Sa silid-aralan, minamasdan ng ating bida na si Seifer ang kanyang hidden desire. Walang iba kundi si Quistis Trepe. Past-time niyang makakuha ng detention para "makipag-bonding" sa kanya.
'Haaaayy.. Ang ganda niya. pamatay. '
Naputol ang imahinasyon ni Seifer nang lumapit ang isang Trepie!
At nakipag-usap kay Quistis.
'Wag kang maniwala d'yan. 'Di ka n'ya mahal talaga
'Aba, aba. Bagong manlalaro. Mukhang sumusubok maka-iskor to ah!'
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
'Wehh. Nagbigay pa ng teddy bear. sus. ano kaya yun!'
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Tumingin si Quistis sa Trepie mula sa tambak niyang trabaho...
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya
Sabay pagtaas ng kilay ni Quistis. 'Yes! Ako pa rin ang number one!'
Nagbalik ulit ang ating bida sa pagpuri kay Quistis. 'Maganda, matalino, responsable..'
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
'Palaban, mabait, maganda..ay naulit ko na ba?'
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo
'Putek! May lumapit na naman na Trepie. Harang harang sa view. Tch.'
'Di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Lumapit ang Trepie at nagbabalak ng masama kay Quistis.
'Huwag ka ngang magbalak!'
Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
'Ops..ops. Malapit ka na lumampas!' inisip ng nanggigigil na Seifer. 'Pagbilang ko ng tatlo, hihiwain talaga kita!'
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala
'Isa..dalawa..' sabay tayo ko at sampal ni Quistis sa manyak na Trepie! 'Kaya na-inlab ako sayo eh.' ngumiti siya sa sarili niya at umupo ulit.
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima ('Wag naman sana)
Tumigil sandali si Quistis sa kanyang gabundok na trabaho at pinansin si Seifer.
"Seifer, bakit ba kasi ang pasaway mo? Bakit hindi mo na lang gayahin si Squall?"
'Squall blah blah blah. Putragis na Squall yan! Pinapaikot lang si Quistis. May Rinoa na siya! Iwan niya na kami!'
'Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'Hindi tulad ko! Pag naging kami ni Quistis, di na ko titingin sa iba! Peksman!'
'Wag ka dapat sa'kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan!
At nagsermon lang nang nagsermon si Quistis kung bakit mas magaling si Squall kay Seifer sa lahat ng aspeto habang lumilipad na si Seifer sa mga panaginip niya kasama si Quistis.
Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
At wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala nang hihigit pa sa 'yo (akin ka na lang)
Lumipas ang oras nang ganito nang biglang..
RIIIINNNGGG!
"Seifer, tapos na ang detention mo. Pwede ka na umalis."
'Pucha. Tapos na!'
"Hay nako. Lecheng Squall yan. Lagi na lang." Patagong sinabi ni Seifer pero sinisigurong marinig ng kanyang Instructor.
"Seifer! Bawal ang pagsasalita ng masama laban sa Commander! Detention bukas. Limang oras."
'Limang oras? Yeeaaahhhbaaaa!' sabay sipa ng trash can bago lumabas. Galit-galitan kuno.
