A/N: hmm.. wag po sana kayong magtaka kung mapapansin nyong hawig ito sa kwento ng aking kaibigang si Bakero-chan na 'Why I Loved a White-eyed Pervert' dahil supposedly ito nga dapat iyon. :) pero nagdesisyon akong gawin itong fanfic na ito na parang bagong kwento. para naman may aabangan kayo.. :) sana po magstuhan nyo ito:) r at r po!.. :)

Disclaimer: Hanggang panaginip lang ang Naruto sa akin.. ;(

Gabay:

Italics- actions, thoughts

Bold Italics- Inner Sakura (at mga inner self pa ng ibang mga karakter..)


Kahit Na.


Isang taon nang nakalilipas...

Nagsimula ang lahat sa aming iskwekahan... sa loob ng banyo, to be precise.

'San ba ako nanggaling? 'di naman ako nanggaling sa babuyan a... bakit ang dumi ng kamay ko ngayon?' patuloy kong winika sa sarili...

Pinagtripan ko muna yung liquid soap habang walang nakakakita..

'Pasaway..'

'ulol.. tumahimik ka nga.' Pangaral ko sa aking inner self..

Haaaaaaay... Kelan nga bang nagsimula ang pagiging uso ng mga inner self na mahilig maki-epal sa thoughts ng may thoughts?

Grabe talaga..

Napatungo ang aking ulo –which caused my long, pink locks to bob up in surprise..pinaghirapan ko pa namang i-blowdry 'to kaninang umaga..- nang biglang bumulwal ang pintuan ng banyo pabukas, nag-uudyok sa mga kababaihang pumasok..

Ako lang ba ito o talagang biglang may lumitaw na isang damokmok ng mga kababaihang atat makinig sa pinakamaanghang na tsika na nagdulot sa biglang paninikip ng banyo?

Mga kabataan nga naman ngayon...

-sighs..-

"Yah...tama ang na-heard mo.. May date kami ni Neji mamayang later.." sabi ng isang babaeng may malagong, kulay dilaw na buhok with matching sapphire-blue eyes na... a..e... parang mas malaki kesa sa normal na uri...

'Haha..' napatawa ako sa sarili.. 'Ang kapal ng face nitetch.. pa-english english pa.. bali-baligtad naman..'

"A..e, Ino, 'di ba siya yung guy na isa sa pinaka-sikat dito sa Academy?" tanong ng isa pang estudyante na may kulay tsokolate na buhok na nakatali into two buns..

'Mukhang siopao. Gutom na ko, bruhita...' sambit ni Inner Sakura..

'Teka.. sandali..' sagot ko.

"Oo, siya nga." reply ni Ino.

"E pano na si Sasuke? 'di mo ba siya natitipuhan, ha Ino?" umusbong pa ang isa pang katanungan.

"A.. si Sasuke ba?" simula ni Ino. "Kasi parang.. parang he has something against me e... Hindi ko ren gusto yung mga tingin nya sakin.. Para kasing gusto niya akong litchonin ng alive... At besides, ayaw ko sakanya.. Balita kasi, he's a bad kisser.." dadagdag nya thoughtfully.

I smirked inwardly.. Grabe.. Importante ba talaga kung bad or good kisser ang partner mo sa isang relasyon?

Haaaaaaaaaaaay...

Isang bungtong hininga ang muling lumabas mula sa aking mga labi.

"Kahit anong mangyari, astig ka pa ren para sakin, Ino." Epal pa ng isang papansing biyatch.

"Hah. Di mo na yan kelangan sabihin pa. Dahil ako lang naman ang katangi-tanging babaeng hinahangaan, kinagigiliwan at kinababaliwan ng lahat ng mga kalalakihan dito sa Academy, at alam nyo iyan. KAHIT ANONG GAWIN NYO, 'DI NYO KAILANMANG MALALAMPASAN ANG KAKAIBA KONG KARISMA." Mayabang nyang paliwanag, habang nakatingin sa aking direksyon.

'Ako ba ang pinapatamaan nitong si Ino-baboy?' tanong ko sa sarili.

'Sino pa nga ba? E 'di ba ikaw...-este-... tayo ang mortal na kaaway nyan?'

'Kung sa bagay.'

Hindi ko nalang siya pinansin. Wala lang yung magawang matino sa kanyang life...

'Palagi naman e... Ikaw naman... parang 'di ka na nasanay dyan kay Ino...'

