Pahina 1

Ang Kunoichi's Cookbook

Itong librong ito ay compilation ng mga paboritong resipe ng mga maybahay ng Konoha. Ito ay naglalayung matulungang makapaghain ang ating abalang mga ninja nang masarap na pagkain sa pinakamabilis at pinakamainam na paraan para sa kanilang asawa at pamilya.

Copyright: unang quarter ng 2012

.

Pahina 3

Ang Paghihiganti ni Temari

Sangkap

1 litrong mantika

Madaming bawang. Madaming madami. 2 tasa. Di na kailangang dikdikin

10 nakakalasong palaka, syempre sariwa dapat at kakahuli lang sa estero

Kalahating kilong nakakamatay na kabuti, hugasang mabuti

Pulang sarsa mula sa pinaghalong 1 kutsaritang katas ng kamatis at 2 bote ng 120 ml na chilli

Instructions sa pagluluto

Ibuhos ang 1 litrong mantika sa malaking kawali. Painitin bago ilagay ang 2 tasang bawang. Hintayin mag golden brown ang bawang. Isahog ang palaka at kabuti. Haluin. Idagdag ang pulang sarsa at i-simmer sa loob ng 2 minuto sa ilalim ng mahinang apoy.

Enjoy ang authentic medium rare na palaka.

Makaka-gawa ng malaking serving, tamang-tama para lamang sa isa.

Tipid tip: Dahil pinulot lang ang mga sangkap kung saan saan, malaki ang iyong matitipid sa resipeng ito tamang-tama para sa inyong pinakamamahal na batugang asawa.

—o0o—

Note ng maygawa: Pag may nagreview wow naman.

Disclaimer: Ang Naruto ay pag-aari ni Kishimoto. Ewan ko lang kung may cookbook din syang tulad nito.