksan ang Kabinet at kinuha ko ang aking malete para mag-impake. Pumasok sa aking kwarto ang Tatay. Parang si nanay, ganun din tawag ko sa kanya.
"O anak, Ang bilis mo naman yata mag likpit. Next week pa tayo pupunta sa pilipinas. Masyado ka namang exited" Tumawa si tatay nang makita nya na ako ay mibilis na kumikilos para mag-impake.
"Dahil makikita koh na poh ang aking kaibigan" Halatang-halata naman yata kung bakit ako nag iimpes ng aking gamit.
"Hay nako baby. Hahahahahaha"
Tumawa ulit ang tatay pero ngayon ay mas malakas.
"K4k41N1zx K4h T4L4g4 T4t4Y" Sinabi ko ang salitang iyon para hindi maintindihan ng tatay
"Huh? ano? ano sabi mo?" Hindi alam ng tatay kung ano ang aking binigkas.
"Wala poh... ang sabi koh poh ay 'Pogi' Kayo" binobola ko ang aking tatay para hindi siya magalit
"Ikaw talaga. nambobola ka pa sa papa mong pogi, eh pogi naman talaga ako eh.. hahahaha" Tumawa na naman siya nang inirapan ko siya na parang gusto ko manapak ng ibang tao.
"ハニー!娘!いただきます!夕食の準備ができている"...'Hanī! Musume! Itadakimasu! Yūshoku no junbi ga dekite iru!'...'Honey! Daughter! Let's eat! the dinner is ready!'... Sinigaw ni nanay sa kusina... Ang sweet.. pa 'Honey' honey pah.. baka magkaroon tayo ng bubuyog na bisita mamaya.
"来て"...'Kite!'...'Coming!'... Sinigaw namin kay nanay. Bumaba kami at pumunta sa kusina para kumain.
" 'Nay, ano ulam?"(A/N: Lagi ko yan sinasabi kay mami) tinanong ko si nanay.
"Pumunta ka na lang dito" Sabi ni nanay. kakatakot.
naabutan ko ang lamesa. ang pagkain ay 'Karaage' at 'Genmai gohan' ang SARAP!
"Wow.. I kaw lang 'nay ang nagluto nito? ang sarap ah.." sinubo ko ang 'Karaage' at isinabay ang 'Genmai Gohan'. Parang kuminang ang aking mata sa uber duper sarap ng luto ng nanay.
"ありがとう"...'Arigatō'...'Thank You'... natuwa yata ang nanay sa aking sinabi.
"歓迎"...'Kangei'...'welcome'...
Ako ay ngumiti saka bumalik sa pagkain. pagkatapos ko mag hapunan, Pumunta ako sa banyo ng aking kwarto para maligo at magsipilyo. at nagbihis ako saka natulog.
(One Week Later/Makalipas ang Isang Linggo)
Nandito kami sa Airport sa Japan. Dala-dala namin ang aming damit at onting gamit para sa Pilipinas. Hindi na ako makapaghintay makita ang aking mga kaibigan bukas. Alas-singko ng umaga kami pumunta dito.
Nang sumakay kami sa eroplano(A/N: Sorry, D koh kasi lam kung nu ginagawa sa Airport eh) inilagay ko ang bag ko sa itaas na kabinet. Inilabas ko ang aking iPod at isinuot ko ang earphones ng mahikpit. Kinuha ko naman ang iPad para mag internet. Wow... may connection.
'Buksan ko kaya yung Facebook ko para i post na Darating kai sa Pilipinas bukas?' Tanto ko sa aking sarili
Binuksan ko ang internet at nag log in ako sa Facebook
Email: orange_kagamine2
Password: 0ranG31zM4hl1Fe (Orange is my life)
Sinubaybayan ko ang pag online ng aking mga kaibigan. ang aking mga kaibigan; Miku,Len,Edwardo,Jessica,Daniel,at si Althea (A/N: sorry kung ginamit ko ang pangalan ng mga tao at yung kay DANIEL) Ngayon ko lang nalaman na isang oras pala ang pagitan ng Pilipinas at Japan. ibig sabihin ay Alas Kwatro palang ng madaling araw doon. Lonely nanaman ako sa Chatbox.
Napansin ko na hindi pala ako nag-iisa ngayon. Online pala si Jessica. Kinausap ko siya ng mabilisan sa sobrang tuwa na mag-uusap ulit kami.
(Paalala: ang mga nakikita nyong bali-baliko at shorcut words sa chat box ay nandito..Bold-Taong nagsusulat,Italic- yung sinasabi sa Chatbox,Normal- Yung ginagawa sa eroplano)
Rin: Jessica! Ang aga mong gumising! Buti nalang Hindi ka pinagalitan ng nanay mo...