"Hmph.. Heh. Pangako ko sainyo, by tomorrow, ako na ang bagong girlfriend ni Neji.. Malay nyo, ako na pala ang kanyang magiging asawa sa future.. HYUUGA INO, hindi ba't kay ganda nun pakinggan?" wika niya.. and is then followed by a loud, hysterical laughter na tulad sa isang bruha na maypagka-lunatic.. -2 in 1..-.. na siya rin mismo ang may kagagawan.

"NYAKNYAKNYAKNYAK.."

"WAGAHEHHEHEHEHEHEHE.."

"KUKUKUKUKUKUKUKUKUKU.."

"HARDYHARHARHARHARHARHARHARHAR.."

"WAKEKEKEKEKEKEKKKEKEKEKEEEEEEEEEEEK.."

-coughs...-

By the time na natauhan na si Ino, kagulat-gulat na hindi pa rin siya nililisan ng kanyang mga P.A... at mga tagahangang girlash.

"Ahem... Just wait for tomorrow and you'll see Neji and I being the sweetest and the most popular couple in school."

After the show that she put off, lumabas siya ng banyo with a flip of her hair as her.. a.. e.. –kakaibang- goodbye wave.. which eventually made our female students gawk in adoration..

Bigla akong napa-wonder..

Straight ba tong mga 'to?


Haaaaaaaaaaay... Buti nalang hindi ngayon naghahanap ng gulo ung lukaret na 'yun...

Hindi kami gaano... okey... never kaming nagkasundo pagdating sa maraming bagay. At nadagdagan pa yung hate nya sakin dahil sa mga katotohanan -at ilang kabalbalan- na pinagsusulat ko sa 'The Finale' at 'The Final Blow', ang aming school paper..

-Ang 'The Finale' ay para sa 1st and 2nd sem. While 'The Final Blow' ay para sa natitirang kalahati ng taon-

Oo nga pala, ako ay si Haruno Sakura. Labing pitong taong gulang. Isa sa mga pinaka-matalinong mag-aaral sa paaralang ito. Ako rin ang Ed-in-Chief ng aming school paper, which means magaling akong magsulat at isang certified chikadora.

Dalawang taon palang ang tinatagal ng Academy. Isang requirement na mag-aral dito ang mga nagsisimulang chuunin katulad ko, sabi ng aming mahal na Godaime, ayon sa opisyal na pahayagan ng Konoha, ang 'Konoha Daily'.

Tumutugtog rin ako ng acoustic. I play the guitar and I am also the lead guitarist of our band at nagvo-vocals ren, na binubuo ng limang babaeng miyembro.

Besides being a person that's musically inclined, kinahihiligan ko rin ang panunukso kay Yamanaka Ino.

Nag-iisa ako ngayong namumuhay sa isang malaking mansion.. Wala ang aking mga magulang.. Kasalukuyan silang naninirahan sa America, sapagkat mas malapit at mas maalagaan nila ng husto doon ang aming business.. Kung minsan, nakikitulog nalang ako sa bahay ng aking pinaka-matalik na kaibigan, si Hyuuga Hinata, dala ng sobrang kalungkutan..

Nasa C.R. pa rin ako at pinag-iisipan pa rin ang mga pinagsasabi kanina ni Ino tungkol sa Uchiha...'tila gusto akong litchonin..' bakit naman kaya? Napaisip ako ng malalim.. Diba't magkasundong-magkasundo yung si Neji at 'tong si Sasuke? E 'di dapat maging masaya si Uchiha para sa kanyang kaibigan?.. baka naman nagseselos lang ata to.. with a shrug, I quickly left the lavatory, sa pag-aakalang late na ako para sa aking History class.

Sa aming klase sa History, I was blessed with an odd bunch of classmates:

Yamanaka Ino: isang malanding baboy na kahit kailanman, ay walang magawang matino.

Uchiha Sasuke: isang bad kisser na wirdow slash loner... na heartthrob ren.

Hyuuga Neji: number one na chuunin, number one rin na heartthrob ng buong iskwelahan.

At si Hyuuga Hinata: an angel from heaven guised as my best friend..

As I walked papunta sa aking patutunguhan, I pondered about Sasuke and Ino muna..

Love triangle?

Malaking scoop to!

-giggles...-

Nang akin nang narating ang aking destinasyon, dali-dali kong binuksan ang pinto, reding redi nang humingi ng pasensya mula kay Kurenai-sensei.

Pag bulyaw ko sa loob ng room, sabay lumuwa ang aking mga mata sa nakita.

I clearly saw something I wasn't meant to see...


A/N: haha.. okei lang ba ang unang chapter?.. review naman o.. plis?.. salamat ng marami!.. :)