Kinuha ko ang tinago kong tsokolate sa bag at kumagat ng onti
Jessica: Rin! Long time no see! (:poop:) (u know... poop.. paalala sa kumakain ng tsokolate dyan)
Rin: See? Baka naman long time no chat? at kung kailan ako kumakain ng tsokolate dun ka naman mag sesend ng icon na yan (-_-)
Jessica: Sorry naman, Tao lang. Nobody is perfect~ at tulog pa sya... hindi ako natulog eh.. laki eyebags koh ngayon
Rin: Saka nga pala, pupunta kami dyan sa Pilipinas Bukas. nasa airport na kami.. at PS: wala akong pasalubong sayo wala akong pera, magdusa (:D)
Jessica: Hala? ang sama naman, Best friends tayo tapos walang pasalubong? ako may regalo sayo. BAD TRIP! hala! magigising na si mama
Rin: Dun Dun Dun~! Huli ka lagot ka sa mama mo at ano ang regalo mo saakin?
Jessica: Piatos!
Rin:Ay.. kaya koh naman bilin yan eh..
Jessica: Ay ate, Hiyang-hiya naman ako sayo!... mayaman pala ikaw... O.o sige na. hinahambalos na ako ni mami.. may bakat na ng atng tsinelas mukha koh eh..'ISARA MO NA YUNG COMPUTER!' ( ayun yung sabi ng mama ni jessica na galit na galit -_-)
Rin: Sabi na nga ba ay bubugbugin ka ng mama mo eh; Child ABUSE! hehehee (:D)
Jessica: Hindi nakakatuwa (-_-) (DX) (:'() (adik sa icon si Jessica)
Rin: Hehe... Sige Bye! see you tomorrow sa airport!
Jessica: Sige bye..
*Jessica is now offline
Hay naku, mag-isa na naman ako. i post ko na kaya? sige... pinindot ko ang home at pinindot ko ang status box(A/N: Remember..iPad not Laptop)
"Guys, Anybody, mammals, ghosts, kahit aliens.. pupunta na kami dyan sa pilipinas... nandito na kami sa Airport! :D gusto ko pumunta sa Boracay!"
Pinindot ko ang post at isinara ko na yung iPad. Inaantok parin ako ng unti pero masigla pa din. Nang maramdaman ko na gumagalaw na pala yung eroplano ay nakita ko ang magaganda at iba-ibang kulay ng ilaw. Mabilis ang takbo ng eroplano at maingay ng onti dahil sa lipad.
Ng unti-unti na kaming tumaas ay nakaramdam ako ng bigat sa katawan dahil sa enerhiyang humahatak sa atin para hindi tayo lumipad at tinatawag iyong 'Gravity' ang ganda ng view sa itaas. maraming maliiwanag at magagandang ilaw dito sa lungsod. napasin ko na pumipikit-pikit na ang aking mata kaya napagdesisyonan ko na matulog.
(Kinabukasan: sorry tamad me ^_^")
Nandito na kami sa Pilipinas. exited na ako na makikita ko ulit sila; Miku,Len,Edwardo,Jessica,Daniel,at si Althea. Nadatnan ko ang Mag kakabarkada sa labas ng Airport. Lumabas kami ng aking mga magulang sa airport at saka ako pumunta sa kanila.
Si Miku ay isa din Half-Japanese. hapon ang kanyang Ina habang Pilipino naman ang kanyang Ama.
Si Len naman ay isa ding.. err..ummm.. sabihin na lang natin na parang kay miku; Half-Japanese din siya, pilipina ang nanay at hapon ang kanyang tatay.
Si Edwardo ay isang makulit at supladong tao. Madalas din niya na iniisip na isa siyang sikat na Aktor kaya Marami-rami ding galit sa kanya.
Si Daniel ay Masiglahing tao. Isa siyang CRUSH ng bayan dahil sa kanyang magandang ugali at itsura.
Si Althea naman ay isang 'MATABANG' Dalagita. Matalino siyang tao kaya siya ang Valedictorian ng kanilang Paaralan. Siya din ang Pinaka matanda sa aming mag kakaibigan(A/N: Pinsan ko ito..isa siyang matalinong tao... sorry kung bakit ko nilagay ang pinsan ko dito... ps:mataba rin siya :D)
Nakita nila akong pumupunta sa kanila. Nan laki ang kanilang mga mata sa gulat na nagkita na ulit kami.
"RIN!"
Hey Guys! Second Story ko ito! Sa next Chapter Pa naman ang tunay na JEJEMON RIN EH! XDDD kay hintay-hintay din! mag review kayo! PS: Please lng,,,, tagalog ang i type nyo huwag english,,, na nonosebleed na ako.. sa susunod ay baka maging internal bleeding na!
RIN: Seriously, What are you saying?
JDAH: *FAINTED FROM BLEEDING*
Len: I just got checked that she is speaking her language Tagalog. *Search translate google*
Rin: What happened to her? why did she collapsed onto the floor?
Len: Maybe were speaking English too much?
PS: PLS! REVIEW...tagalog ha?! :D -_-"
